Ngumiti naman si Michael kay Axcel. "Okay lang yun...naiintindihan ka namin, diba Kian?"


Tumango tango naman si Allen habang puno ang bibig. "Opsh coursh"

Na tawa naman sila sa inasal ni Allen, para kasi itong bata, napa pout naman ang binata dahil sa pag tawa ng mga kaibigan niya.

"But seriously, I understand you guys now and I will support you guys."


Tumayo si Michael at lumapit kay Axcel para makipag fist bomb. "Thank you"


Michael smiled on the realization that finally his friends that he met on Forbes University is all supporting their relationship now. And he learned one thing.


On a relationship like they have. Acceptance is not a thing you get right away, but only comes when the realization hit them that the thing you two have is worth accepting.



MATAPOS ang pag kain nila, they stay on that spot for while and wait for the opening of sky ranch. Nang sumapit ang alas dyis ay inilipit na nila ang mga gamit nila at inilagay ng muli sa van.


"Can't wait to try all the rides!" Hyper na sambit ni Allen habang naka hawak sa braso ni Michael palabas ng van.

Natawa naman si Michael at pinisil ang tungki ng ilong ni Allen. "I tatry natin lahat yan"


Nang makalampas na sila sa entrance at nakapag bayad ng mga tickets ay tila batang pinag mamasdan ni Allen ang mga nag tataasang rides.

"It looks like it's your first time here" sambit ni Axcel kay Allen.

Tumango-tango naman ang binata. "Yes, this is my first time."

Tila nagulat naman ang iba dahil sa sinabi ni Allen. Pati si Michael ay tila nalungkot sa sinabi ng binata. Kahit naman siya ay sa probinsiya nakatira ay lagi silang nag pupunta sa perya lalo na pag pyesta. Hindi man kasing lalaki ng mga rides dito ang meron doon ay na experience naman niya ang pakiramdam. Ngumiti si Michael kay Allen at umakbay rito.

"Kung ito ang first time mo, then let's make it memorable!" Saad niya. Tumango-tango naman ang mga kasama.


"Yes!"


Nag umpisa na ngang libutin nila Michael ang skyranch. Bukas na lahat ang mga shop at rides, may iilang tao na rin ang nakikita nilang nag lilibot. Si Allen ay tuwang tuwa sa mga nakikita niya habang hila-hila si Michael. Si Michael ay hinayaan na lamang ang binata sa ginagawa niya dahil natutuwa rin siyang makitang sobrang saya ni Allen. Hindi na nga namalayan ng dalawa na nahiwalay na sila sa mga kasama.


Habang nag lalaro si Allen sa isang booth ay kinuha ni Michael ang cellphone niya, nabasa naman niya ang chat ni Keith sa gc na mag kita-kita na lamang sa Tokyo-tokyo restaurant bago mag lunch.


Agad namang itinago ni Michael ang phone sa bulsa niya sa kanyang sling bag nang muli na naman siyang hilahin ni Allen. Ngayon ay nasa bump car. Agad na nag bayad si Allen para sa kanilang dalawa ni Michael. Parang bata siyang sumakay sa isang bumper Car si Michael naman ay natatawang sumakay din sa isa. Nag umpisa ng paandarin ng dalawa ang mga bumper car nila, bale tatlo lamang silang naroon kasama ang isang batang lalaki tansiya niya ay nasa 11-13 years old.


Tawa naman ng tawa si Allen na halatang nag eenjoy sa pag bangga kay Michael na lumalayo lamang. Nang matapos ang oras nila sa bumper car ay hinila na naman siya ni Allen papunta sa City Rail kung saan nakita ng dalawa ang apat na kasama.


"Oh akala ko hindi na uli tayo mag kakasalubong kaya sabi ko sa Tokyo-tokyo nalang tayo mag kita-kita" Natatawang sambit ni Keith.


"Oo nga, humiwalay kasi kayo" sambit ni Afro.


Napakamot sa uli si Michael. "Si Kian kasi hila ng hila eh"


"Bili na kayo ticket para sabay sabay tayo sumakay dito sa City Rail" sambit ni Clark. Tumango naman si Michael at iniwan saglit si Allen sa mga kaibigan para bumili ng ticket.

