"Selos ka naman agad. Sorry na. sabi ko nga hindi na ako magtatanong about sa kanya." Sabi niya habang hinahawi ang buhok na nakaharang sa mukha ko. Nakaramdam ako ng pag-init ng aking mukha.

"In your dreams! Hindi ako nagseselos. Kahit ilan pangbabae ang itanong mo hindi ako magseselos. " Sabi ko upang pagtakpan ang pamumula ng mukha ko. Shit.

"Talaga?"

"Talagang talaga!" Nakita ko ang pagngisi niya na muli na namang nagpagulo ng buong sistema ko

"Sige, sabi mo eh." Sabi niya habang tumatawa nang kaonti saka ako hinalikan sa tungki ng ilong ko na siya na namang nagpapula ng mukha ko.

"*hik*" Narinig ko naman agad ang malakas niyang pagtawa. Kasalanan niya naman ito eh kaya ako kinakabahan. Buwiset ka talaga Aidan.

Nawala lamang ang hiccups ko nang muli niya akong halikan sa tungki ng ilong ko.

NAglalakad ako ngayon sa corridor nang bigla akong salubungin ng isang pamilyar na mukha. Nginitian niya ako mula sa malayo kaya paniguradong nakasalamuha ko na ito pero bakit hindi ko na matandaan ang pangalan nito? Hmm.. Tama siya yung babaeng bata na transfer galing sa Easthern Girls University.

"Ate Claire!" Tawag nito sa pangalan ko.

"Hi," Bati ko sa kanya pilit ko paring inaalala ang pangalan niya.

"Ate nakita mo na ba yong sa poster sa announcement board?" Tanong niya sa akin saka niya hinawakan ang braso ko at sumabay sa paglalakad ko.

"Huh? Anong meron doon?" Clueless kong tanong. Hindi naman kasi ako mahilig tumingin doon sa announcement board wala naman kasing bago saka inaannounce din naman ulit sa room.

"Hala ate hindi mo pa nakikita?" Inosente nitong tanong sa akin. Duh? Itatanong ko ba kung nakita ko na diba.

"Hindi pa. Ano ba yon?" Bakit ba kasi ayaw pa niya sabihin.

"Hala ka ate kasama ka pa naman tapos hindi mo alam?" Putik naiinis na ako sa batang ito ang daming paligoy-ligoy. Aba!

"Ang alin nga?" Hala na sa boses ko ang medyo pagkainis ko.

"Easy ate huwag kang highblood. Ang sinasabi ko kasi kasama tayo sa Environmental Fair doon sa Plaza. Kasama tayo ni ma'am Talabong sa maghahandle ng booth." Paliwanag nito sa akin. WHAT?! Bakit ako kasama? Wala man lang nag-inform saakin na kasama ako. Aba!

" Eh? Bakit naman ako nakasama diyan? " Tanong ko sa kanya pero hindi na naman ako sinagot ng diretso sa halip ay para pang nagpahulaan kami. Umakto ito na parang nahuhulog.

Ampucha wala akong maintindihan sa sinasabi niya. Putik na bata ito.

"What do you mean by that?" Tanong ko sa ginagawa niyang ka weirdan. Amputik pinagtitinginan na kami sa ginagawa niya e.

"Ang sabi ko ate lagabong tayo kaya kasama tayo doon." Sabi niya na tila natutuwa pa. What the hell is lagabong?

"Ano namang lagabong?" Putik mas nakakastress siya kaysa kay Aidan ampucha.

"Bagsak. Bagsak tayo ate kaya kailangan daw natin sumali doon para ipasa tayo bwahaha." Sabi nito saka tumawa ng malakas. Damn it bagsak ako nakakahiya tuloy kana lola pacing pano ko ito sasabihin. Oh my God please help me.

"Parang sanay na sanay lang na bumagsak eh no?" Tanong ko sa kanya. Ang inosente niyang tignan parang laging walang pinoproblema parang lagi lang nakangiti. Kaya lalong nawawala yong mata ang liit na nga tapos tatawa pa. Paano pa kaya siya nakakakit sa lagay na yan.

" First time ko palang kayang bumagsak." Sabi niya saka ngumuso. "I just love trying new things. I want to explore. I want to be Dora the explorer 2.0 Haha Charot ayaw ko maging tanned lolokohin ako ng mga kuya ko." Sabi niya. Napaka optimistic naman. Sana all may kuya. How I wish na may kuya din ako. Yung ipagtatanggol ako kapag may nang-aaway sakin. Yung bibilhan ako at papasalubungan ng mga chocolates.

" Masaya ba magkaroon ng kuya? "  Wala sa sarili kong tanong sa kanyan.

"Well, sometimes it's fun but sometimes it is not. My brothers are overprotective and sometimes annoying but I love them." Sabi nito na nakangiti.

"Ate you're my friend naman diba?" Tanong niya sa akin at tumingala kasi mas matangkad ako sa kanya. Hindi ko din alam kung kaibigan ko ba siya kasi hindi ko naman lagi siyang nakakausap.

"I guess we can be friends." Iyon na lamang ang nasabi ko dahil hindi ko din alam ang sagot.

"Yehey. Ate can we eat lunch together mamaya?" Tanong nito sakin

"Ahm sige--" Naputol  ang sasabihin ko ng may biglang umakbay sakin.

"Sorry Vaseline but we're going to have lunch together. Only the two of us." Agad naman akong napatingin sa lalaking ngayon ay nakangiti.

"Ano ba yan kuya Aidan isang beses lang naman o kaya pasama na lang ako sa inyo? " Sabi ni Vaseline na kanina ko pa iniisip na pangalan. Nakanguso ito na para bang nagtatampo dahil hindi napagbigyan ang gusto.

"No. Next time na lang Vaseline." Sabi naman ni Aidan na hindi napatinag sa pagpapacute ni Vaseline.

"Ano ba yan kuya Aidan gusto mo lang solohin si ate Claire hmp."

Tumawa lang naman si Aidan saka ako hinila kaya naman napabitaw sa akin si Vaseline. "Una na kami" Sabi niya habang tumatakbo.

"Give me back my ate Claire!" Sigaw niya.



The Antagonist जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें