Pangil

9 0 0
                                    

Huwag mong isiping ang nais ko lamang ang iyong pag-oo
Pinangos ko na, nginudngod
ang kasakiman ng tao

Huwag mong isiping ang gusto ko lamang ang init ng yakap at tamis ng halik
Itinakwil na ang pribadong pag-aari
Iwinaksi ang bulaklak ng panaginip

Huwag mong isiping ang hangad ko lamang ang iyong malambo't at mapanggayumang katawan
Mapanganib ngayong magbunyag
sa singit ng doble-karang himala

Huwag mong isiping ang nais ko lamang ang iyong malambing na bulong at nakalalangong ngiti
Singaw ba, kabag o utot ng budhi
itong kaluluwang ginahasa't nilupig

Huwag mong isiping ang hangad ko lamang ang iyong himas at hipo
Nais nilang kapunin ako
di na ako magkukulong sa Platonikong ulbo

Huwag mong isiping ang gusto ko lamang ang iyong mabangong dibdib at hita
sa bawat hindot ng tadhanang pinataw
kahit bugaw ay magbabalikwas

Oo, isipin mo kahit ayaw mo
Isipin mong nais ko
hangad ko
gusto ko
ang lahat na iyong ipinagkait
Ay, anong pait!

Nakapangingiwi
Oo, iwaksi
itakwil
habang ang matalas mong ngipi'y nakabaon
sa aking leeg.

All That I've Have WrittenWhere stories live. Discover now