"Sabi ko sayo, gutom ako e." sambit niya sabay smirk. "Bili ka na lang mamaya."
"Tsk, ano ba yan! Pati ang peanut butter, paubos naaahh! Pinapak mo ba 'to? Aissh." Binuksan at tiningnan ko din ang peanut butter. Grabe lang.
"Ay parang bata, akin na nga ang kape." He told me without any visible signs of conscience. Ni hindi man lang ata nakakaramadam ng kahit konting konsiderasyon sa taong nagugutom. Hindi man lang ngshare. Hmp.
Nilapag ko na ang kape niya sa lamesa ng medyo padabog kaya may konting tapon sa gilid.
"Magdahan-dahan ka naman!" anas niya na halatang nainis. Buti naman.
"Pssh." Napatingin ako sa relo. Kailangan ko ng maligo dahil kung hindi pa ako kikilos baka malate pa ako. Haay. Vince kasi e.
***
"Where are you going?"- Vince na sitting pretty sa terrace namin. I mean "ko". Nakasitting pretty siya sa terrace KO!
"Magsisimba." I told him while tying my shoelaces.
"Nagsisimba ka pala. Hindi halata" He said while reading the newspaper.
"Mind your own business, Vince." tugon ko sa kanya.
"Sinong kasama mo?" mahina niyang tanong habang naglilipat ng pahina ng dyaryo. Hindi siya tumutingin sakin habang nakikipagusap. Tss. Akala mo sobrang seryoso ng binabasa. Baka nga comics lang tinitignan niya e.
"Andrei." simple kong sagot sa kanya.
"Uwi ka ng maaga. Samahan mo ko mamaya." rinig kong sabi niya. At nagbuklat muli siya ng dyaryo.
"Saan?" Ako habang nakatingin sa kanya at palabas na din ng gate. Wala na ba akong nakalimutan? I checked my bag for a second.
"Maggo-grocery tayo kaya umuwi ka agad." sagot ni Vince sabay pasok sa loob ng bahay. Napakasungit talaga ng lalaking 'yun. Anyway, kailangan ko ng magmadali.
***
Sa church
"Cha!!"- tawag ni Andrei with his happy face at kumakaway. Nakatayo siya sa labas ng chapel at rinig ko na nagsisimula na ang Sunday service.
"Andrei, sorry nalate ako. Tarana sa loob."yaya ko sa kanya.
"Okay." nakangiti niyang tugon sakin. At pumasok na kami sa loob. Pumewesto kami sa may bandang kanan, pang-apat sa likod.
Makalipas ang ilang oras, natapos na ang simba at dahil sa walking distance lang naman ang simbahan sa bahay at sa loob lang din ng subdivision ay naglalakad na lang kami pauwi ni Andrei. Dito rin sa subdivision nakatira si Andrei pero hindi kami magkapitbahay, medyo malayo samin ang kanila.
YOU ARE READING
My Only Exception (Slow update)
Teen FictionYou promised you won't dare to fall in love but what if one day your childhood mortal enemy/rich and incredibly handsome prince once again came into your life to stay with you in one roof? And take note, you also have a guy best friend who secret...
Chapter4 - A date in the market(lol)
Start from the beginning
