"Oo nga. Pupunta tayo, diba?" Nakakunot ang noong tanong nya.

"For seminar. I'm invited as a guest speaker for goodness's sake."

"Ow.. e pano yan?"

"Pupunta pa din tayo. Pipilitin ko si Nanay na mag extend tayo dun kahit 2days lang. Para makalibot tayo."

"Sana pumayag. Pero kung hindi, Sasama padin ako. Nabubulok na ako dito sa condo jusme."

Natawa ako sakanya. Sanay kase syang lagi kaming umaalis. Sya lagi kong kasama mag travel.

San pa sya makakakita nang trabaho na nag ta-travel na nga may sweldo pa. Diba.

Kailangan ko pa naman maglibot dahil ilang araw na din akong nananaginip sa nakaraan.

Kailangan ko nang distraction. I need some fresh air.

Eto na ang araw na pupunta kami sa Baguio. Ipinaalam ko na din kay Nanay na kasama ko si Nica.

Ang sabi nya lang ay friday morning ang alis. Two days ang seminar, pero sa last day ako magsasalita as a guest speaker.

Then Monday uuwi na dapat pero pumayag si nanay na maging free day namin ang Monday so bale Tuesday ang uwi. Hindi gumana pang two days ang pagpapa cute ko e. tsk.

I told her na gagamitin ko nalang ang sasakyan ko at pumayag sya pero may isa pa daw akong professor na kasama. As a representative nang school.

At eto nga susunduin namin yung isa. Hindi ko alam kung sino dahil nakalimutan ko nang itanong. Late na din naman kase akong sinabihan na may kasama pala.

Binigay sakin ni Gail ang number at address. Ang sabi ay 6am kami aalis.

"Gutom na ako." Rinig kong sabi ni Nica.

"Mamaya nalang pagkasundo natin dun sa isa. Drive thru nalang tayo." Sabi ko at tumango nalang sya.

Sanay kase syang kumakain nang breakfast. Actually kaming dalawa. Sinanay nya din kase ako. Utos ni Boss Kyle syempre.

Speaking.. tumatawag na si Boss.

"Yes Boss?" Sabi ko nang sagutin ni Nica yung tawag.

"Ilang araw kayo sa Baguio?"

"Bale 5days, Friday up to Tuesday. Tuesday din naman uwi namin."

"Did you brought everything you need? Si Nica nandyan?"

"Yep Boss, I'm here." Sabi ni Nica.

"Don't forget to inform me. Just call me pag may nangyare. Okay?"

"Yes mam!" salute ni Nica kaya napailing nalang ako.

"Good. Bantayan mo yang alaga mo. Let me-"

"Let me just remind you, stay out of trouble." Ako nagsabi nyan. Alam ko na kase mga linyahan nya.

"Gagu!" Sabi nya kaya natawa kami ni Nica. "Osya babush na! Enjoy!"

"Yung nanay mo talaga ang praning." Sabi ni Nica at napapailing.

"She's just protective. Ganyan talaga yun."

She's really protective. Lalo na at madalas akong mapaaway kaya nga hindi nya ako nilubayan kahit saan ako magpunta lagi syang nakasunod sakin.

Alam nya din kase ang nangyare before. Nakita nya kung pano ako naghirap after nang trahedyang nangyare.

Isa sya sa mga hindi umalis sa tabi ko. Kababata ko kase yang si Kyle. Bukod kay Ice sy sya talaga ang bff ko.

Takot lang syang makita akong parang wala nang gana sa buhay. At laging nakakulong sa kwarto. Kaya nga hinahayaan nya ako sa mga gusto kong gawin kahit puro sermon sya.

At least daw i'm alive. At may gusto akong gawin. Naaalala ko pa ang laging sinasabi nya sakin. "Do what you want. Just please, live."

She's the reason kung ano man ako ngayon.

"We're here." Sabi ko nang matapat kami sa isang condominium.

Ti-next ko yung number na binigay ni Gail kanina. Saying that I'm here.

Ilang minuto lang akong naghintay at nakaabang sa pinto nang building ay nakita ko ang isang magandang babaeng naglalakad palabas.

Sitara.

Every Picture Tells A StoryWhere stories live. Discover now