Chapter1- The Beginning of Everything

Beginne am Anfang
                                    

Napakasamang nilalang, 'yun lang naisip ko. Aissh.

"Isusumbong kita sa Kuya ko!!" I yelled at him.

"E di isumbong mo!" Sagot niya sabay tapak sa ice cream na lalong nakapagpaiyak sakin.

Hanggang sa bigla na siyang tumakbo paalis, tumingin ulit at nagbelat?? Nasabi ko na lang sa sarili ko na hindi ko makakalimutan ang mukhang 'yun!

Hanggang sa nagkita ulit kami, this time kasama na niya ang kapatid ko.

"IKAW?!? Kuya siya yung kinukwento ko sayo na umaway sakin sa playground." Pagmamaktol ko kay Kuya habang nakangiti si Vince na para bang hindi agad ako maalala.

"Yung nagtapon ng ice cream mo?" Tanong ni Kuya.

Tumango naman ako at tumingin ng masama kay Vince. Grabe lang, hindi ko hinangad na magtagpo ang landas ulit namin ng taong 'to, dahil this time ako naman ang magpapaiyak sa kanya. Babawi ako!


"Bakit hindi naman ako ang may hawak nung ice cream ah? Hindi ako ang nagbagsak sa lupa, kundi ikaw." -Sambit ni Vince na may tono pa talaga ang pagsasalita.

"Kung hindi mo ako hinigit paalis ng swing e hindi ko sana mabibitawan ang ice cream ko!" Sagot ko at lumakad palapit sa kanya.

"Kung tumayo ka kaagad sa swing hindi sana kita pipiliting umalis." Sagot niya habang humahakbang papalapit sakin at ngayon magkatinginan na kami. Kulang na lang na may lumabas na kuryente sa mga mata namin.

"Kasalanan ko pa?" Tinaasan ko siya ng kilay. Kumunot naman ang noo niya at ngumiti.

"Oo, kasalanan mo." Tugon niya.

Nakaka-init talaga ng ulo ang pagkikita naming dalawa. Arghh. Alam ko na, para makabawi ako..

"AAAARAAY! Ouch!!" -Vince na napapangiwi sa sakit.

I just kicked his sensitive part where it hurts the most. *evil grin

"Buti nga sayo! Haha"

"Ikaaw, araay." Sambit ni Vince hanggang sa napaupo na siya sa sahig. Agad naman siyang nilapitan ni Kuya.


"Charlotte! Bakit mo yun ginawa!? Vince, okay ka lang ba?" Sambit ni Kuya. Wala namang lumabas na salita sa bibig ni Vince at itinuro lang ako hanggang sa napahiga na ng tuluyan sa sahig.

"Cha, mag-sorry ka kay Vince." Seryosong utos ni kuya.

"Ayaw ko nga. Belat." Wahaha. Siya eh! Inaway ako. Tumingin muna ako kay Vince at this time ako naman ang ngumiti ng nakakaasar.

"Cha, you have no idea kung gaano kasakit ang ginawa mo." Sambit sakin ni Kuya. Tumango naman si Vince bilang pag-sangayon. Hahaha. Nakakatawa ang itsura niya.

"E di mabuti." Mataray kong sagot at tumalikod sa kanila. Narinig kong tumatawag sakin si Kuya para mag-sorry ako pero tuloy pa rin ako sa paglakad. Bigla namang tinawag ako ni Vince, "C-Cha.." napalingon ako at bumelat gaya ng ginawa niya sa may playground.

End of flashback

Matapos ng pangyayaring 'yun, naging tubig at langis na kami ni Vince samantalang naging magkaibigan sila, magbestfriend, ni Kuya. Sila na lang lagi ang magkasama kaya naman mas nainis ako kay Vince.

"Cha, mabait naman siya.  At tsaka kailangan niya ng bahay na matutuluyan pansamantala at saktong kailangan mo naman ng kasama for the meantime so I think it's really fate kung bakit kayo ulit magtatagpo." sabi ni Kuya at ngumiti na naman to be more convincing.

My Only Exception (Slow update)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt