Within: One shot

22 0 1
                                    

Within: One shot


Tutok na tutok ang lahat ng tao habang nanonood kami ng game dito sa gym. Isa lang naman ang dahilan kung bakit ako nanonood eh.

"Go Reyes!!! I love you!" sigaw ng mga babaeng nasa harapan ko.

Aba aba! Ang dami ko namang kaagaw. Well, sino bang hindi magkakagusto sa isang Caleb Joshua Reyes. Napaka-perfect niya! Gwapo, magaling sa acads, mabait, sporty saka funny pa. Nasa kanya na ang lahat.

Pero hindi iyan ang rason kung bakit ako nagkakagusto sakanya. Noong grade 7 ako palagi akong nabu-bully tapos siya ang knight in shining armor ko. Ang sweet diba! Kinikilig tuloy ako.

Natapos na ang game at syempre MVP nanaman ang Reyes ko! Siya na ata ang pinakamagaling na maglaro ng basketball sa buong mundo.

"Congratulations Caleb!" masayang pagbati ko sakanya.

"Thank you Dahlia." sagot niya sa akin.

Hindi ko namalayan na napatitig na pala ako sakanya. Nalaman ko lang iyon ng bigla akong sikohin ni Eve. Epal talaga to e.

"Masyado kang halata!" sita niya sa akin.

So what? Mas mabuti nga na halata ako eh at baka sakaling ligawan niya ako.

"Alam ko yang nasa isip mo Dahlia! Please lang magising ka na sa panaginip mo." dagdag pa niya.

"Alam mo panira ka talaga! Halika na nga nagugutom na ako." sabi ko sakanya saka pumunta na kaming cafetaria.

Nag-order lang ako ng lasagna saka orange juice. Habang nag oorder si Eve naghanap na ako ng pwede naming maupuan. Halos lahat ng mesa ay puno na, isa nalang ang bakante... ang mesa sa tabi nila Caleb.

Hindi ko na matago ang ngiti ko ng maupo ako. Paano ba naman nasa gilid ko lang si Caleb. Napakabango niya kahit na pawis na pawis na siya. Amoy baby siya... baby ko.

"Dahlia! Para kang tanga diyan. Bakit ka ba nakangiti diyang haliparot ka?!" galit na sabi niya sa akin.

"Alam mo masasapak na kitang punyeta ka!" inis na sabi ko sakanya.

Habang inaabot ko ang buhok ni Eve hindi ko sinasadyang masagi si Caleb. Hala!

"Ikaw kasi eh!" pang sisisi ko kay Eve.

Mukhang magagalit pa ata 'tong baby ko ha? Punyeta kasi tong si Eve eh.

"Oy, Dahlia. Ikaw pala iyan." sabi niya saka ngumiti sa akin.

Hay... parang anghel.

"Pasensya ka na, ha? Ito kasing si Eve eh." paninisi ko pa kay Eve.

Pasensya ka na Eve ha, godbless.

"It's alright! Punta pala kayo sa bahay mamaya, may simple kaming celebration." ani niya saka umalis na.

Waaaah!!! Inimbitahan ako ni Caleb! Panaginip ba to? Hala, ayoko na magising.

"Punta tayo dito Eve, ha?" sabi ko kay Eve.

"Ayoko nga. Inaaway mo ko eh." pagdradrama niya.

Sa huli ay napapayag ko rin siya. Alam kong hindi ako matitiis nitong bestfriend ko. Love niya ako eh!

Pagkarating namin sa bahay nila Caleb ay nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi.

"Oh ano na te? Bakit ayaw mo pumasok?" tanong niya sa akin.

"Bigla akong nahiya."

Wala na akong nagawa ng hilain na ako papasok ni Eve. Grabe ang laki ng bahay nila, ang ganda. Sabi ng katulong nila ay nasa pool area daw sila kaya doon na kami dumiretso. Mabuti nalang at tama ang suot ko ngayon.

Within Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang