FIGHT TWENTY EIGHT

Magsimula sa umpisa
                                    

"Yung dalawang lalaki na kasamahan namin. Nawawala sila," turan ni Zia na may hawak hawak na rebisco sa kamay.

Kailan pa siya nakakuha ng pagkain?

Juskong babae 'to. Mawala na yata lahat huwag lang ang pagkain.

"Nandoon sila," saad ng babae at itinuro ang isang malaking bahay na nasa gilid ng daan.

"Pota. Diyan sa bahay na 'yan?!" singhal ni Zia na sinagot ng mga zombie ng isang pag-angil. Naingayan yata masyado.

"Bakit? Anong problema?" tanong ko. Mukhang problemado si Zia dahil kunot na kunot ang noo nito.

"Eh diyan nakatira yung depungal na ex ko! Nakapunta na ako rito dati, kaya pala pamilyar ang putangina," saad nito at masama ang tingin sa bahay.

"Ex mo si Rhio?" tanong nung babae.

Umismid si Zia. "Hindi ah. Sino 'yon? Row ang pangalan ng ex ko," saad ni Zia at inis na kumagat sa hawak na cracker.

"Sumunod na lang kayo sa akin," saad ng babae at iginaya na kami papasok sa loob ng bahay.

Hindi ako sumunod bagkus ay bumalik ako sa sasakyan.

Binuksan ko ang backseat at binuhat palabas si Jay.

Agad tumalon pababa ang asong si Beans at tumakbo patungo kina Jelly.

"Ano maiiwan ka riyan?" masungit na tanong ko kay Avery.

Hindi ito kumibo at padabog na bumaba ng sasakyan.

Lumakad ako pabalik kina Jelly.

Agad kong ipinasa si Jay kay Jelly. "Mabigat," simpleng saad ko.

"Ilang oras nang tulog ang kaibigan niyo, yung isa sa kanila ay putok ang noo at yung isa naman ay nabalian ng braso," saad nung babae matapos nitog buksan ang pinto.

"Ako nga pala si Patricia, at siya si Haslie." Itinuro nito ang babaeng nasa loob ng bahay at nakahiga sa isang mahabang sofa.

Agad na bumangon ang babae at pinaupo kami.

"Ako si Queen," pakilala ko at tipid na ngumiti.

"Ang batang iyan ay si Jay, tapos ang may buhat ay si Jelly," saad ko.

"Hello," bati ni Jelly sa kanila at matamis na ngumiti.

"Ako si Zia, kung namimiss niyong sumakay ng rides sabihin niyo lang sa akin," nakangising saad nito na nakatanggap ng isang pinong kurot mula sa akin. "Joke lang naman,Queen." Ngumuso siya at hinaplos ang parteng kinurot ko.

"Sup, mga mukhang burat."

Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang sinabi ni Agatha.

Pinagsasabi ng babaeng ito. "Nakakahiya ka," bulong ko at tiningnan nang masama si Agatha.

"Ako si Agatha, hehe." Kinamot nito ang batok at nag-iwas ng tingin sa akin.

Umakto pa itong izinizipper ang bibig.

"Nandoon sila sa kwarto." Itinuro ng babaeng nakahiga kanina -na Haslie ang pangalan- ang isang kwarto na nakabukas ang pinto.

"Naroon sa loob si Rhio, binibihisan ang kaibigan niyo," dagdag nito.

"Yung isang putok ang noo mataas ang lagnat. Wala kaming gamit dito pang-gamot sa sugat niya," saad ni Patricia.

"Doktor ako," saad ko nagpaangat ng kanyang tingin. "Pero nasa tinutuluyan namin ang first aid kit," dagdag ko na nagpalaglag ng kaniyang balikat.

Sa hindi ko malamang dahilan ay nakaramdam ako ng inis dahil tila concern na concern ang babae.

"Niall is a doctor also, I'm glad that he's safe."

Umawang ang aking labi sa sinabi nito.

"Kilala mo si Niall?" gulat na tanong ni Zia.

Tumango ang babae at tipid na ngumiti. "We're ex couple," simpleng sagot nito na tuluyang nagpawala ng aking ngiti.

"Ay putangina! Bakit buhay ka pa!!"

Pumitlag ako nang marinig ang sigaw ni Zia.

Nakatayo ngayon ito at nakapameywang.

"Bakit hindi ka pa naging zombie!" muling singhal ni Zia at nakaturo ang kamay sa lalaking kalalabas lamang ng kwarto.

Ang akala ko ay si Patricia ang sinasabihan ni Zia pero hindi pala.

"Ako??" takang tanong ng lalaki at itinuro ang sarili.

"May iba pa ba akong itinuturo? Kailan ka pa naging bobo, ha!!" singhal ni Zia na halos lumabas na ang litid dahil sa ginagawang pag-sigaw.

"Kilala mo 'yan?" tanong ni Agatha kay Zia.

Ngumisi si Zia at tiningnan nang mapang-uyam ang lalaki.

"Siya lang naman yung ex kong manloloko!! Yung pinagpalit ako sa doktor ng mga hayop!" nanggagalaiting saad ni Zia.

Pansin ko ang pagtataka sa mukha ng lalaki.

"Hindi kita kilala, Miss. Grabe, ako ex mo? Lol, kung ako lang din naman tatanungin hindi ako papatol sa katulad mong dalahira!" ganting ani ng lalaki.

"Aba't!!" inis na turan ni Zia at balak na sanang sumugod sa lalaki mabuti na lang at nahila ko sa kwelyo ng damit na suot niya.

"Queen naman," angal nito.

"Magtigil ka," bulong ko at hinila siya paupo.

Naiinis ako na ewan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Badtrip yata ako kay Zia dahil sa inaakto nito o dahil sa ibang bagay siguro.

Tumingin ako kay Haslie na ngayon ay nakatingin kay Zia na masama naman ang tingin sa lalaki.

Bumaling ang mata ko kay Patricia na siyang may kilala kay Niall.

'Ex couple ha, pwe.'


senseigan

FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon