"Tumigil ka. Huwag mo nang ipaalala, baka nakasurvive ka man sa heatstroke kahapon. . .hindi ka naman makasurvive sa init ng ulo ko ngayon," pagbabanta ko.
Kahapon kasi 'y inabot kami ng tanghaling tapat sa kalsada para lamang mabalikan si Aling Petra sa parking. Sinong matutuwa sa ganoong first day of vacation?!
"Sorry na, Ma'am Deedee. Pero sasabay na po ako sa inyong chumibog ah?" Sulpot na naman niya.
"May magagawa pa ba ako? Nakaupo ka na riyan." Padabog kong inilapag ang naso ng gatas matapos straight na inumin. Binilisan ko ang pagkain.
"Sabi ng mga binibini sa sala, ang sungit mo raw. Sabi na nga ba, hindi lang po ako nakapansin no'n. Ngiti-ngiti rin kasi minsan, Ma'am. Pakiramdam ko mas gaganda kayo no'n. Masama ba ang gising niyo? Kaganda ng araw ngayon." Puno man ang bibig niya pero naiintindihan pa rin ang sinasabi ng tukmol. Sino ba nagsabing masama ang gising ko? Ano bang pakialam niya kung ayaw kong ngumiti?!
"Aray, Nay! Ba't mo ba ako sinisiko?"
"Nakita mong kumakain si Ma'am Deedee! Napakatarantado mo talagang bata ka!"
"E' bakit? Nakikipagkuwentuhan lang naman ako kay, Ma'am Deedee."
"Lumayas ka nga ditong bata ka, hahambalusin kita sa ngala-ngala."
"Nako', Nay. . .wala naman akong masamang sinasabi."
"Kennedy, kailan ka ba magtitino, Anak?"
"Nay nagtitino na ho ako, ayaw lang po ninyong tingnan."
"Hindi sa ganoon, Nak. Mahiya ka naman sa amo natin. Aba'y lahat na nga dine sa bahay, kilala ka sa kalokohan mo. Umayos ka naman ngayon!"
"Nay, kaya sinasabi nilang hindi ako matino, kasi takot sila sa 'kin at mapanghusga ang mga depungal na iyon."
Parang may dumaang anghel sa gitna ng usapan nila.
"Hindi ba, Ma'am Deedee?" Turan niya sa 'kin. Gulat akong napahinto sa pagbanggit niya na naman sa aking pangalan.
"Kahit masungit naman talaga ikaw, Ma'am, halata namang mabait. Kaya ewan ko kung bakit no'ng malaman nilang pauwi ka, e para silang mga nabahag ang buntot. May nagawa ho ba kayo sa kanila?"
Hindi ko alam kung sasagot ako.
"All of you. You're fired! Magsilayas kayo sa bahay ko!" Ibinato ko pa ang hawak kong bote ng alak. Alam kong nalalasing na ako, yet, I can still feel the pain!
"Deedee, maawa ka sa'min ng nanay ko. Kailangan namin ng trabaho."
"Kailangan ko pa ba kayo? Wala na! Patay na si lolo, Meryl!" Humahagulgol na bulyaw ko. "Thats why, wala na akong pakialam sa inyo! All of you! You're fired!"
"Deedee, tama na!" Niyakap ako ni Aling Petra.
Hindi na ako nagtakha sa sinabi niya.
Siguro nga...
Sa reaksyon at kilos ng mga kasambahay namin, halatang nag-iwan ng marka ang nangyari noon.
Pinutol ko na ang sagutan ng mag-ina.
Singhal ko, "Huwag mo na akong idamay. Kumain na kayo, tapos na ako." Inirapan ko siya pagkatapos no'n.
Galit kong inilapag ang kutsara habang nakatingin pa rin nang masama kay Kenken. I hate how he talks to me. Feeling close!
----
Naging tahimik naman ang buong araw ko matapos ang umagang iyon. Naglagi lamang ako sa kwarto habang nagbibinge-watch ng K-Drama. Nakataas pa nga aking paa sa rattan na duyan sa harap ng TV. Hinahayaan ko lang din na pumasok ang mabangong simoy ng hangin mula sa aking balkonahe.
3 pm nang madinig ko ang ingay mula sa garden. Malakas na bulyaw mula sa isang babae ang talagang humatak sa aking tensiyon. Dali-dali akong lumabas sa terrace upang silipin. Gusto kong kumuha ng popcorn at panoorin pa nang matagal ang maladramang eksenang ito.
"Hindi mo pwedeng gawin sa 'kin 'to, Kennedy! Sino siya? Sino ang babae mo?!" Muntik dumapo ang palad ng dalaga sa pisngi ni Kenken. Pero mabilis ang kamay nito upang pigilan.
Ang ibig niya bang sabihin, nangbababae pa si Kenken sa lagay ng mukha niya?
Wala talagang mukha ang manloloko.
Hindi lang mukha ang pangit sa kaniya, maski ang ugali nito. Siya iyong tao na napaka-imposibleng may magkagusto e! Hindi na nakapagtataka na kung babalik ako dito after 20 years? Baka nag-iisa pa rin ang lalaking iyan!
Ganito iyong mga red flags na obvious na obvious! Hell yeah! Isa siyang red flag na tinubuan ng mukha!
"Hindi mo na kailangang malaman kung sino. Umalis ka na," kalmadong sagot niya. Pilit niyang itinutulak palabas ng gate ang babae.
"Minahal mo ba ako, Kennedy? Bakit ang bilis mo naman akong paalisin? Gaano ba siya kaganda?!" Sa mga oras na iyon ay nagawi ang atensiyon sa 'kin ng babae. Huminto ito sa pagpupumiglas.
"Bitiwan mo ako! Kaya kong umalis mag-isa. . ." Pinagpag niya ang kamay ng binata.
Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Dinuro ako nito at nagsabing, "Siya ba?! Napakawala mong taste, Kennedy! Nakakaoffend ka! Nakita mo ba ang katawan niya? Nakababy bra pa yata iyan e! "
Tuluyan niyang nasampal si Kenken.
Samantala, halos gusto kong tumalon sa terrace para sabunutan siya. Usok na usok ang aking ilong dahil sa sinabi niya! Gusto ko lang naman makichismis!
"Hoy! Wala kang karapatang laitin ako! Baby face kasi ako at s-saka. . ." tumakbo ako papasok ng loob ng kwarto. Kinuha ang bra ko at ibinato sa kaniya. "Malaki lang ang dede mo, pero mas mamahalin ang bra ko! Mukha bang papatol ako sa bunging iyan?!"
YOU ARE READING
Finding Red Flags (ON-HOLD)
RomanceMakalipas ang limang taon, matapos ang natamong heartbreak ay muling susubok si Deedee na hanapin ang The one niya. Yet this time, she's much careful. Sino ba namang gustong maulit ang mapait na nakaraan? Pihikan. Ganiyan siya kung tawagin ng iba...
CHAPTER 5
Start from the beginning
