Part Twenty

10.5K 225 14
                                    

“Galing ba dito si Karylle?” seryosong tanong ni Vhong kay Vice. Napaangat ng tingin sa kanya ang huli at walang emosyong tumango lang. Nakaramdam naman ng inis si Vhong, dahil parang walang pakialam si Vice. “So ikaw ang dahilan kung bakit namumugto ang mga mata nya?”

Napatigil si Vice dahil sa sinabi ni Vhong. Umiyak si Karylle dahil sa kanya? Bigla syang nainis sa sarili nya. Ayaw nyang nakikitang umiyak si Karylle, pero sya mismo pinaiyak nya ito.

“You should’ve update her kung nasan ka. Hindi yung halos mabaliw na ‘yung tao sa pag-aalala sa’yo.” May halong inis na saad ni Vhong.

“Why do you care?” malamig na tanong ni Vice.

“Because I like her.” walang pagdadalawang isip na sabi ni Vhong.

Napakuyom ang kamao ni Vice dahil sa sinabi ni Vhong. He grabs his collar at sinamaan ito ng tingin.

“What did you say?!” galit na tanong nya dito.

“I like Karylle. I like your wife.” Cool na sabi ni Vhong. Alam nya ang kayang gawin ni Vice pero sya natatakot dito. In fact nag-eenjoy sya dahil sa reaksyon nito.

“F*ck you!” isang suntok ang pinakawalan ni Vice kaya napaupo si Vhong sa sahig. Nailing na hinawakan nya ang panga dahil sa lakas ng suntok ni Vice.

“Ano bang kinagagalit mo brad? Wala ka namang nararamdaman sa kanya diba?” sabi ni Vhong. Tumayo sya habang hawak pa rin ang parte ng mukha nya na sinuntok ni Vice.

“She’s. Mine.” May diin na tugon ni Vice. Masama pa rin ang tingin nito kay Vhong at nakakuyom pa rin ang kamao.

“Talaga ba?” nang-iinis na tanong ni Vhong. “Maybe now she’s yours, pero sa paraan ng pakikitungo mo sa kanya baka mawala sya sa’yo. Pasalamat ka nga hindi ka nya iniwan noong wala ka. Kasi kung nagkataon wala ka ng Karylle na babalikan. At kung sakaling nangyari yun, tandaan mo maraming sasalo kay Karylle at isa na ako don.” Makahulugang sabi ni Vhong dahilan para muli syang suntukin ni Vice.

~~

Kakalabas lang ni Karylle mula sa banyo at saktong bumukas rin ang pinto ng kwarto nilang mag-asawa. Parang lumundag ang puso nya ng makita kung sino ang nakatayo doon. Si Vice. Gulo-gulo ang buhok nito at may pasa sa gilid na labi. Mapungay rin ang mga mata nito kaya sigurado syang nakainom ito. Pero hindi naman yung sobrang lasing.

“A-anong nangyari sa’yo?” nag-aalalang tanong ni Karylle ng makita ang pasa ni Vice. Akmang hahawakan nya ang mukha nito pero agad din naman nyang binawi. “Kukunin ko lang yung gamot sa baba.”

MINE is MINE (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon