Bumukas ang pinto ng kwartong inilaan para saakin ni Nanay at napatingin ako doon.

"Alam ko kung ano ang problema,Rielle. Kilala mo naman ang Mama mo di ba?" sabi niya. Itinigil ko muna ang pag-aayos ng damit at huminga ng malalim.

"Pero masaya ako at naisipan mong pumunta dito. Ngayon,hindi na ako masyadong mag-aalala sa kalagayan mo dahil nandito ka na." patuloy niyang sabi.

Naligo ako at nagpahinga na. Gabi na nang nagising ako at dahil 'yon sa sunod-sunod na katok. Inayos ko muna ang sarili at pinasadahan ng daliri ang buhok ko at inayos iyon sa pagkakatali at binuksan ang pinto.

"Ate Rielle!" bumungad saakin ang isang babae. Agad niya akong niyakap at tiningnan mula ulo hanggang paa. "Ikaw nga!ang ganda-ganda mo,ate!" puri niya saakin.

Nilagpasan ko siya at naglakad patungong kusina. Hindi ko nakita si Nanay. Hindi ko rin alam na nakasunod pa pala siya saakin.

"Nasa hacienda pa si Nanay,ate." Hacienda? "Hindi mo ba ako natatandaan?" tanong niya.

"No." sabi ko. Napaatras siya at nakitaan ko ng takot ang kanyang mga mata.

Fuck!mukhang natakot ko ata siya?

"Look...I just don't remember you." sabi ko sa kanya.

"Ah...a-ako to...si Andeng." pagpapakilala niya saakin. Andeng? "'Yong batang tinulungan mo noon?Doon sa mga batang lalaking nang-bully saakin?" sabi niya pa. Hindi ko talaga matandaan. Tatlong araw lang naman ang itinagal ko dito no'ng sinama ako ni Nanay,at hindi ko matandaan kung ano ang sinasabi niya.

"Ganito nalang,hindi mo rin naman ako natatandaan,ipapakilala nalang kita sa mga tropa ko. Ano?game ka ba?diyan lang naman sila sa lab---"

"I don't want to." sabi ko at tinalikuran na siya. Dumaan ako sa likod ng bahay pababa sa papunta sa dalampasigan.

Waves crashing on the shore. Narinig ko agad ang hampas ng alon at naamoy ang alat ng dagat. Nakakalat din ang mga sasakyang pandagat sa pampang. Binalot ng lamig ang aking katawan lalo na at manipis lang ang suot kong t-shirt at leggings. Tanaw ang mga bituin sa kalangitan,umupo ako sa isang malaking bato malapit sa dagat.

I can live here and I can survive. There are no malls, hotels,bars or clubs, elite restaurants,and luxury goods in here. But I don't mind,I don't need it,anyway. I'm not a party girl and I don't attend social gatherings. Mas gugustuhin ko pang makipag-karera o makipag-bilyaran nalang kaysa makipag-sosyalan.

Ilang minuto lang ang itinagal ko doon at nagpasya na akong bumalik sa bahay. Narinig ko ang ingay sa labas. Mukhang may nagkakasiyahan.

Lumabas ako ng bakuran at may pumaradang itim na pick up sa harapan ko. Inilabas no'n si Nanay. Lumapit ako at binuhat ang dala niyang basket na may lamang mga gulay.

"Ayos lang,Nay Wilma. Dito rin naman ang punta ko kaya sinabay ko na kayo." sabi ng isang baritonong boses.

Napakunot ako ng noo at tumingin sa kausap ni Nanay.

A man wearing a dark maong pants and a white shirt. I still need to look up on him because he's tall. Pero hindi ko masyado maaninag ang mukha niya dahil medyo madilim. But I can sense that he's looking at me with his unsmiling lips.

"Ate Rielle!" sigaw ni Andeng saakin. Natanaw ko siya sa may tindahan,may mga kasama. Naninigarilyo ang dalawang lalaki.

"Sige na,Nak. Doon ka na muna,maghahanda lang ako ng pagkain. Ako na nito." sabi ni Nanay saakin.

I took a deep breath bago tuluyang naglakad palapit sa may tindahan. Nauna na ang lalaking kasama ni Nanay at mukhang doon din ang punta niya.

Nang tuluyan na akong makalapit,dumako agad ang tingin ko sa lamesa. May ilang bote ng beer ang nakalatag at chichirya bilang pulutan nila. Are they allowed to drink?and smoke?ilang taon na ba ang mga taong ito?saka,dito pa talaga sa gilid ng kalsada.

"Guys!ito ang Ate Rielle ko. Ang ganda niya di ba?" umakbay pa si Andeng sa balikat ko habang ipinagmamalaki niya ako sa mga tropa niya. Isa-isa ko silang tiningnan. Mariin din ang titig nila saakin. Pamilyar ang mga mukha nila. "Mga tropa ko,Ate. Si Ralph,si Fernan,si Kevin at si Sofia." pag-iisa-isa niya sa mga ito. Sila ang mga naka-tambay dito kaninang hapon,kaya pala pamilyar saakin.

"H-hi,Miss." nauutal na bati ni Fernan at Ralph saakin. I tilted my head into the different direction because I smell the smoke of cigarettes in them.

"Ralph,Fernan." isang malamig na boses ang tumawag sa dalawa. Pagkatapos ay tinapon nila agad ang hawak na sigarilyo.

Tinaasan naman ako ng kilay ng babaeng kasama nila na sobrang ikli ng short at si Kevin?naka-poker face lang.

Dumako ang tingin ko sa isang misteryosong lalaki na ngayon ay naka-tayo pa rin. Titig na titig sa akin. Ngayong maliwanag na,napagmasdan ko na rin ang lalaking kasama ni Nanay. There's a thin point of hair on his forehead and he's looking at me with his dark eyes,long lashes and thick brows.

"At siya naman si Cross,ate." sabay turo niya dito.

He looked at me with curiosity. I just raised my eyebrow and tilted my head to the different direction,particularly sa mga inumin sa lamesa.

"Umiinom ka,Ate di ba?" si Andeng. "Shot ka muna oh!" nilahad niya saakin ang isang baso ng alak at agad ko naman iyon tinanggap at walang pag-alinlangang nilagok ko iyon ng diretso.

Agad na kumalat ang pait ng alak sa lalamunan ko. Napangiwi ako.

"Whoah!" gulat nilang sambit. At nagtawanan pa.

"Ang galing mo naman,Rielle!" si Ralph.

"Upo ka,Rielle. Samahan mo kami." si Fernan naman.

Hindi ako nagsalita. Kanina pa ako nakakaramdam ng may mga matang tumitingin saakin kaya hindi na ako nagdalawang-isip na titigan siya pabalik.

His eyes drifted on my eyes,then to my arms...twice!tumagal ang titig niya sa braso ko kaya tumingin din ako doon.

"Shit!" mahinang mura ko at hindi na nagpaalam na talikuran sila at tumakbo papasok sa bahay.

Agad kong hinubad ang damit ko na may dugo na sa manggas nito at napamura nalang ulit nang makita ang pagdaloy ng dugo sa braso ko. Hinugasan at ginamot ko na iyon.

"Anong nangyari?" si Nanay. Pumasok siya sa kwarto ko. "Uminom ka na ba ng gamot?"

"Hihilom din naman ito Nay. Hindi naman masakit." sabi ko sa kanya. Pinandilatan niya lang ako ng mata at binawi ang betadine at bulak saakin at inayos niya ang dressing ng sugat ko.

I suddenly realize, I am surrounded by so many people, but no one knows the real me. Even Nanay Wilma.

It's sucks to be alone.

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Where stories live. Discover now