Chapter2 - The Start of War?

Começar do início
                                        

"Well, pwede ka namang magka-boyfriend.."

The pause made my brows furrowed.

"..pag 30 year's old ka na."- pagtutuloy ni Kuya, sabay tawa ng malakas.


"30??! Okay, basta ikaw din no girlfriend hangga't hindi ka pa 30!" Patulan ba naman ang joke ni Kuya. Hahaha.


"Haha. Kawawa naman ang Kuya kapag ganon. Pero Cha, mukhang mahihirapan akong sundin 'yan" sabay ayos ng damit at nagpose ng konti. "..habulin kasi ang Kuya mo."


"Duhh kuya, grabe ang hangin ah!"


Hanggang sa nagtawanan na lang kami at nagkulitan pa ng konti. Grabe, mamimiss ko talaga si Kuya. Malapit na din siyang umalis. Less than 10 minutes na lang at kailangan na niyang pumasok sa loob.


Nakatayo ako habang inaayos ni Kuya ang mga kailangan, ang ticket and everything. Pinagmamasdan ko lang siya kasi alam kong matagal na panahon ko siyang hindi makikita. After a year or two, I think.

Then suddenly, everything flashbacks and... my tear glands is ruining my face. I closed my eyes  and rubbed it for a while.

Hanggang sa may bigla na lang umakbay sakin na lalaking matangkad, maputi (base sa kamay) at aaminin ko na may itsura din (base sa jaw line). Pero sino ba ito?! At dahil sa hindi ko kilala, inaapakan ko kaagad ang leather shoes ng lalaki na mukhang mamahalin.

"Pervert." Bulong ko at dumistansya sa kanya.


"Aray! Yan ba ang way mo para i-greet ang bestfriend ng kapatid mo?!" - sagot ng lalaki na umaaray sa sakit ngayon.

"Huh?!" Sambit ko at agad napakunot ang noo sa narinig. Anong bestfriend ng kuya ko? Teka, huwag mong sabihin na.

Don't tell me.

"Vince! Oh napaano ka? Hayy, buti nakahabol ka pa."- sambit ni Kuya at agad nilapitan ang lalaking katabi ko.


"Wait, siya si Vince? Ikaw si Vince?!" - ako sabay turo sa lalaking inapakan ko. Medyo nagkatinginan pa kami ni Vince.

Grabe, I can't believe this.

Ang bully na laging nagpapaiyak sakin ay naging ganito, ganito ka- gwa-p? Okay, enough. Hindi ko kayang ituloy.


"Yep, that's me. The one and only Ethan Vince Lopez." He said confidently.

Wow. Just wow.


"Long time no see..." He said as he turn an evil grin into a smile.


Ngingiti sana ako kahit konti dahil ayaw ko namang sungitan siya matapos ng ginawa at sinabi sa kanya.

"Panget." -pahabol ni Vince sabay smirk.


"Kung panget ako, ano ka pa kaya? Tss." Asar ha. Tulad ng sinabi ko, tubig at langis kami ng Vicenteng 'to! Kainis. At buti na lang hindi ako ngumiti na dapat gagawin ko.

With that simpe remark, it all came back.

"Haha, Chill guys. Still not in good terms?" sagot ni Kuya na may pang-gugulo pa ng buhok at pang-aasar.


At syempre tiningnan ko lang si Kuya ng 'kailangan ko pa bang sabihin 'yun?'. Hindi kami talo nitong si Vince, noon hanggang ngayon. PERIOD.



"Well, I hope na maayos yan habang magkasama kayo sa bahay. " - Kuya added.


"Dude, don't worry. I'll make sure na magiging maayos ang lahat." - sabi ni Vince sabay tingin sakin. "Right Charlotte?" pagtutuloy niya. Hindi ko maipaliwanag ang ibigsabihin ng mga mata niya. Kung oo, magkakaayos kami na hindi ko ma-imagine kung paano o kung ipagpapatuloy namin ang World War 3 sa pagitan naming dalawa without involving Kuya. Hays. Nakakainis lang.

My Only Exception (Slow update)Onde histórias criam vida. Descubra agora