Huminga na lang ako ng malalim bago siya sagutin. Kapatid pa naman ito ni Krys at baka mapatalsik ako ng wala sa oras sa Recamp nila kapag pinatulan ko ang batang ito.

"I'm beautiful." sagot ko na lang.

"I'm beautiful too." taas-kilay niyang sambit. Buti na lang hindi siya tumutol sa sinabi ko.

"I'm sexy." proud ko ulit na sabi sa kanya habang ini-emphasize ang kurba ko sa katawan.

Napatingin naman siya sa akin at hinagod pa ako mula ulo hanggang paa.

"Oh well., I'm younger than you kaya hindi pa ako masyadong sexy." sambit niya kaya napatingin naman ako sa katawan niya. Medyo kulang nga ang kurba ng katawan niya pero maganda pa rin naman siya kamukha niya kasi si tita Leticia na may lahing foreigner.

Mas bata kasi itong si Lace ng tatlong taon sa akin kaya siguro hindi niya pa alam ang salitang diet.. —at hindi ko din alam ang salitang iyon.

"What else?" nangulit na naman ito. Gusto niya talagang ikumpara ang sarili niya sa akin.

"I'm crazy and he is bipolar." nakangisi kong sambit sa kanya. Tignan natin kung may masabi pa siya.

"Makulit lang ako pero hindi ako baliw. Tsk! Mas lamang ka na ng dalawang puntos sa akin." napangiwi ako sa sinabi niya. Lumamang pa talaga ang pagkabaliw ko sa kakulitan niya..

"Ohh they're here.." turo niya sa dalawang lalakeng parang mga model kung makapaglakad.

"Shoot your brother, ako ang bahala kay Race." bulong ko kay Lace na ngumisi lang bago tumango..

"I like the idea, my brother is so annoying kaya kahit dito man lang ay matalo ko siya." sabi niya bago bahagyang dumapa at inasinta ang kapatid niya. Tama siya, annoying nga ang kapatid niyang malakas ang trip sa buhay. Pinagmalaki pa kasi niya ang hinanda niyang training sa amin. Baril-barilan lang naman pala ang gagawin namin.

Sinilip ko ang pa-easy easy lang na naglalakad na impaktong si Race. Napangisi akong asintahin ang noo niya bago ko siya pinatamaan ng water gun.

Sapol! Dare pala huh..

Napanganga pa siyang hinawakan ang noo niyang nabasa at tsaka tumingin sa pwesto ko.

Nginisian ko siya ng malapad bago tapikin ang braso ni Lace na natamaan na pala ang kapatid niya sa dibdib.

"Two boys down." mapang-inis na sambit ni Lace sa kanila..

Masaya din siguro itong kasama si Lace kung hindi lang siya maldita.

Laglag-balikat silang nagsialisan kaya lumipat kami ng pwesto ni Lace..

Nasalubong namin sina Butter at Miracle na may mga tama na din ng water gun.

"First talunin mo sila. Ang lupit ni Clover at Craig sa mukha talaga kami pinatamaan." sumbong ni Butter sa akin habang nagpupunas ng mukha.. May mga nakasabit pa sa buhok niya na parang mga maliit na tangkay at dahon. Para siyang nagpa gulong-gulong.. Masyado niya naman atang sineryoso ang baril-barilang ito.

Bahagya lang na ngumiti si Miracle sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

Tsk! Nag-improve ng kunti.

"Sa akin si Clover, sayo si Craig." biglang sambit ni Lace kaya mabilis akong napabaling sa kanya..

Sa kanya si Clover? The hell!

"Ahh.. hintayin na lang namin kayo sa labas." mahinang sambit ni Miracle tsaka naunang naglakad. Apektado din ata siya sa sinabi nitong si Lace.. —-sayo si Craig. Tsk!

Napasunod na lang ang paningin ko sa likod niya. Mahal mo talaga siya.

"Go Huntress.. Rawr.." walang ka-energy na sambit ni Butter bago kami iwanan. Napagod siguro.

