-3

5 1 0
                                    


Chapter 3: Lunch box.

"Nakakainis talaga akala mo naman kung sinong gwapo mukha namang inidoro!". Nagpaikot ikot ako habang nag-kukwento kay Einar na wala namang pakialam sa akin.

"Kainis na Galvez! Nakakairita talaga Narius Thiago Galvez hindi kapa madapa at mangudngud sa putikan." Sa sobrang inis ko ay napatingin pati sa akin maging lecturer na dumaan shit!.

Masama akong tinignan ni Miss Rosal at inayos ang kanyang itim na salamin bago nag-martsang umalis na naiwan pa ang tunog ng pumps nyang kulay pula. Napabaling naman ako kay Einar na parang natauhan ng marinig ang salitang 'Galvez'. Agad syang umayos ng pwesto at tumingin sa akin senyales na mikikinig na sya.

"You mean si Northon Galvez as in kapatid ni Norman Callixter Galvez at Nostalgia Galvez?". Gulantang na sabi nya.

Teka bakit alam nya 'yon? Kilala nya pala si Norman at Nostalgia. Ang alam ko nga lang ay kapatid ni Norman si Northon dahil kalat naman ang pangalan nila pero hindi ko alam na pati pala si Nostalgia ay kapatid din ni 'gago' akala ko ay ang kapatid ni Nostalgia ay si Herrick Galvez dahil sila ang laging magkasama at rumor din na sa lahat ng Galvez sila ang pinaka-close sa lahat pati si Precilla.

"Kilala mo si Norman? Callixter pala ang second name nya ang ganda naman." Nakangiti kong sabi.

Ngumiti lang sya at nagiwas ng tingin. What's wrong with this girl? Pansin ko ang pagbabago nya nitong mga nakaraang araw. Hindi sya sumasabay mag-lunch sa akin tuwing dadaanan ko sya sa kanila ay sasabihin ni Tita na wala na at nakaalis na, sabi nya lagi nasa library sya pero kapag tinignan ko naman wala sya madalas din sa sa cafeteria na hindi ko maintindihan dahil hindi naman sya palabili sa canteen dahil hindi nya gusto ang pagkain. Nagtataka nga din ako nung isang gabi nung bumili ako sa may tindahan sa kabilang kanto mukhang naengkanto yata ako't may kamuka si Renaissance na bumama sa kotseng toyota na kulay dilaw- yung latest model sayang at hindi ko kaagad nakita at nawala ito. Weird nakakapaghinala ang alam kong may kotseng dilaw dito sa school it's either mga Galvez na boys or Alvarez. Dahil ang kotse ng magpipinsan ay mga light ang kulay at hindi toyota mga naka-porsche sila at BMW.

"Ah! Einar. Kilala mo ba si Norman Galvez?." Kunyaring tanong ko sa kanya.

Alam kong kilala nya sana ay huwag mali ang hinala ko. Para naman syang nagulat sa aking tanong at nag-iwas nanaman ng tingin. I smirk when i saw her shaking, i knew it. She's hiding something from me kilala ko si Einar at galaw palang nya ay alam ko na kung ano ito.

"H-ha? Kapatid ni Northon diba? Anak 'yon ni Dra. Noreen isa sa mga suki ni Mama sa mga paninda nya."

Tsk. Ako pa talaga ang niloko ng Gaga. Alam kong kilala nya si Norman at alam kong naglilihim sya sa akin.

I arched my brow. "Alam mo ba kung anong kulay ng kotse ni Norman? Balita ko may bagong kotse sya."

Kumunot ang noo nya pero agad ding tumiwid. "Dilaw yata, nakita ko nung isang araw sa may parking lot." Ha!
Tsk.

"Umamin ka nga sa akin Renaissance, may something ba sa inyo ng kapatid ni Northon." Pag-susususpetsya ko.

Iba talaga 'eh. Paanong magiging sila ng Galvez na 'yon hindi naman pumapatol yon sa mga kagaya naming outcast para sa school na ito. Ayoko ding masaktan si Einar sa huli kaya habang maaga pa ay pinapayuhan ko na sya. Kilala ko si Einar kapag nagmahal sya , mahal nya at kapag nasaktan sya hindi ko alam kung kaya nya pang bumalik sa dati. Sa totoo lang natatakot ako takot na takot akong mahulog sya sa Galvez na iyon dahil baka kapag iniwan sya nito mawasak sya ng wasak na wasak at hindi na ulit bumalik sa dati. Ayokong mangyari ang araw na iyon.

"H-ha? Bakit naman magiging kami ni Norman hindi naman kami close duh!". It's not a question pero parang napaka-defensive nya.

Nang tumunog ang bell ay kaagad nag-sitayuan ang mga estudyante hudyat na lunch break na. Napatingin ako sa dala-dala kong lunch box na ibibigay ko sana kay Jeriel kanina pero dahil tinamaan ako ng matinding hiya ay hindi ko na naibigay pa. Kadalasan kasi syang nasa may malapit sa milktea shop kasama ang mga pinsan at kapatid nya. Kaya napag-isipan kong doon ko nalang sya pupuntahan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing An Endless DreamWhere stories live. Discover now