Chapter2 - The Start of War?

Start from the beginning
                                        

After ilang minutes, nakarating na kami sa mall. Tahimik lang akong sumusunod sa kanya.


Kumain kami sa isang fast food chain kasi nagmamadali na din si Vince na makauwi na sa bahay namin...? Bakit parang kakaiba yung dating ng word na "namin" Well, ang pangit naman kasi talagang pakinggan e.

Pagkatapos kumain ay nagdiretso na agad kami pabalik ng parking lot nang biglang may tumawag kay Vince.

"Hello?"- Vince

"Nicole, right. Hehe."

Nicole? Lumakad naman ng palayo ng konti si Vince. Don't know her pero parang matatagalan pa yung usapan nila at sakto ko namang napansin yung COMIC ALLEY! Yey, punta muna ako, wait lang Vince.

"Welcome back miss." greet ng salesman sakin. Medyo palakwento yung lalaki na nag-assist sakin at sabi pa niya nakita na niya daw ako.


Yung totoo, hindi ko naman kilala yung lalaki pero alam ko I've been here twice pero di ko siya matandaan. Well, nevermind. Bili ng ilang keychains and stuff.


Napansin ko yung oras. Oh my, past 2 pm na! Almost 20 minutes na, Medyo napatagal ako dito at di ko na namalayan ang oras.


What to do?! Lumabas ako ng Comic Alley at wala na si Vince. Iniwan na niya kaya ako? Paano na ako uuwi?


Hanap-hanap, tawagan ko kaya.


AYT, DI KO ALAM ANG PHONE NUMBER NIYA!!


Hanap ulit! Grabe. Bakit ang laki ng mall na ito? MOA lang? Huhu. 30 minutes na kong naghahanap sa kanya at wala pa rin.


Vince's POV

Akala ko hindi na ako makakaabot sa alis nitong si Micky. Ang dami ko pa kasing inayos sa company. Tapos ang tagal bolahin ng secretary ni mommy, si Nicole, para siya na lang ang mag-asikaso ng mga dapat kong gawin. Well, because I need to see that dude before he leaves the country. Besides I'll be meeting his sister after a long time. I don't know what to expect which makes it more exciting. Anyway, buti napapayag ko din si Nicole gamit ang charms. Always works.

Pagpasok ko ng airport, nakita ko na agad si Micky kasama ang isang babae na nakatingin sa kanya at nakatalikod sakin.

I wonder, siya na ba 'to?

Malaki na din pinagbago niya. Inakbayan ko siya at halatang nagulat  pero mas nagulat ako ng apakan niya ako at sabihan ng "pervert". Sa gwapong to, pervert?


Hindi ba niya alam na maraming babae ang nag-aasam na akbayan ko sila? Isip ko habang napapangiwi sa sakit. Wala pa rin siyang pinagbago. Bayolente pa din.

"Aray, yan ba ang way mo pra i-greet ang bestfriend ng kuya mo?!"

"Huh?"- Cha na parang hindi ako naiintindihan.

"Vince, napaano ka? Buti at nakahabol ka"-Micky


"Wait, siya si Vince, Kuya?"- tanong ni Cha na parang hindi makapaniwala.


"Yep, that's me. The one and only Ethan Vince Lopez." ngumuti ako ng konti at tumayo ng ayos.

"Long time no see.."

"Panget." at ginamit ko ang tawag ko sa kanya na sobra niyang kinaiinisan. Haha, naaasar pa rin siya pag tinatawag ng ganun, mabuti. *evil grin. Pero, honestly namiss ko din ang pagtawag sa kanya maging ang asaran namin.

"Kung pangit ako, ano ka pa kaya? Tss."

"Haha, chill guys. Still not in good terms huh?"- Micky


"Well , I hope na maayos yan habang magkasama kayo sa bahay."- pahabol ni Micky.


"Dude, don't worry. I'll make sure na magiging maayos ang lahat." tugon ko sa kanya at saglit na tumingin kay Cha.


"Right Charlotte?"


Narinig ko ang pag-sigh ni Cha kasunod ang pag-sangayon niya sakin. Alam kong hindi niya ako gusto makasama sa bahay and the feeling is mutual. Kung hindi ko lang talaga bestfriend si Micky, hindi ako papayag.


"Gotta go Vince. Take care of her. She's the only family I left kaya if something happens to her.." Micky


"Nothing will happen to her, I promise" assurance 'yun na hindi ko pababayaan 'tong si Cha.


May biglang binulong sakin si Micky na ikinagulat ko. "Bro, I trust you. Ikaw lang ang tangi kong mapapagkatiwalaan kay Cha. Bahala ka na sa kanya, alagaan mo yan ha. Wag mong sasaktan.."

Sasaktan? I know she went through alot and I admire her by going through all that. Tamang trip lng ang pang-aasar ko sa knya.

Alam ko din na once na mag-oo ako kay Micky ay kailangan ko yung tuparin at panindigan. Wala ng atrasan 'to.

"Oo, akong bahala sa kanya. Makakaasa ka bro na magiging maayos siya kasama ko. Di ko siya pababayaan." sagot ko sabay tingin kay Cha. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang mga salitang ganoon ko kadali nabitawan. Napakaseryoso kasi nitong kausap ko. Nadala tuloy ako.


"Thanks, bro." tumango na lang ako hanggang sa umalis na siya at umalis na din kami ni Cha.


Habang nagmamaneho ako, ramdam ko na nakatingin siya sakin. Iba talaga 'pag ganito kagwapo. Wala ka pang ginagawa, inlove na agad sayo. Haay. Matapos ko siyang asarin, niyaya ko siyang kumain, gutom na din kasi ako at baka siya rin.


Pinili kong kumain na lang sa fast food dahil ang dami ko pang aayusin sa company pagdating kina Cha. Marami pang pinapagawang projects si Dad kaya naman kailangang magmadali. Palabas na kami ng mall nang biglang may tumawag.

"Hello?"

"Si Nicole po 'to. Sir Vince natapos ko na po yung mga papers tungkol sa AlyVie investment.."

"Nicole,right. Ganun ba."

"Opo ,sir Vince."

"Thanks alot Nicole. My mother is lucky to have you as her secretary. Not only beautiful but excellent in work too."

"Ahehehe, hindi naman po sir." That giggle is a sign. Tono pa lang ng boses alam ko na.

"Haha, sige Nicole. Salamat talaga. Bye". Binababa ko na ang phone. One down and at least may isa na akong natapos na gawain. Teka, ano bang oras na? Baka malate ako nito. Aish.


"Cha, let's go." At pagtingin ko sa likuran, wala si Cha. Saan yun nagpunta? Nagsimula na akong mag-ikot ikot para hanapin siya.

Where is that girl?! Hay nako. Kanina pa ako naghahanap sa kanya. Halos nalibot ko na ang mall na ito. Sakit niya sa ulo.

Tumigil muna ako ng sandali at tumingin sa paligid.

Where could she possibly be?! Isip. Vince. Isip.

Author: Hi mga friends! Hehe. Hope na nagustuhan niyo. :) On the right po, makikita niyo ang picture ni Vince at Micky (YunJae). Waah, ang cute nila. Nakakamiss. :/ Keep the faith dear Cassies. Grabe lang, sana lang talaga. Hayss. I am getting emotional. Waah. Okay basta, maniwala lang tayo sa kanila!

Always keep the faith.Cassiopeia.DB5K

"In three words I can sum up everything I've learned about life: it goes on."

― Robert Frost

My Only Exception (Slow update)Where stories live. Discover now