FORETOLD 5

9 1 0
                                    

"Hi, sir, ma'am. Ilang oras po ang accomodation niyo?" tanong ng babaeng nasa front desk. 

Wala na silang choice kase giniginaw na rin sila.

Napatingin sa kanila ang babae dahil basang-basa sila. Nababasa niya ang nasa isip nito. Iniisip nitong naligo sila sa ulan!

"For three hours po ba kayo?"

"Overnight." Tila nagulat pa ito sa sagot niya.

"Two rooms, please." Dinukot ni Reynan sa bag ang wallet niya.

"Po?" Gulat na sabi ng receptionist. "Hindi po kayo couple?"

"Hindi!" Magkapanabay pa nilang sabi.

"Okay po, one thousand two hundred po ang accomodation for one night ng isang kuwarto. De bale two thousand four hundred po."

Pero napatingin si Reynan sa wallet at wala ng dalawang libo ang pera niya.

Napatingin na rin si Alexis. "Bakit iyan lang ang pera mo?"

"Estudyante pa lang ako, Alexis. " saka sabay silang napatingin sa receptionist na nakangiti pa rin sa kanila.

***

Pabiglang binuksan ni Alexis ang pinto.

"Dahan-dahan naman baka magbayad pa tayo niyan," sabi ni Reynan na hawak ang isang tuwalyang kulay puti at dalawang maliit na sabon.

Bumungad sa kanila ang hitsura ng maliit na kuwarto. Isang malaking kama sa gilid na mayroong katabibg maliit na mesa. Sa dingding noon ay mayroong napakalaking salamin. Sa kabilang sulok ay naroon ang cr.

Napangiwi si Alexis. "Isa lang ang kama."

"Maligo muna tayo." Hinila siya nito papasok ng CR. TUmatagas sa sahig ang tubig na dala ng katawan nila.

"Teka, huwag!" Nanlaki ang mga matang sigaw niya habang sumusunod ang mga paa dito.

Huwag nitong sabihing---

"Hindi tayo sabay kung iyon iniisip mo, mauna ka," sabi nito saka siya ipinasok sa loob ng cr sabay hagis ng tuwalya sa kaniya.

Gulat siyang nasalo iyon. Sunod nitong ibinalibag ang sabon.

"Bilisan mo at giniginaw na rin ako." Tumalikod na si Reynan. "Isara mo ang pinto."

Sinara nga niya ang pinto at mabilisan siyang naligo dahil kailangan na rin ni Reynan magbanlaw kaagad.

Nang matapos si Reynan maligo ay nadatnan siya nitong nakaupo sa gilid ng kama. Nagpapatuyo siya ng buhok gamit ang tuwalya. Nakasuot siya ng bathrobe at ganoon din ito. Iyon lang ang damit na maari nilang maging pamalit.

"Matulog na tayo, Napagod ako maghapon, ikaw ba?" Gustong ibagsak ni Reynan ang katawan sa kama kaso naalala niyang isa nga lang pala ang higaan. "Sa sahig na lang ako matutulog. Bigyan mo na lang ako ng sapin."

"Ha?" Tiningnan ni Alexis ang kabuuan ng kama at tanging ang kumot lang ang nakikita niyang maaaring ibigay na sapin. "Gagamitin ko itong kumot no?" Hinalukipkip niya sa dibdib ang kumot. "Mabuti pa, tabi na lang tayo."

Nalaglag ang panga nito.

"Ang ibig kong sabihin sa magkabilang dulo tayo," Napalunok pa siya ng laway dahil mali ang sinabi niya kanina. "Hindi ko naman gustong magkasakit ka jan sa sahig, ano?"

Inaasahan niyang tututol ito pero nagulat siya nang nahiga na ito sa kabilang gilid niya. Nakatagilid ito at nakatalikod sa kaniya. Pagod si Reynan sa maghapon kaya hindi na niya ibig makipagtalo. "Huwag mo 'kong gagapangin mamaya."

Foretold (completed) Where stories live. Discover now