"Ecka! Naririnig mo ba sarili mo? Sabi ko na nga sayo na AYAW KO NA! TAPOS NA TAYO!"

"Hindi naman ganun kadali yun Belle! Dalawa tayo sa relasyon na ito! Dalawa tayong magdedesisyon"

"ECKA! TAMA NA! PAULIT ULIT NA LANG! AYAW KO NA SA RELASYON NATIN OKAY? NAIINTINDIHAN MO BA YUN? WALA NA AKONG NARARAMDAMAN PA PARA SA ATING DALAWA, AYAW KO NA SAYO, HINDI NA KITA MAHAL KAYA PAKAWALAN MO NA AKO, ALISIN MO NA AKO SA TAYONG KINAKAPITAN MO" sabi nya at tuluyang umalis na sa harapan ko

Wala akong nasalita, ni di ako makakilos. Tumigil bigla ang oras at pag galaw ng paligid at mundo ko. Bakit Belle? Bakit mo nagawa sa akin to? Mahal na mahal kita Belle. Tuluyan ng bumuhos ang luha kong kanina pa pumapatak. Napaupo at napasandal na lang ako sa pader dito, walang tumatakbo sa isip ko kundi ang mga sinabi nya.

---------------------------------

Umiiyak ka na naman, si Belle na naman ba yan? sabi ni Mama

"Mama, its been 3 years and sariwa pa rin yung sakit ng alaala namin" sabi ko

"Anak, hindi yan maghihilom hanggat hindi bukal sa loob mo na kalimutan sya at tanggapin na wala na sya sa buhay mo" sabi nya

"Ma" umiyak na lang ako sa kanya, nilabas ko na lang sa kanya lahat lahat ng sakit

"Sshhhh after this sana mahanap mo na ang sariling gamot sa sugat ng nakaraan mo, nandito lang naman kaming pamilya mo handa kang gabayan at samahan sa lahat"

I try to call her number, nagbakasali na di pa sya nagpapalit. Shit!!! Shit!!! Nag ring agad kong pinatay ang call, kinabahan ako eh

My phone rings. Unknown number.

"Hello" sabi ko
"Hi Ecka right?" this voice, I knew this voice
"Belle to, nag missed call ka kase sorry di ko agad nasagot" sambit nya.

Hindi ako makasagot, wala akong maisagot shit shit shit isip Ecka wag kang malutang jan hoy!

"Ah yes speaking" sabi ko..

Tang ina self yun lang nasabi mo? Kakahiya ka

"Kumusta na? Would you mind if we see each other?" tanong nya

Lord totoo ba to? After 3 years? Makikita ko ulit sya? Pero bakit? Anong plano mo Lord?  No! Wag marupok Ericka! Ano yun after ng ginawa nya ganun ganun na lang? Aba aba! Si Ecka ata tong sinaktan nya no!

" Yeah sure, set the date" ay king ina Ecka! Karupok self dami ko pang sinabi bibigay rin naman pala ako.

"Okay later at 6pm at our place" sabi nya. Luh nagmamadali si Senorita ko di naman halatang miss na miss ako eh haha joke lang

"O okay see you"

-------------------------------

Andito na ako same thing, same spot nung last na kita namin. Tumayo sya naramdaman siguro na dumating na ako. Humarap sya sa akin.

Ang ganda nya pa rin, same Belle I loved before until now. Di ko namalayan na nasa harapan ko na siya

"Hi!" sabi nito nang nakangiti. That smile, I miss those smile!

"He---" di na ako nakasalita dahil walang intro intro na naramdaman ko na lang ang malambot nyang labi sa aking labi, gustuhin ko mang kumawala sa pagkakahalik nito ay tila magnet itong hinihila ako upang tumugon sa bawat halik na pinaparamdam nya sa akin.

Ang tanging nasa isip at nararamdaman ko lang ngayon ay kilig, saya, tuwa, at umaapaw na galak sa puso ko.

Kumalas sya sa halik nya

"Di ka pa rin nagbabago, mahal mo pa rin ako" sambit neto. Ang yabang naman nito pero totoo naman hahahaha

"Wag ka ng magsalita, Iloveyou too" sabi nito sabay ngiti ng nakakahimlay

"Sorry sa nangyare sa atin 3 years ago may mga inuna lang ako upang sa pagdating ng araw na ito ikaw na lang ang uunahin ko sa lahat" sabi nya.

Niyakap nya ako.

Ano ba yan wala man lang akong nasalita. Di pa rin kase ako makapaniwala na bumalik sya, bumalik ang taong mahal ko noon, hanggang tayo.

Niyakap ko sya pabalik.

"Ano man ang nangyare sa atin noon, lahat ng sakit na naramdaman ko at ang gamot na hinahanap ko upang malunasan ito, sayo ko lang rin pala matatagpuan. Mahal na mahal pa rin kita Belle, simula noong una, magpahanggang ngayon aking Senorita" I kissed her forehead.

Ang sarap ng dumadamping hangin sa aming dalawa. Nagkalayo man kami, naniwala lang akong sya pa rin talaga ang itinadhana para sa akin hanggat nandirito ako sa mundo natin.

----------------------

*ROOSTER SOUNDS*

------------------------------

Ooopppssss sa wakas nalipat ko na rin hihihi

May continuation po ito :) :) :)

Imiss BECKA❤️😢

You Without Me, Me Without YouWhere stories live. Discover now