FIGHT TWENTY NINE

Start from the beginning
                                    

Nagpuputok ang butse ni Zia ngayon dahil nakaharap niya ang kambal ng ex boyfriend niyang manloloko. Ang malupit pa no'n ay magkamukhang magkamukha ang dalawa.

Medyo nasakit na rin ang tenga ko sa kasisigaw nila, akala mo ay may fiestang ganap dito.

"Momma Jelly."

Nalingon ko si Jay na nakaupo sa aking tabi. Nasa harap nito si Beans na nakaupo sa tiles na sahig.

"Yes, baby Jay?" tanong ko at inayos ang kanyang buhok.

"Anong oras po tayo uuwi? Maglalaro po kasi kami ni Beans nung binigay ni Mama Zia na eroplano," saad ni Jay at yumakap sa aking beywang.

"Kapag siguro nagising na si Tito Niall mo," sagot ko at ngumiti sa kanya.

Biglang umangat ang aking tingin nang maramdaman na may nakatingin sa akin.

Bumungad sa akin ang tingin ni Archer. Salubong ang kilay nito sa hindi ko malamang dahilan.

Nakaupo sa tabi nito si Avery na parang tangang hinahaplos ang braso nitong nakabenda.

Nagkibit balikat ako at binalingan si Beans na umuungot. Kanina ko pa napapansin na hindi ito mapakali. Mula ng makarating kami sa lugar na'to ay panay na ang maliliit na ungot nito na tila ba may masakit sa kanya.

"May problema ba, Beans?" Hinaplos ko ang balahibo nito at dinilaan nito ang aking kamay. Umungot ito muli na tila umiiyak. Naalala ko ang araw ngayon. It's also the same day when this apocalypse happened and the day when I adopt Beans and Jay. Pero hindi ako sigurado kung ito nga ang araw na iyon.

Sumampa siya sa aking hita at dinilaan ang aking pisngi ng tatlong beses. Ganito ang madalas na ginagawa niya kapag naglalambing siya at kapag minsan ay hindi namin siya napagtutuunan ng pansin nina Queen.

Matapos dilaan ng aso ang aking pisngi ay sinunod nito ang batang si Jay. Humagikhik ang bata at gumanti ng halik sa mukha si Beans.

Tumalon pababa si Beans at kumakawag ang buntot na lumapit kay Zia.

"Oh bakit, Beans?" sigang tanong ni Zia.

Ginawa ni Beans ang ginawa niya sa amin, dinilaan nito sa pisngi si Zia at mabilis na tumakbo papasok sa kwarto na kinaroroonan ni Queen at Niall.

Maya-maya pa ay lumabas na si Queen at kasunod nito si Beans na kumakawag parin ang buntot.

Pinagmasdan ko ang mata ni Beans at sa hindi ko malamang dahilan ay napansin kong iba ang mata ni Beans ngayon, parang... malungkot.

"Pwede na tayong umuwi," saad ni Queen.

"Bakit?" biglang tanong ni Patricia. Napatayo pa ito sa kinauupuan.

"Nagising na si Niall. Pwede na kaming umuwi," turan muli ni Queen.

Nakita ko ang malungkot na ngiti ni Patricia nung lumabas sa kwarto si Niall na may gasa sa noo.

Tumayo na kami at nagpasyang lumabas na ng bahay. Kapag nagtagal pa kami rito ay baka mapahamak lang kami.

"Salamat sa tulong niyo," saad Niall matapos kaming ihatid nina Patricia, Haslie at Rhio sa mismong kalsada kung saan nakaparada ang sasakyan namin.

Napalingon ako sa likuran nung mapansin na wala pa sila Avery at Archer. Nakita kong nag-uusap ang dalawa sa harap ng kulungan na pinaglalagyan ng mga zombie. Talagang doon pa nila napagdesisyunang mag-usap.

Pero mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa dahil hindi maipinta ang mukha ni Archer samantalang si Avery ay mukhang paiyak na.

Napaiwas ako ng tingin nang humarap sa amin si Archer at iniwan mag-isa si Avery. Nacucurious ako kung anong pinag-uusapan nilang dalawa. Pero ipinagkibit balikat ko na lamang iyon dahil wala naman ako sa posisyon para mangialam.

Ipinasok ko na sa sasakyan si Jay, "Huwag kang lalabas ha," mabilis kong isinara ang pinto ng backseat.

Niyuko ko si Beans na nakatingala sa akin.

"Beans," nakangiting tawag ko sa pangalan ng aso. Ginulo ko ang balahibo nito na sinagot nito ng isang ungol. Kung kanina ay malungkot ang mata nito, ngayon ay napansin kong malungkot na rin ang mukha nito. Parang ibang Beans ang nasa harap ko.

"ARCHER!!"

Napadiretso ako ng tayo nang marinig ang sigaw ni Avery. Kumunot ang aking noo ng makita ang itsura nitong tila nawawala sa sarili.

"Kung hindi ka magiging akin hanggang dulo, mas mabuti pang mamatay ka na lang, ako, lahat tayo rito!!" singhal ni Avery.

Nanlaki ang aking mata ng bigla nitong buksan ang isang kulungan na may lamang zombie na mahigit dalawampu ang bilang.

Mabilis na tumakbo patungo sa direksyon namin si Avery dahilan para sundan ito ng mga zombie na tila gutom at galit na papasugod sa amin.

"What the heck!" rinig kong mura ni Archer.

"Nabaliw na naman siya! Putangina!" sigaw ni Agatha.

Ang atensyon ko ay nakatuon lamang sa mga zombie na patungo sa direksyon namin. Napako ang paa ko sa aking kinatatayuan. Naguguluhan ako sa nakikita kong zombie ngayon. At hindi ko maintindihan ay bakit ang bilis kumilos ng mga ito.



senseigan

FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)Where stories live. Discover now