Prologue

78 18 7
                                    

Dapit-hapon na nang makauwi ako sa tinutuluyan ko dito sa Maynila. Nahiga ako kama at tumitig lamang sa kisame. Bumuntong-hininga ako at saka nagsimulang magbilang sa kamay.

"Isa... dalawa... tatlo... apat..." Apat na beses ko na siyang nakikita dito sa Unibersidad na pinapasukan niya simula noong sundan ko siya. Apat na beses iyon nangyari ngunit parang ako ay isang ligaw na kaluluwa na hindi man lang niya makita.

Kilala pa ba niya ako? Iyan ang tanong na siya lang ang makakasagot, gusto kong malaman ang kasagutan, iyon lamang ang hinihingi ko! Sa totoo lang napapagod na akong isipin ang mga ganitong bagay ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Naramdaman ko ang pagtulo ng likido sa aking mukha, kasabay niyon ang mahina kong paghikbi. Sobra na akong nahihirapan sa sitwasyong nagpapakatanga ako para lang mahanap kita.

Tiniis ko ang ilang taong hindi kita nakasama. Tiniis ko na sa araw-araw wala nang tatawag sa aking 'Baruray'. Tiniis kong ipagtanggol ang sarili ko dahil umalis ka na. Tiniis kong mahalin kita kahit nasa malayo ka. Lahat, lahat tiniis ko para sa'yo, para sa pagkakaibigan natin. Pero ikaw kaya, natiis ako?

Tumayo ako at binuksan ang maliit na drawer saka kinuha ang maliit na litrato naming dalawa nung bago pa siya umalis sa bayan. Napangiti ako sa itsura naming dalawa. Nakaakbay siya sa'kin at pagkalaki-laki ng ngiti, nandoon pa rin yung braces niya. Habang ako ay nakangiti lamang at naka-peace sign, nakasuot pa din ako ng uniform.

Pinagkaingat-ingatan ko ang litratong iyon dahil iyon lamang ang huling remembrance ko sa kanya. Napangiti ako sa sandaling iyon nang maalala  ang memories naming dalawa.

"Leunari!" Nabitawan ko kaagad ang litrato nang kumatok si Tony. Pinunasan ko na rin ang luha ko bago siya pagbuksan ng pintuan.

"Hapunan is ready!" Masiglang sabi niya sa'kin. Si Tony ang kauna-unahang nakilala ko rito sa Maynila. Siya ang roommate ko. Hindi naman sakim sa'kin na may kasama akong lalaki tutal mabait naman siya at may pagka-jokla 'din.

"Ay! Mukhang babagong emote ang bakla! Rudolph the red nose reindeer lang ang 'peg?" Tinuro niya ang ilong ko.

Naglakad ako papunta sa salamin at sinilip ang mukha ko. Shocks! Pulang pula nga! Nagdiretso ako sa banyo at doon suminga.
Pagkatapos ay naghugas ako ng kamay at sinabayan na si Tony na kumain.

"Bakla, kung ako sa'yo huwag mo masyadong damdamin yang pinoproblema mo, saka huwag kang magpaka-tanga sa pinangako niya sa'yo."

"Eh paano kapag yung pangako niya napako?" tanong ko sakanya. Yung pangako niyang 'yun limot na niya ata. At siguro... malabong matupad niya pa 'yon.

"Hindi lahat napapako, ang iba'y kinakailangan lang ng matiyagang pagiintay." sabi niya't ngumiti. Sana totoo nga ang sinabi niya. "Iba talaga ang nagagawa ng pagibig 'no?" dagdag pa niya't tumawa.

Hindi ko na siya kinausap pa at nagpatuloy na lamang sa pagkain. Tunay nga, kahit anong layo namin sa isa't isa hahanapin at hahanapin ko pa rin siya, kasi nga mahal ko siya e. Mahal na mahal ko si Zhonrius.

Pagkatapos kumain ay ako na ang nagligpit ng kinainan. Si Tony naman ay nagpapakain ng tirang pagkain. Nang matapos ako sa iba pang gawaing bahay ay natulog na ako.

Kinabukasan, maaga ako umalis para maaga ako sa klase. Nagreview muna ako dahil may quiz kami sa first subject namin ngayon.

Sa buong maghapon ay napakabilis ng takbo ng oras. Mas tutok ako ngayon sa mga lesson ng prof ko dahil nakatulog ako ng maaga. Bago lumabas ng building ay dumiretso muna ako sa library para sa Economic research namin.

Binilisan ko na ang pagtipa ng keyboard ko dahil padami na nang padami ang mga estudyante, hindi kasi ako sanay na maraming tao ang nakapaligid sa akin. Pagkatapos ay lumabas na ako ng building. Five p.m na pala kay crowded na naman 'tong University.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Lost Soul Of UsWhere stories live. Discover now