"Let's go!" sabi ng batang maldita kaya kahit bahagya akong nainis ay sumunod na lang ako.

Mabilis kaming nagtago sa mga poste ng makita namin si Acid at Tork. Bahagyang nakatago si Acid pero nakalabas naman ang paa niya kaya pinatamaan ko iyon.

"Uhh! Why did you hit me First?" eksahirado nitong sambit habang maarteng hinahawakan ang paa niyang nabasa. Parang true.

"Haha.. buti nga sayo Acid." tatawa sambit ni Ash kasama si Jelly na parehas nang may tama sa katawan.. At katulad ng hitsura ni Butter kanina, may nakasabit ding dahon at tangkay sa buhok nila.

"Anong nangyari sa inyo?" takang tanong ko na.

"Gumapang kami, nagpagulong-gulong at dumapa. Diba ganoon naman kapag sundalo." sagot ni Ash. Di nga ako nagkakamali, masyado nilang pinangatawanan ang pagiging sundalo nila.. Jusmeyo! Mga baliw talaga ang mga kaibigan ko. Nahawa ko pa ata sila.

"Kaya lang basag trip si Tork, pinatamaan kaagad kami." nakasimangot na sambit ni Jelly habang nakatingin kay Tork na tamad na tamad lang na nakasandal sa pader.

Aaksyon ng babarilin ni Lace si Tork pero hinawakan ko ang water gun niya.

"Not him." iling na sambit ko kaya napataas ng kilay ang batang maldita..

"Why?" tanong pa nito..

"Ang unfair mo First!" simangot naman na sabi ni Acid. "Bakit si Tork ayaw mong tamaan pero ako binaril mo.. nakakasakit ka ng damdamin babe."

Nagulat na lang ako ng may dalawang tubig na tumama sa mukha niya kaya napatingin ako kung saan nanggaling iyon.

Naniningkit pa ang mga mata ng impakto ng balingan ko sila sa likod ko. Tsk!

Nakatutok pa ang water gun nila sa amin ni Lace kaya ganun na din ang ginawa namin..

"Drop your gun girls." nakangising sambit ni Craig.

Para kaming nasa action movie sa ayos namin ngayon.

Babarilin na sana ng water gun ni Lace si Clover pero naunahan siya nitong matamaan at ang hinayupak, sa mukha talaga ang puntirya.

"Clover!" inis na tawag ni Lace sa kanya habang binagsak ang water gun at pinunasan ang basa niyang mukha..

Ngumisi lang si Clover sa kanya at maya-maya ay sa akin naman tumingin..

Putspa. Ako na lang mag-isa laban sa dalawang ito.

"Drop your gun boys." panggagaya ko sa sinabi ni Craig. Di ako mawawalan ng pag-asa habang wala pa akong tama.

"Tsk!" tamad na sambit ni Clover at binaba na ang water gun niya pero kasabay din nito ang pagtama ng tubig sa mukha niya bago tamaan din si Craig sa mukha nito.

Kapwang tumalim ang tingin nila sa likod ko at alam kong si Tork ang bumaril sa kanila..

"Hahahaha." hagalpak kong tawa sa mga pagmumukha nila. "Sabi sa inyo eh, drop your guns."

Lumapit ako kay Tork at natatawa pa rin  siyang inakbayan..

"Very good Torky baby." nakangiting sambit ko kay Tork. Kampi talaga ang batang ito sa akin kahit kailan.

Bumaling ako sa dalawa at napangisi nalang akong napatingin kina Clover at Craig na hindi na maipinta ang mga pagmumukha..

Ngunit bigla na lang humarang si Tork sa harap ko kaya siya ang natamaan ng water gun ni Mickey. Tsk. May isa pa pala silang kasama.

Napangisi pa siyang tumingin sa akin ngunit bago pa man niya magawang tutukan akong muli ng water gun niya, inunahan ko na siyang patamaan sa noo.

Bulls eye..

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now