Napabuntong hininga na lang si Isabel at pinunasan ang mga luha sa mata niya.

Hirap din kasi pag nagseselos eh.

Tiffany's POV

"Ano?!" Sabay sabay nilang sambit.

"Gumagawa nanaman ng eksena si Allyssa kay Brooklyn?!" Tanong ni Kylie na may halong inis.

"And the worst part is, pinagtulungan pa ng bruhang Harper si Brooklyn." Pagkwento ko sakanila.

"Buti na lang okay lang kayo." Sambit ni Ino na naawa saamin.

"Okay lang kami Ino. Dumating naman si Damian para umawat eh." Pagkwento ko ulit.

"Thank goodness Damian!" Sigaw ni Kylie na parang naluwagan ng paghinga.

"Pero may kasama siyang lalaki eh. Ezio ata yung pangalan. Basta yun!"

"Asaan na si Brooklyn ngayon?" Tanong ni Natalie.

"Kasama niya si Isabel ngayon. Nasa classroom lang sila."

"O siya siya. Punta na ako sa classroom. Tara Ino!" Pagyaya ni Kylie bago umalis.

"Sige, mauuna na rin ako. Bye!" Sambit din ni Ino bago maglakad palayo.

Hooh! Mga demonyita talaga! Ayaw umawat!

"Tara na Tiffany. Baka ma late pa tayo sa classroom." Pagyaya ni Hazel na ikinasunod ko.

Naglalakad na kaming tatlo nang biglang dumating ang mga demonyita na ikinainis lang namin.

"Hey girls." Sambit ng psychopath.

"Ano bang gusto mo Beast Beauty?!" Tanong ni Hazel na pasigaw.

"Well... yang kasama mo, gumawa nanaman ng kalokohan sa kaibigan namin!" Pagkwento ni Roselle habang tinuturo ako.

"Well, hindi naman magiging ganyan si Tiffany kung hindi dahil sa mga kademonyohan niyo! At tsaka, kayo ang nagsimula ng gulo diba?! Bakit mo ba kami dinadamay sa mga kalokohan mo?!" Inis na sambit ni Natalie.

"Sumusobra ka nang ahas ka!" Sigaw ni Irelynn na balak atakihin si Natalie. Kaso hinarangan agad namin ni Hazel para umawat.

"Subukan mong saktan yung kaibigan ko, ako makakaharap mo!" Pagbanta ko sakanya.

"Maghaharapan tayo dito!" Inis na sambit ni Roselle.

"Maghaharapan talaga! Tapos magpapa victim ka nanaman pag ikaw ang may kasalanan!" Pagsabat ni Hazel.

"Ulitin mo nga yung sinabi mo?!" Sigaw ni Hazel bago sabunutan si Hazel.

"AHH!! BITAWAN MO AKO!"

"BITAWAN MO NGA SI HAZEL!" Sigaw ni Natalie bago niya sinabunutan si Roselle.

Sususgod na sana si Irelynn kaso naunahan ko na siya ng sampal sa mukha bago ko siya sabunutan.

"IRELYNN!" Sigaw ng lalaki na ikinatigil naming lahat.

"Pati ba naman dito sa school Kuya Tanner?!"

"Mamaya ka saakin pag uwi!" Sigaw ng kuya ng demonyita na ikinainis niya lang.

"Ang epal mo talaga! Kahit kailan!"

"Epal nga kung epal! Pero mali na yang ginagawa mo! Kung ako sayo, bumalik ka na sa classroom mo! Nagcu cutting ka nanaman eh!" Panermon niya kay Irelynn.

Buti nga sakanya!

"Tara na nga Roselle!" Inis na sambit ni Irelynn bago maglakad palayo kasama si Hazel.

Akalain mo yun? May matinong Kuya ang demonyitang yan!

"Ayos lang kayo?" Tanong niya saamin.

"Salamat po Kuya Tanner." Pagpasalamat ni Natalie.

"Buti naalala mo pa ako. Natalie." Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.

"Uhmm, excuse me po? Paano niyo po nakilala si Natalie?" Tanong ko sakanya.

"Well, lagi siyang nabubully dahil sa kapatid ko eh. Kaya ako na mismong magso-sorry sainyo sa mga kalokohan niya." Sabi ni Kuya Tanner.

Buti na lang talaga, may magandang naidudulot din tong si Kuya Tanner sakanila.

"Gusto mo bang ihatid ko na kayo sa classroom?" Pagyaya niya.

"Hindi na po. Salamat." Sambit ni Hazel.

"Sige. Mauuna na ako."

"Wait!" Pag awat ni Natalie sa pag alis ni Kuya Tanner.

"Paano po kayo nakapasok dito?" Pagtataka niyang tanong.

"Uhmm... janitor ako dito for now. Absent kasi yung janitor niyo ngayon eh."

"Sige po. Mauuna na po kami." Sambit ko lang bago maglakad palayo.

"Ingat kayo!" Sigaw na lang ni Kuya Tanner.

Away away away! Wala nang tigil sa pag aaway!

Author's Note: Looks like hindi talaga nagpapatalo ang mga psychopath natin ah!

Hint about sa next chapter, may suntukan nanaman na ganap. Pero hindi sa school. Sa tingin niyo, sino kaya makikipag suntukan?

Pasensya na sa stress ha! 😂

Yun lang, labyu all! ❤️❤️❤️

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now