"Ako ang unang nagtanong"

"Sagutin mo nalang" napairap ako sa kawalan.

"Mara Sandoval" nakabusangot kong pakli.

Napansin kong tumaas ang kilay nito at napangisi.

"Liar"

"Liar ang pangalan mo?" Mangha kong tanong. Napansin kong nanlaki ang mata nito at mukhang hindi makapaniwala.

"I said Liar! As in...sinungaling! Tanga ka ba?!" Inis nitong pakli.

"Bakit ka galit?" Pang-aasar ko pa at halos magwala sa tawa ng makitang naiinis ito. "Bakit pikon k-"hindi ko na natuloy pa ang dapat na sasabihin nang bigla nalang nitong itutok sakin ang baril nitong hawak. I gasped.

"THANA!" Nanlaki ang mata nito at mabilis na itinapon ang baril sa kung saan. Mabilis itong lumingon sa kanyang likuran at ganun din ang ginawa ko.

Wow. Ang gaganda nila

Ang isa'y mahaba ang buhok na hanggang bewang at ang isa nama'y pang lalaki ang gupit na bumagay sa kanya.

Mabilis ang mga itong lumapit sa amin at hinila si Thana sa kung saan.

Hindi ko maiwasang magtaka habang pinagmamasdan silang nag-uusap.

Mga seryoso ang mga ito at mukhang nagulat ang babaeng nagtutok sakin ng baril kanina or should i say...Thana? sa sinabi sa kanya ng dalawang babae at nagbaba ng tingin.

May-maya'y lumapit ang mga ito sa akin.

"I'm sorry sa nangyari" biglang saad nang babaeng panlalaki ang gupit ng buhok. "By the way, I'm Keerah. And this is Fumi" pakilala nito at itinuro ang isa pang babae na mahaba ang buhok.

"Hi. Nice to meet you" biglang sabat nung Fumi at naglahad ng kamay habang abot langit ang ngiti.

Hindi ko maiwasang mapangiti "Nice to meet you too"

"Kumain ka na ba?" Walang anu-ano'y tanong ni Keerah sa akin.

Bahagya akong umiling nang maramdamang nagugutom na nga ako.

"I see" nakangiti nitong pakli at tinapunan ng tingin si Thana " Paabot nga ng Sandwich dyan,Thana" utos nito at hindi nakaligtas sakin ang pag-irap nang inutusan nito. Si Thana.

"Pasensya kana kung Sandwich lang ang mabibigay namin sayo huh. Hindi pa kasi Dinner Time at limitado lahat rito" hindi ko maiwasang mag-taka sa sinabi nya.

"Limitado? What do you mean?"

"A-ahhhm-" hindi na nasabi pa ni Keerah ang gusto nyang sabihin nang si Thana na ang nagsalita.

"You didn't know? Nasa Prison City ka. And from the word PRISON, isa kang bilanggo. Ano bang ine-expect mo?" Galit na wika nito at inihagis sakin ang sandwich nitong dala.

Para akong natulos sa kina-uupuan ko at nanatiling nakatingin sa kanilang tatlo.

Ang kaninang gutom na nararamdaman ko ay nawala at napalitan ng kaba at takot.

"W-what do you m-mean?"

"Tsk! Ang sabi ko-" hindi na natuloy pa ni Thana ang gustong sabihin nang sumingit si Keerah.

Masama ang tinging ipinupukol nito kay Thana at umirap rito bago tuluyang humarap sa akin.

"Don't mind her,Mara. Kumain ka muna. Mamaya na namin ipapaliwanag sa iyo" pakli nito at kinuha ang inihagis ni Thanang Sandwich at maingat na iniabot sa akin.

Mabilis naman akong tumalima at sinunod ang sinabi nya.

Mabilis kong kinain ang Sandwich at ngumiti sa kanila.

"I'm done. Pwede nyo nang ipaliwanag sa akin." Nakangiti kong pakli.

Sa wakas! Nakakain rin. Maganda na ang mood ko.

Napansin kong nagbago ang ekspresyon ni Keerah na kanina'y nakangiti.

Tumabi ito sakin sa pagkaka-upo sa kama at ganun rin ang ginawa ni Fumi.

Hinawakan ni Fumi ang kamay ko at pinagsiklop.

"Bago namin sabihin sa iyo, ipangako mo munang hindi ka matatakot o magagalit man lang" seryosong pahayag ni Fumi na aking ipinagtaka.

Tumango na lamang ako."Pangako"

"Gaya nga ng sabi ni Thana, nasa Prison City ka. Meaning...isa kang bilanggo" pahayag ni Keerah na nakapagpatahimik sa akin. Tinignan ko lang s'ya upang ipakitang ipagpatuloy nya lamang ang pagsasalita.

"Ang Prison City ang nagsisilbing kulungan o lugar kung saan ipinatatapon ang mga pinaka mapapanganib na nilalang sa mundo. Mamamatay tao man o demonyo." napasinghap ako sa sinabi nya. Ngunit ipinagpatuloy pa rin ang pakikinig kahit nakararamdam na ako ng takot at pangamba.

Ibig sabihin...mamatay tao rin sila?!

"Tama ka" napahinto ako sa pakikinig at gulat na napalingon kay Fumi.

Paano nya nalaman ang iniisip ko?!

Nagulat ako nang makitang nagbago ang kulay Itim nitong mga mata at unti-unting nagiging...puti

Para akong naestatwa sa aking kina uupuan. I can't breathe.

"Wag kang matakot. Hindi kita sasaktan. Maniwala ka." Lalo akong nanginig nang magbago ang boses nito.

Ang kaninang mahinhin at malambing na tinig ay napalitan ng isang nakatatakot na tunog. Parang dumodoble ang tinig nito na akala mo'y dalawa ang nagsasalita.

"A-anong nagyayari...sayo?!"

"Don't worry. Hindi kita sasaktan. Hindi ko lang talaga mapigilang magbago ng anyo kung minsan" pakli nito at muling bumalik ang anyo sa dati.

Nakahinga ako ng maluwag.

Pilit kong kinalma ang aking sarili bago muling magsalita.

"God" wala sa sariling pakli ko.

Napansin kong natawa si Keerah sa sinabi ko.

"Sa ganoon palang...natakot kana. Ano pa kaya kung malaman mo lahat ng bagay tungkol sa lugar na to" iiling-iling na pakli nito na nakapagpakunot ng aking noo

"What do you mean?" Kinakabahan kong tanong sa kanila

"What i am trying to say is-" napahinto si Keerah sa pagsasalita nang isang napakalakas at nakakakilabot na tunog ang umalingawngaw sa buong paligid.

Para itong tunog ng isang kampana sa simbahan ngunit nakakatakot ang alingawngaw nito.

"Shit we need to go" biglang sabi ni Thana. At patakbong lumabas sa aming silid.

"Wear this" nawala ang tingin ko sa nilabasang pinto ni Thana at nadako sa damit na binigay ni Keerah.

"Bakit kailangan kong magsuot nito?" Taka kong tanong habang pinagmamasdan ang blanket hoodie na hawak ko

"Mamaya na namin sasagutin. We really need to go, know. Kundi....magugutom tayo hanggang bukas ng umaga" seryoso nitong pahayag at hinila ako palabas.

Kahit nagtataka ay nagpatianod ako sa kanya.

At hindi makapaniwala sa nilalandas ng aking mga paa.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid.

This place seems...

Normal.

Prison CityWhere stories live. Discover now