CHAPTER 42

2.6K 149 1
                                    

Mayumi Asherah Errille's POV

Kanina pa kami nagpapaikot ikot pero kanina pa rin kami pabalik balik sa bulwagan papasok ng San Villegas.

"Ano na? Hayst! Kanina pa tayo paikot ikot." Nanatili lamang akong kalmado habang sinusuri ang mga daan.

May apat na daan, pero lahat sila nadaanan na namin, pabalik balik lang kami sa dati naming pwesto habang ang iba ay inis na inis na..

Bumaba ako ng Van saka sinuri ang apat na daanan.

Puro gubat dito, kagaya nga ng sabi ni Vivian. Liblib ang lugar na to. Walang nakatira at kung ano ano pa. Mga lumang gusali at bodega lang ang naririto.

Tahimik pero magulo. Nagkalat ang mga basong basag basag at ang rumi rumi ng paligid.

Tatlong daan nga lang ba ang Meron dito? Oh... Meron pang liblib na daan patungong bodega na kung saan nakatago ang mga magulang namin.

Napatingin ako sa isang building na merong nakalagay na.. 'Bawal pumasok'

May mga plaster at kung ano ano pa..

Pumasok ako doon bago ikutin ang building. 'Queen? Asan ka?' Tanong ng nasa earpiece.

"Nandito ako sa may building. Sa may pangatlong daan sa may panggapat na building nandito ako." Ani ko sabay labas sa likod ng building.

Naramdaman kong may tao sa likod na ikinalingon ko pero huli na ng paluin ako nito sa ulo.

F*ck...

Vince Xian Hayes's POV

Nagising na lang ako ng nakatali habang masakit ang ulo.

"Arrggh.." napatingin ako sa iba. Nandito ang mga magulang namin kasama ang mga bata.

"A-ash.." pagtawag ko kay Mae na ngayo'y nakatali habang dumudugo ang ulo. Sh*t! Argh! Magbabayad talaga sila. Walang sinuman ang maaaring manakit sa Babaeng pinakamamahal ko.

"Hmmmm" ungol nya sabay mulat ng mga mata nya. "A-asan ta-tayo?" Tanong nya sabay libot ng paningin nya.

"Nasan ang iba?" Tanong nya ng mailibot nya ang paningin nya. Wala ang iba!

"Hey!!!!" Sigaw nya dahilan para magising ang iba. "Lil sis!? // Bunso!? // Queen?!" Takang tanong nilang lahat ng magising sila.

"A-anong nangyari?" Tanong ng iba bago maglibot ng paningin.

"Asan tayo!!?" Sigaw ng iba saka pilit na tinatanggal ang pagkakatali sa kanila.

"Wahahaha!!" Napatingin kaming lahat ng dumating si Yra kasama ang iba pa.

"Walang hiya ka Yra!! Papatayin kita!!" Sigaw ni Max na ikinahalakhak nya lang bago ngumisi ng nakakaloka.

"Talaga ba? Mark?" Natatawang tanong nito na mukang ikinainis ni Max.

"Wag na wag mo akong tatawagin sa pangalang yan!!" Sigaw nya na ikinatanggap nya ng sampal kay Yra.

"Max!! // Kuya!!"

"Wag na wag mo akong sinisigawan hah, kung ayaw mong patayin kita." Napatingin naman ako kay Ash na ngayo'y walang imik habang at malamig ang muka.

"Ayos ka lang?" Tanong ko dito. Tumango lang sya.

"Itali ang mga yan!" Utos nya sa mga tauhan sya, saka itinali ang iba. Nandito rin sina Syd at ang mga kaklase nya. Anong ginagawa nila dito?

The Worst Section and Me [UNEDITED]Where stories live. Discover now