"Zia, bilis!" Lingon ko kay Zia. Tinanguan ako nito at mabilis na tumakbo palapit sa nakataob na truck.

"Fuck!" rinig kong mura ni Agatha.

Nagtatakbuhan ang mga zombie patungo sa direksyon namin. Tila mas dumami pa ang bilang nila keysa kanina. Marahil ay dahil sa malakas na tunog ng baril.

"Shit, ang bagal mo!" saad ni Rhio at itinulak si Zia paakyat sa truck.

Ang pag-akyat sa truck ang mabilis na paraan para makatawid, dahil kung sa gilid ay posibleng maipit pa kami roon at magtulakan. Hindi tulad sa pagdaan sa ibabaw ng truck ay sabay-sabay kaming makakaakyat.

"Thank you, pero bwiset ka pa rin," saad ni Zia kay Rhio matapos nitong makaakyat sa truck.

"Bilisan mo na!" singhal ko dahil mukhang uunahin pa nito ang pakikipagbangayan sa lalaki.

Nanginginig na ang kamay kong nakahawak sa baril sa hindi ko malamang dahilan.

Umakyat na rin ako sa truck ng makitang maayos na nakaakyat sa truck si Jelly sa tulong ni Archer.

"Puta," mura ko nang sumablay ang aking paa.

Napatingala ako ng makita ang dalawang paa sa aking harap. Yumuko si Niall at hinila ako paakyat.

Pero nung oras na lumapat ang balat ni Niall sa balat ko ay binundol ako bigla ng kaba.

Kaba na hindi ko alam kung anong dahilan at bigla ko na lang naramdaman.

"Thanks," saad ko matapos mapalunok ng laway  at pilit na inaalis ang kaba sa dibdib.

Tumalon ako pababa sa kabilang panig at nakita ko si Zia na kumakaway mga dalawampung hakbang ang layo mula sa amin.

"Okay pa ito!" sigaw nito sa amin.

Agad na tumakbo si Rhio at Jelly na karga-karaga si Jay patungo kay Zia.

Humarap ako sa truck para lang mapaatras ng makitang nakaakyat na rin doon ang mga zombie.

"Queen!" napatakbo ako ng hilahin ako ni Niall sa kamay.

Kusang humigpit ang hawak ko sa kamay ni Niall at may nagtutulak sa akin na huwag bibitawan ang kamay nito kahit na anong mangyari.

"Si Patricia!" saad ni Haslie ng makalapit kami sa kanila.

Nakatingin lang ako sa kamay namin ni Niall na magkahawak... takot na talot na baka bigla itong bumitaw.

"Shit!"

Nag-angat lamang ako ng tingin nung marinig ko ang pagmumura ni Rhio.

Nakatingin ito sa pinanggalingan namin ay lukot ang noo.

Tiningnan ko ang tinitingnan niya at halos nanlaki ang aking mata ng makita si Patricia na tumatakbo patungo sa amin ngunit agad itong nahila ng isang zombie sa braso.

"Pat!!" sigaw ni Niall at bigla na lang binitawan ang aking kamay.

Napatulala ako nang maiwan sa ere ang aking kamay at naramdaman ang panlalamig ng aking palad.

Umawang ang aking labi ng pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Niall na tinatakbo ang distansya papunta kay Patricia.

Binaril nito ang mga zombie na nakapaligid sa babae.

"T-Tulong!" umiiyak na sigaw ni Patricia habang nagpipilit na kumawala sa mga zombie.

"NIALL!" malakas na sigaw ko ng makita ang isang zombie na dumamba sa likod ni Niall at kinagat ang kanyang balikat.

"N-No! Niall!" saad ko habang unti-unting namumuo ang likido ng luha sa gilid ng aking mga mata.

"Niall!" sigaw ko muli sa kanyang pangalan ng mabitawan na nito ang hawak na baril.

FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)Where stories live. Discover now