Hindi na ni Race natapos ang sasabihin niya ng mabilis ko siyang iniwan. Ayokong mahalata niyang nasasaktan ako ngayon. Pero ang loko sinundan pa rin ako.

"Selos ka dude?" kinalabit pa niya ako kaya masama ko siyang tinignan. Hindi ba obvious?

"Relax! Hihi.. haranahin mo na lang mamaya para ikaw naman ang pansinin niya." suhestiyon naman niya.

"O kaya mag sexy dance ka sa kanya baka kiligin na yun." mabilis ko naman siyang binatukan sa dinagdag niya. Anong akala niya sa akin macho dancer.

"Oh edi mag-twerk ka na lang kung ayaw mo!" tangina! Nagdagdag pa siya ng suhestiyon.

"Shut up Race! Hindi ka nakakatulong." matabang kong sambit. Siya na lang ang magtwerk kung gusto niya total naman fanboy siya ng awemaweh.

Lumapit ako kay Krys na nag-aayos ng mga drinks at mabilis kong binuksan iyon tsaka tinungga. Fuck! It really hurts..

"Hey dude hinay-hinay lang." natatawang sabi ng mga loko sa akin. Bahagya pang tinapik ni Race ang balikat ko.

"Tangina ganito pala magmahal." mahinang sabi ko sa kanila habang patuloy pa ring umiinom. "Bakit ang sakit naman?!" dagdag ko pa bago ubusin na naman ang beer na hawak ko.

Pansin ko pa ang mahinang usapan ng mga loko sa tabi ko. Mga chismoso talaga.

"Dude siya ang nauna." maya-mayang sambit ni Krys kaya napatingin ako sa kanya. Nachismis na siguro ni Race ang nakita niya din kanina sa pagitan ni Craig at First.

Mapait na lang akong napangiti dahil tama din naman ang sinabi niya. Si Craig ang nauna. Pero sana ako na lang.

"Tsk. Eh ano naman kung siya ang nauna? Malay mo ikaw ang huli niya. Di ba mas maganda yun?" si Race naman ang nagsalita habang nagbubukas na din ng beer.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya. May pag-asa bang ako ang huli kung ang una pa rin ang gusto niya? Anong laban ko kung pati pangalan niya salitang 'una' ang kahulugan. Tsk!

"Oyy anong nangyari diyan? Bakit ang agang naglalasing?" tanong ng kakarating na si Acid. Isa rin itong nakakainis eh. Halata naman kasing may gusto din siya kay First.. sa babaeng mahal ko pero di ako magawang mahalin.

"Gabi na Acid." sarkastiko kong sagot sa kanya.

Napangisi lang ito sa sinabi ko na lalo kong ikinainis sa kanya.

"Ikaw ba Acid.. sabihin mo nga sa akin kung may gusto ka rin kay First." harapan ko nang tanong. Hindi pa naman ako lasing pero sobrang nasasaktan ang puso ko ngayon kaya lubos-lubusin ko na.

Tahimik lang siyang napailing sa sinabi ko bago ako seryosong tinignan.

"Paano kung gusto ko din siya? Anong gagawin mo Clover?" seryoso niyang tanong sa akin.

Natigilan ako sa naging sagot niya. Ano bang magagawa ko? Wala naman di ba?

"Oyy dude wag ka nang makisali." natatawang sabi ni Race kay Acid na tinawanan lang ng loko.

Kumuha siya ng beer at uminom na din bago umupo sa harap ko.

"Tsk! Susuko ka ba at bibitawan na lang ang nararamdaman mo kay First kung pati ako magkagusto sa kanya?" tanong na naman ulit niya.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon