"Papayagan ka ba Kian?"

"Maybe."

"Sige Clark game kami."

[“nice, see you tomm.”] at binaba na ang tawag.

"Sure ka Kian? Bar yun baka hindi ka payagan"


"Yeah, unless I will tell them we'll go to bar." ngising sambit ni Allen.


"Eh? Mag sisinungaling ka?"

"Of course. Unless you wanna go with out me?"


Napakamot naman si Michael, "sige na nga."




KINABUKASAN kagaya ng nakasanayan ay maagang nagising si Michael. Ginawa na niya ang morning routine niya at nag tungo sa garden para mag dilig ng halaman. He is humming silently with his earphones.


Hindi pa rin nabanggit ni Michael kay Allen ang tungkol sa nalaman niya noong nakinig siya sa usapan nila Kurt at Hazel. Sa tingin niya kasi ay wala pang alam si Allen dahil kung may alam na yun ay siguradong mag wawala ito na ayaw na ayaw mangyari ni Michael. Sa tingin niya din ay mas mabuting kina Ma'am Christine niya na malaman ito. Syempre nasasaktan si Michael na maisip na ikakasal ang dalawa ni Hazel. Pero ano bang magagawa niya? Isa lamang siyang hamak na hardinero.


Hindi na naman rin niya kayang lumayo kay Allen, hindi ngayon kung kailan hulog na hulog na siya. Pero, inihahanda na niya ang sarili sa mga posibleng mangyari. Napa tawa siya ng mapait.


Magiging handa pa ba ako?


Maya-maya ay napalingon si Michael sa gilid niya nang may mag tanggal ng earphones niya. Pag ka kita niya ay naroon si Mira naka ngisi lang sa kanya.


"Morning" bati ni Michael.


"Good morning!" bati pabalik ni Mira. "Malapit na November 1, uuwi ka sa inyo?"


Napaisip naman si Michael. Sa Lunes na iyon. Umiling naman siya. "Hindi ko pa alam"


"Bakit? Sa Myerkules pa naman simula ng klase niyo ah?"


"Oo nga, pero titingnan ko. Kung uuwi si Tiya Aning edi sasabay ako."


"Ganun, ako kasi uuwi eh"


"Ahhh"


NANG  matapos sa pag didilig si Michael ay pumasok na siya sa mansion at hinanap ang kanyang Tiya. Nakita naman niya itong nag wawalis sa may sala.

"Tiya?" napahinto naman si Aning at napalingon kay Michael. "Uuwi ho ba kayo ng November 1?"


"Oo, ika 10 taon ng kamatayan ng Lolo mo diba?" sambit nito at tinutukoy ang lolo niya na ama ng Tiya at Ama niya.


"Sasama po ako."


"Sige, Lingo ang alis natin para hindi masyadong madami ang mga nag sisiuwian." tumango naman si Michael at nag pa alam na sa kanyang Tiya.


***



"Oh Michael, pasaan ka at bihis ka ata?" tanong ni Mira kay Michael nang lumabas siya sa kwarto.


"May pupuntahan lang"


Sumingkit naman ang mata sa kanya ni Mira. "Ng alas syete ng gabi?"

My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon