Chapter 5: First Date

7 2 0
                                    

It's December 23 at birthday na ng magaling kong bestfriend na si Joy. Nag usap kami na magkikita ngayong umaga dahil ittreat niya raw ako sa isang kilalang restaurant dito sa Palera. Every birthday ni Joy ay walang pasok kaya't nakagawian na naming magkita na lamang at kumain sa mga mamahaling resto na gusto namin itry. Halos every year ay tinitreat niya ako, tapos ako naman every birthday ko rin, siya naman ang tinitreat ko. Eight years na namin ito ginagawa since maging mag bff kami noong high school, at ngayon ay fourth year college na kami. Napaisip tuloy ako na paano na kaya next year kapag nakagraduate na kami, baka may sari-sarili na kaming mga work, at baka maging busy. So ngayon ay napagpasyahan naming kumain sa isang fine dining restaurant na halfway sa bayan naming dalawa.

Alas nuebe nang umaga ang usapan naming magkikita sa mismong restaurant at ngayon ay 30 minutes na siyang late. Knowing Joy, never siyang nalalate sa lahat ng lakad at pero once na late siya, malamang ay dahil yan sa jowa niya. Baka may pinag aawayan na naman yung dalawang yon, or kaya baka sinurprise siya ng jowa niya or family niya.

Tinext ko si Joy na nasa loob na ako ng restaurant dahil nagpa reserve na kami one month before this day dahil maraming nagpapareserve din dito lalo ngayong holiday season. Sa ngayon ay kaunti pa rin naman at tila nagdadatingan pa lamang ang mga nagpareserve at nag wwalk-in dito sa resto. Hindi naman din nag rereply ang gaga kahit nakailang chat, text at tawag na ako sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung oorder pa ba ako dahil wala naman akong dalang pera dahil treat ni Joy ang foods namin dito. Hindi ko rin alam kung sasabihin ko ba sa manager or staff nila na iccancel ko na ang booking dahil hindi pa dumarating ang bestfriend kong surat. Hays! Sana dumating na siya. Siguro ay maghihintay ako kahit hanggang mga 10am. Lilibangin ko muna siguro ang sarili ko dito sa loob ng restaurant since may mga books naman sila na pwedeng hiramin.

Pumunta ako sa mga shelves ng libro sa loob ng resto. Naamaze ako dahil sa dami ng books doon na pwedeng basahin. Napansin ko pa na may mga hard bound at limited edition books na nandoon. Marahil ay bookworm din ang may ari ng restaurant na ito para magdisplay at magpahiram ng ganito kadaming libro. Nakikita ko rin ang iba na humihiram ng mga libro at for sure naman isinasauli nila ang mga ito.

Nagpunta ako sa mystery section ng mga libro. Nakakalula ang laki at dami ng mga ito. May built-in ladder din kung gusto mong abutin ang medyo may kataasang shelves.
Inabot ko ang isa sa mga bagong labas na libro ni Dan Brown, ang Origin. Kahit nabasa ko na ito ay parang gusto ko ulit basahin hanggang dumating si Joy. At least ay malilibang ko ang sarili ko habang wala pa ang bruha.

Nang pabalik na ako sa reserved seats namin ay napalingon ako sa bandang counter at nanlalaking matang naihulog ang librong hawak ko.

"Sh*t" mahina kong bulong at pinulot ang librong hawak ko.

Hindi ako makapaniwala at para akong binuhusan ng napakalamig na tubig dahil nakita ko lang naman ang nag iisang Marco Ongpin sa harap ng counter na kausap ang isang staff ng restaurant. Kahit na saglit ko lamang siyang tinignan ay nakita kong nakasuot siya ng puting polo na may Chinese collar at black pants. Hindi pa rin nawawala ang ayos na ayos na buhok niya na parang bawal galawin.

Halos bumabalik na naman ang alaala ko nang magkatitigan kaming dalawa ng mga ilang segundo sa funeral mass ng kanyang ama.

Hawak hawak ko ang libro at humarap muli sa shelves at isinuksok na lamang ito kung saan ito magkasya. Bahala na kung wala man siya sa mystery section, aayusin naman siguro ito ng mga staffs.

Inayos ko ang buhok na halos matabingan na nito ang mukha ko para maitago at hindi makita ni Marco. Baka kasi maalala niya ako noong araw na iyon at mapahiya lang ako. Grabe! Bakit pa kasi sa lahat ng lugar ay ngayon pa kami magkikita. Dali dali akong lumakad papunta sa exit habang nakayuko. Halos matunggo ko ang ibang table at mga dumadaan pero dedma na lamang ako. Kailangan kong malampasan ang counter kung saan naroon sina Marco at ang kausap niyang staff. Nasa likuran kasi nila ang exit ng resto. Nang makalampas na ako sa kanila ay ilang metro na lamang ang layo ng pinto nang bigla akong makaramdam ng sakit ng ulo at makarinig ng malakas na kalabog.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Everything I Never HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon