- * - * - * - * - * - * - * - * - * - * - * - * - * - * - * - * - * - * - * - * - -* - * - * - *

Sinadya ni Vice na huwag na munang magsalita. Hangga't maaari ay ayaw na muna niyang makausap si Karylle. Kanina bago umalis ang ina ng dalaga ay nalaman niyang anak ni Karylle si Nathalie. Nagkataong nasa likod siya ng ina ng dalaga ng magtanong ang doktor sa Ginang tungkol sa magulang ng bata.

Buong akala niya'y wala pang anak si Karylle kaya nagulat pa siya ng marinig mismo kay Ginang Chacha na anak ito ni K.

Marami siyang katanungan ngayon sa kanyang isip. Hindi niya maunawaan kung bakit kailangan pang ilihim nito ang tungkol sa bata.

Hindi siya galit sa dalaga. Marahil ay may tampo lamang siya. Tampo dahil sa hindi nito pagsabi na may anak na pala ito. Kung alam nya lang sana ang totoo'y sa umpisa palang ng kanilang muling pagkikita ay iniwasan na niya ito. Ayaw niyang makasira ng pamilya. Ngunit nagtataka lamang siya, naalala niya ang sinabi ng batang si Nathan kanina nang makausap niya ito.

"Hindi ko po kapatid si baby Nathalie. Pinsan ko po sya"

Alam niyang ama ng batang si Nathan ang lalaking nakilala niya kanina na si Dingdong. Ang lalaking inakala niyang papakasalan ni Karylle.

Kung ganoon,sino ang ama ni Nathalie?

Ang katanungang iyon ang gumugulo sa isip ni Vice. Iba't ibang ideya ang pumapasok sa utak niya.

Sa ngayon ay pipilitin niyang manahimik na muna. Hindi siya pwedeng magtanong kay Karylle hangga't hindi pa bumubuti ang kalagayan nito.

Kanina nang makita niyang gising na ang dalaga ay gusto niya itong yakapin ngunit pinigil niya ang sarili. Bagkos ay nagpasalamat siya sa Maykapal dahil sa tatlong biktima ng pagsabog ay si Karylle ang unang nagising. Nag-aalala rin naman siya sa batang si Nathalie at kay Dingdong ngunit mas nag-aalala siya kay Karylle.

Nakita niyang muling pumikit si K. Tinitigan niya ang mukha nito. Mabuti na lamang at hindi malalim ang sugat nito sa ulo. Ngunit kinailangang operahan dahil malaki ang natamo nitong sugat.

Alam niyang gising pa ito kaya minabuti niyang magsalita.

"Pinauwi ko na muna si Tita Chacha para makapagpahinga. Kasama niya si Nathan. Kung nag-aalala ka kay Dingdong ay ligtas na rin siya. Medyo matatagalan pa raw sya bago magising ayon sa doktor. May bali sya sa braso,katulad mo ay dumaan rin sya sa matinding operasyon. Pero maayos na ang kalagayan nya" Pahayag niya.

Dumilat ang mga mata ni Karylle. Narinig niya ang mga sinabi ni Vice. Hindi siya nagsalita dahil may malalim siyang iniisip.

Kaninang pumikit siya ay muling bumalik sa isipan niya ang pangyayari sa sementeryo. Paano nalang kung isa sa kanila ng anak niya ang binawian ng buhay? Napakabuti talaga ng Diyos dahil hindi sila pinabayaang mapahamak. Binigyan sila ng pagkakataong mabuhay muli. Pagkakataon upang itama na niya ang mga mali.

Huminga siya ng malalim. May isang bagay siyang napagpasyahan. Ang ipagtapat na kay Vice ang totoong relasyon nito kay Nathalie. Ito maharil ang dahilan kaya buhay pa silang mag-ina ngayon.

Tiningnan niya si Vice na nakaupo na sa sofa habang nagbubuklat ng mga magazine. Napansin niyang simula nang pumasok ito sa kanilang kwarto ay ni hindi man lang  nito tinatapunan ng tingin si Nathalie.

"V-vice" Aniya.

Umangat ang ulo ni Vice nang marinig ito ang pagtawag niya.

"May kailangan ka ba?" Tanong nito.

Pinilit niyang makaupo ng maayos kahit na sumasakit ang ulo at mga braso niya.

Maagap namang tumayo si Vice upang tulungan siyang makaupo. Nilagyan nito ang likod niya ng extrang unan upang kanyang masandalan.

MARRIED At First SightWhere stories live. Discover now