CHAPTER 45

2.6K 144 7
                                    

Mayumi Asherah Errille's POV

Nandito ako ngayon sa may private resort KO! Akin!. Nakatingala lang ako sa mga bituin habang pinagmamasdan silang kuminang.

Buti pa ang mga bituin at walang problema. Hayst! Napabuntog hininga lang ako bago mapayuko.

Gusto kong umiyak ng umiyak dahil sa nararamdaman ko. Ang sakit sakit e.

Gusto kong sumigaw na parang ako lang ang nandito. Sobrang sakit e.

Pansamantala na lang ba talaga para sa'kin ang pagiging masaya? Wala na ba talagang forever? Kahit konti lang? Wala na ba talaga!?

Napatingin ako sa cellphone ko ng magvibrate ito.

"Hello iha!" Si Tita pala ang mommy ni Kenzo. Kamusta na kaya ang gagong yun?

"Hello po?" Napabuntog hininga ito na tila may problema.

"Si Kenzo.. kasi.." napatalon ako sa gulat ng banggitin nya ang pangalan ni Kenzo.. nahulog po ako.

"Iha ayos ka lang ba?"

"Opo...opo...ayos lang po ako! Ano pong meron kay Kenzo? Gising na po ba Sya? Kamusta Sya tita?" Sunod sunod ang naging tanong ko.

"Iha, Hinay hinay lang!" Napatawa ako.

"Alam kong miss na miss mo na ang kaibigan nyo pero kasi ano.. gi-gising na sya!"

"Hindi po ba kayo masaya?" Tanong ko.

"Masaya pero iha..." Napabuntog hininga ito. "Gusto na nya kasing umuwi e. Hindi ko din alam kung bakit? Sinigawan nya pa ako nung nakaraan dahil sa hindi ko sya maintindihan."

"P-po?! H-hindi p-pwede yun!" Utal utal na ani ko. Hindi pa Pwede, ang alam ni Yra patay na sya. Gumawa na nga sya ng panibagong plano e. Ang saktan ako. HAHAHA! Ang saklap.

"P-pero...i-iha!!" Angil nya na ikinabuntog hininga ko. "Hayst! Anong gagawin ko? Magagalit sya sa'kin!"

"Sabihin mo po sa kanya lahat. Ipaliwanag mo na lang po lahat ng nangyayari!" Anang ko. Napabuntog hininga ito.."Susubukan ko!"

Muli akong mapatingala sa langit. Aayusin ko muna ito bago sya makauwi. Ayokong magulo ang realasyon namin sa isa't isa.

Sino nanaman ba kasi ang Harlene na to? Kailangan ko ng malaman kung sino sya.

Wala munang iyak iyak. Tsk! Makikita muna nila ang tunay at walang awang Reyna.

Tumayo ako at nagangat ng tingin.

"Hi baby!" Napangiti ako.

"Hmm.. Asan ka?" Tanong nya pa.

"Nandito lang ako sa private resort ko. Don't worry, makikita mo na ako Bukas! Hihi I miss you!" Ani ko.

"I miss you too.. kakikita lang natin kahapon ah!," Napatawa ako. "By the way, pagpasok ka na ba bukas?" Napatigil ako at napabuntog hininga.

"Hmm.. yeah!" Walang gana akong naupo sa kama ko bago mahiga. "Hahaha! Siguro.. mag babago muna ako ng ugali! Kailangan ko ring makahinga." Sagot ko bago Pilit na ngumiti sa kawalan. Siguro eto na talaga ang kapalaran ko..

"Mabuti na din yun Mahal ko!" Napangiti lang ako. "Tama ka!, Minsan kailangan ko ring magpahinga."

"Hmm... How are you baby?" Mabuti naman at pinalitan na nya. Hahaha!

"Ayos lang ikaw?"

"Hmm..eto miss ka na!" Batid kong nakanguso ito kaya napailing ako.

"HAHAHA! Hay naku! Gaya ng sabi mo kakikita lang natin kahapon. Miss mo nanaman ako!" Patawa tawang wika ko.

The Worst Section and Me [UNEDITED]Where stories live. Discover now