Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako. Nagising ako ng marinig ang pag-bukas ng pintuan ko. Mabilis akong napatayo at nakita si Perla na inuutusan ang dalawa naming kasambahay na ipasok ang trolley na may lamang pagkain.

Mabilis akong naglakad patungo sa kanila.

" Senyora Bella!" Perla warned me when I got closer to them.

Tamad ko itong tinignan at naglakad patungo sa nakabukas na pintuan ng may dalawang nakaunipormeng malalaki ang katawan na lalake na nakasuot ng itim ang tumayo sa amba ng pinto upang hindi ako makalabas.

" I want to go out of this room." Malumanay pero may diin na wika ko sa kanila.

Calm down Bella! You need to calm down.

" Ang utos ni Donya Angelita, ay dito ka lamang sa kwarto mo." Sagot naman ni Perla na nasa aking likuran. Nasa tinig nito ang pagpipigil.

Nagbuntong hininga ako at tumingin sa kanya na nakangisi. " I am stuck here the whole day!" I muttered, pointing every word I said.

She smiled at me sarcastically. " Utos din ni Donya Angelita, na pwede kitang saktan kapag naging agresibo ka."

Tumawa ako ng pagak at hindi makapaniwala na tumingin sa kanya. Sinasagad ni Mama ang pasensya ko at hindi ko nagugustuhan ito!

" I wanna talk to my mom!" Giit ko, at halos hindi na bumubuka ang aking bibig.

" Wala siya ngayon dito, Senyora!" Pasigaw na sagot nito na mukhang nawalan na din ng pasensya.

" Ako mismo ang magkukumpirma noon, at hindi ikaw!" Anas ko at padabog na tumalikod sa kanya.

Hindi pa ako nakakalabas ng hinawakan ang  magkabilang braso ko ng dalawang bantay ko at halos hindi ako makagalaw dahil sa mahigpit na hawak ng mga ito.

" Wag kang pasaway, Senyora Abella! Hindi ka pwedeng lumabas hanggat wala pang inuutos ang Mama mo." Galit na saad nito.

Pinipilit kong alisin ang mga hawak nila ngunit mas lalo nila itong hinihigpitan. Mas malakas sila  sa akin at wala akong laban.

" Bitiwan niyo ako!" Naiinis na saad ko. Ngunit wala man lang mga emosyon ang mga ito.

" Ano ba!" Inis na wika ko. Pinasok nila ako sa loob ng silid at mabilis nilang sinara ang pintuan. Padabog kong hinampas ang pinto sa kanilang ginawa.

Habol ko ang hininga kong tumingin kay Perla na nakahalukipkip ang mga kamay habang nakataas ang kaliwang kilay na nakatingin sa akin.

" Maghanda ka para bukas, dahil marami kang gagawin. Bukas ng maaga ay sasamahan kayo ni Donya Helena para sa pinal na plano ng inyong kasal." Humalukipkip ako sa kanyang harapan

" Sinabi ni Don Herman na isasama ka sa mga pagtitipon kasama si Senyor Esteban para mapagtakpan ang nangyare noong nakaraang gabi. Pinagpaliban muna ang inyong kasal sa susunod na araw, at maaaring ililipat ito sa susunod na linggo." Pag-papaalala nito at sumulyap sa trolley na puno ng pagkain. " Kumain ka." Utos nito.

Huminga ako ng malalim at nawalan ng ganang tumingin sa kanya. " Stop commanding me, I know what to do!"

Naiinis ako! Kung hindi ko lang naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko dahil sa gutom ay hindi dapat ako kakain. Nakakagigil! Maging ang dalawang kasambahay namin ay hindi nakaligtas sa init ng ulo ko. I don't want to be rude, but I can't help it.

Ginagawa nila akong hayop! Hindi na bago sa akin ang ganito, ngunit mas malala lamang ito dahil may in-aassign pa itong mag-bantay sa akin para hindi ako makatakas. Seriously!

Hindi ako makatulog buong gabi, I wanted to sleep so I can rest but my mind didn't let me. Kahit na binago ang araw ng kasal namin at mas tumagal pa ito, ay hindi pa rin ako makakawala sa buhay na ito.

Crashed On Youजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें