Nang magtanghali, sabay-sabay kaming lahat na kumain  ng lunch sa Cafeteria. Kagaya ng dati ay nagbubulungan na naman yung iba.

Enenjoy lang namin yung break namin. Kain at kwentuhan at tawanan. Pagkatapos nun ay bumalik na kami sa room. Kagaya ng pang-umaga ay quiz, discuss, recitation, reporting at attendance lang.

Last sub namin ay wala yung teacher. Kaya ito tambay muna sa Room. "So saan ako pupunta bukas? Birthday ni Toma tas Birthday mo din Hero." Naguguluhang tanong ni Yui matching naguguluhang face. Ambaliw din ng isang 'to.

"Napagplanuhan namin ni Poop na sa Cebu na lang gawin yung Bithday Celeb namin. Magkasabay kami kaya gusto ko sa isang lugar lang ganapin atsaka parang bakasiyon na rin natin with family. Total ay byernes hanggang lunes yung walang pasok." Tama, wala ring pasok sa lunes dahil merong program yung mga teachers namin.

"Matutuwa si Mommy at Daddy niyan, makakapagbonding na naman niya yung mga Mommy niyo." Tatawa-tawang saad ni Speaker.

Tsk. Paano yung akin? Nakakatangina ang mga yun eh. Tsk, papatayin ko talaga sila kapag nagloko sila sa harap ng mga Mommy nitong mga abno na kasama ko.

"Panigurado about bussiness na naman yung pag-uusapan ng mga iyon. Mga matatanda puro trabaho ang nasa isip eh." Segunda ni Yui.

"Pero ayos na rin iyon. Atleast makakapagbonding tayong lahat." Saad naman ni Shin.

"Bell na. Uwi na tayo." Tumawa naman kaming lahat saka nag-ayos na. Pagkatapos ay sabay rin kaming lumabas. Si Yui, Shin, Totga at Speaker ay nagpaalam na mauuna na dahil magpapack pa raw sila ng mga dadalhin. Excited.

Sumakay naman ako kay Shit dahil siya na yung tagahatid ko ngayon. Nag-usap lang kaming dalawa habang nasa biyahe. Kung anong dadalhin. Kung anong oras bukas. At iba pa.

Nang makarating kami agad na akong bumaba. Maaga pa naman kaya inaya ko muna siya. "Shit, tara muna sa bahay, maaga pa naman."

"Sige." Sumunod naman ito saakin.

"Pagpasensiyahan mo na yung bahay namin ah."

"Ayos lang iyan. Its fine." Nakangiting saad nito at inayos ang likod ko. "Huwag kang kukuba, ang pangit tingnan."

"Katamad eh."

"Flex your height ika nga."

Haha oo na." Binuksan ko na ang pinto at agad na nawala ang ngiti sa labi ko. Napatigil ako sa pagpasok ng makita ang nasa loob.

Siya yung babae na nakita ko dati.

"Sino ka?"
"Heaven?!"

Nagkasabay na tanong namin ni Shit kaya napatingin naman saamin ang babae at halos napanganga ako dahil kamukhang-kamukha ko talaga siya, buhok lang ang nag-iba.

"Hey." Nakangising saad nito saka tumayo.

Pati sa height ay halos maging parehas kami.

"You don't remember me?" Tanong niya saakin.

"Hindi kita kilala."

"Oh, Yeah. Sorry. I'm Heaven. I'm your Older Sister, Hero."  Nakangising saad nito saka pinitik si Shit sa noo.

"Long time no see, Thorr."

"Helda, anong pinagsasabi nito? Anong putanginang kapatid kapatid na iyan? Sa kaninong lahi mo naman ito nakuha?"

"Sabihin mo ang totoo Tanda kung ayaw mong pasabogin ko ang bungo mo." Nakangising saad ng babae na nasa tabi ko.

"To-totoo ang sinabi niya. Siya yung kapatid mo sa Ama mo." Halos ayaw madigest ng utak ko ang sinabi niya. Sumakit bigla ang ulo ko kakaisip.

QUEENS OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now