Napapikit ako nang makarating sa living area, kasabay kasi no'n ay naabutan ko ang pagbukas ng malaking glass door tungo sa garden. Tutok na tutok ang mataas na sinag ng araw. Senyales na tanghali na ako nagising. Tantsiya ko 'y mag-aalas onse na.
"Goodmorning po," kali-kaliwang mga karagdagang kasambahay naman ang tumambad sa gilid. Saba'y sabay silang yumuko at bumati sa living area.
"Tanghali na yata, naglilinis pa kayo?" Tanong ko. Concerned lang naman ako sakanila, kaya lang, mukhang namis-understood nila ang sinabi ko.
"Ay pasensiya na po, Ma'am, bibilisan na po namin," natatarantang sambit ng isa. Para silang mga langgam na mabilis kumalat sa paligid, nagsip'westo na sa kaniya-kaniya nilang toka, suot ang mga unipormeng iba-iba ang kulay.
Napakamot na lang tuloy ako ng ulo. Gusto ko sanang sabihin na mali ang pagkakaintindi niya, pero hindi ko naman din responsibilidad na i-explain ang sarili ko. No wonder kaya sila gano'n, bihira kasi akong mapadpad dito simula ng iparenovate ko ang bahay. Kaya 't parang bago muli sa kanila ang aking presensiya.
"Sabi ko sa 'yo e, masungit siya, tingnan mo't nakasibangot?" Akala ng isa 'y hindi ko nadinig ang bulong niya. Naconscious tuloy ako sa sarili ko. Sakto naman at nakatapat din pala ako sa nakasabit na salaming bilog. Doon ko napagtanto ang nakakunot kong noo dahil sa pagkasilaw.
"H-Hind—" Hindi ko na lang itinuloy ang nasa dulo ng dila ko. Gusto ko naman talagang bawiin ang unang impresyong inakala nila sa 'kin, ngunit huli na ang lahat. Busy na sila at hindi nakalingon.
---
"Magandang umaga, ma'am Deedee." Bitbit niya sa kaniyang mga kamay ang dalawang plato. Ilalapag na nito sa lamesa ang mainit pang mga putahe.
"Nagluto na rin po ako ng kanin, para sana 'y hindi na rin kayo mabitin at magtatanghalian na." Sinalinan ni Aling Petra ang plato ko, animo'y isa akong bata na kinakailangan pang asikasuhin.
"Salamat ho," sambit ko. Nginitian ko siya. Kahit na ilag sa 'kin ang mga kasambahay ko, mayroon pa rin namang Aling Petra na nakapalagayan ko na rin ng loob.
Matapos iyon ay tumayo siya sa gilid habang pinanonood akong kumain. Hindi ko tuloy naiwasang mailang.
"Aling Petra, ba 't hindi pa ho kayo kumain? Nako, hindi po kayo ibang tao sa 'kin," aya ko.
"Mabuti pa nga, hija. Salamat sa pag-alok." Tumabi siya sa 'kin.
Nagsimula kaming tahimik na mag-almusal. Nabigla ako nang lagyan nito ng hotdog ang laman ng plato ko. May hotdog pala? Bakit kanina wala?
Magpapasalamat sana ako kay Aling Petra ngunit pagtingin ko ay hindi pala siya ang naglagay no'n—Si Kenken.
Ako, si Aling Petra at si Kenken. Iyon ang naging puwesto namin sa hapag. Kaya't abot na abot ako no'ng mokong para guluhin. Tama ba namang mangialam sa gusto kong kainin?
"Sa inyo na po itong hotdog ko," natatawang bigkas niya. Muli na namang nagpakita ang madilaw at bungi nitong ngipin. "Itong hotdog lang ma'am ah? Baka i-mine mo talaga ako?" Nairingan tuloy ako sa sinabi niya. Agad akong inabutan ni Aling Petra ng tubig habang hinihimas-himas pa ang aking likod.
"Nako', Kenken! Tigilan mo nga, hindi ka na nagtino talaga!" Nakatanggap siya ng kurot sa tagiliran mula sa kaniyang nanay.
"Okay lang po," pagpigil ko kay Aling Petra. Baka saksakin na kasi siya ng tinidor dulot ng inis.
"Oh iyon naman pala, Nay! Close kami niyan ni Master Deedee. Mabilis iyan Tumakbo e." Inilipag niya na ang isang plato ng inihaw na Hotdog, na kanina niya pa pala hawak.
YOU ARE READING
Finding Red Flags (ON-HOLD)
RomanceMakalipas ang limang taon, matapos ang natamong heartbreak ay muling susubok si Deedee na hanapin ang The one niya. Yet this time, she's much careful. Sino ba namang gustong maulit ang mapait na nakaraan? Pihikan. Ganiyan siya kung tawagin ng iba...
CHAPTER 5
Start from the beginning