"Tara na"




NANG MAKA baba sa city rail ay nag tungo naman sila sa Sky Cruiser isa itong ride na nasa taas na kung saan ay para silang nag mamaneho. Kita roon ang magandang view mula sa baba.

Nang dumating ang lunch ay napag pasyahan nilang sa tokyo-tokyo nalang kumain, isa itong japanese restaurant. Si Allen ang nag presinta na mag bayad ng buong pag kain nilang lahat. Hindi naman umalma ang mga kasama.

Nang matapos kumain ay nag tungo naman sila sa mga booth para mag laro, sa isang booth kung saan kapag nabaril ang target ay nag lalaro si Allen, nagustuhan ata ang isang prize.

"Guys sa super viking naman tayo" yaya ni Keith , tumango naman sila at bumili na ng ticket.

Napalunok si Michael nang makita kung gaano kalakas ang swing ng super viking.

"Hey are you sure you want to ride it? You look pale" Sambit ni Allen sa tabi niya.


Pilit na ngumiti siya sa binata at umiling. "Oo, ayos lang ako."



Nang makasakay na sila sa viking ay napa pikit na si Michael at nag umpisang mag dasal sa isip. Naramdaman ni Allen ang pagiging tense ni Michael kaya hinawakan niya ang kamay nito. Napa mulat naman si Michael dahil sa ginawa ni Allen at nakita niyang naka ngiti sa kanya ito. Maya-maya ay nag umpisa ng mag s
wing ang ride at pabilis ng pabilis.


"Aaaahhh" rinig ni Michael na sigaw ng ilang tao na kasabay nila samantalang siya ay napakagat na lamang sa labi niya para pigilan ang sariling mapa sigaw. Napatingin naman siya sa katabi niya at nakitang naka ngiti lamang si Allen at halatang nag eenjoy.


Nang maka baba sa ride ay ramdam ni Michael ang pag kahilo, hindi na nga niya masyadong naiintindihan ang usapan ng mga kaibigan sa kanilang naging experience.


"Here" napaangat siya ng tingin ng makita ang tubig na inilapit sa kanya ni Allen. Agad niya itong kinuha at ininom. Nabawasan naman ang pag ka hilo niya.


"Guys! Tara mag zip line!!!" rinig ni Michael na sambit ni Keith. Sumang ayon naman ang mga kasama.



"Wanna try it too?" tanong ni Allen, tumango naman si Michael ito ang unang beses niyang mag zizipline kaya hindi niya ito gustong palampasin.



Pumunta na ang grupo nila Michael sa zipline at nag bayad ng fee. Buti na lamang talaga at may naipon siya. Nang maka sakay na sila sa zip line ay kitang kita nila ang view mula sa taas. Tila nalulang muli si Michael nang makita kung gaano kataas ang pwesto nila.



MABILIS NA lumipas ang oras at patuloy na ini-enjoy ng mag kakaibigan ang sky ranch. Ngayon ay narito na sila sa pent house na pag aari nina Keith sa Tagaytay, ang plano talaga nila ay sa bahay nila Keith sa Manila mag s-sleep over pero hindi nila inaasahan na mapapagod sila ng sobra kaya na pag pasyahan na dito na lamang mag palipas ng gabi.


Naka upo na sila sa harap ng tv at kasalukuyang nanonood sa netflix ng movie nang lumapit sina Axcel at Keith na may dalang canned beer at mga chips.


Mag ka ayos na ba sila? siguro.


Inilapag ng dalawa ang mga ito at nag si kuhanan naman silang lahat. Naisip ni Michael na hindi naman masama kung iinom sila ng konti dahil minsan lamang ito. Napalingon si Michael kay Allen nang maramdaman ang pag sandal nito sa balikat niya habang umiinom ng beer at hindi inaalis ang tingin sa tv.


Napangiti si Michael, masasabi niyang ang araw na ito ay isa sa mga araw na hindi-hinding niya makaka limutan dahil sa saya at mga memories na nagawa nila.


Lumipas ang gabing iyon ng hindi nila namamalayan ang oras, nag kwentuhan, inuman , tawanan...its one of the best memories for them to keeps.

*****







My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Where stories live. Discover now