Chapter Two

40 4 0
                                    


"Aries! You naughty dog! What have you done?!" Yumuko na si Aries at napa-whimper sa pagtaas ng boses ko.

After showing me his "paawa" dog eyes, itinaas niya ang ulo niya na parang may pinapakita siya sakin. Dito ko na napansin yung kumikinang na bato na bitbit niya gamit ang bibig. "And what the heck is that?"

The golden retriever excitedly whimpered. Pinakita niya ang batong kanyang bitbit.

I gasped at how ridiculously thick, heavy, and sturdy it is. It's a shiny green emerald that kind of looks like a crown jewel.

Paano kaya ito nabitbit ni Aries? At saan kaya ito nanggaling?

"Ano hong problema natin dito, ma'am?" A middle-aged man was walking towards us as I internally questioned my dog's actions.

"Ah, wala lang po, manong. Nilalakad ko lang po yung aso, tapos bigla pong nawala yung isa, eh nung nakita ko siya..." I trailed off weakly. Hindi ko alam kung papaano ko ie-explain ang ginawang kalokohan ng pasaway kong aso.

Ininspeksyunan ni manong ang malalim na lupang nahukay at pati ang kriminal na may gawa nito. Finally, nasagot din ang tanong kung saan nanggaling ang batong bitbit kanina ni Aries.

"Aba, mukhang nasiyahan yung isa mong asong bumungkal dito ah."

"Pasensya na po, manong. Kasalanan ko po, hindi ko siya nabantayang mabuti kanina. Tulungan ko na lang po kayong maghukay at maglinis."

"Naku, wag na. Ayos nga eh, para may magawa naman ako dito. Masaya akong wala sila masyadong dinadalang mga bangkay dito at hindi ko kailangang maghukay ng maghukay. Pero nakakatamad din minsan pag matumal ang trabaho."

Pinanuod ko si manong na ibalik ang mga nakakalat na lupa sa pinaghukayan ni Aries. There was a brief moment wherein I felt envious of how easily he handled this peculiar situation. If I were him... I'd probably lose my cool first before taking action.

"Hmmm." Napahawak ng baba si manong habang nagiisip.

"Err, bakit po?"

"Wala, nakakamangha lang kung papaano nahukay ng aso mo ang ganito kalalim. Naabot pa niya yung casket ng nakalibing dito."

"Hindi ko nga alam kung maiinis ako o magiging proud." I gave Aries a stern, cold glare.

"Di kaya may gusto siyang nakawin sa loob ng casket?" Tumawa si manong. "Joke lang, miss."

"Ahh... hahaha..." I let out a nervous chuckle. Hinigpitan ko ang hawak sa batong hinablot ko sa bibig ni Aries kanina.


An hour later, hawak ko pa'rin ang kulay berdeng bato na ito.

"What have we done?" I sighed. We finally made it home without encountering any other scary confrontations or unexpected events.

"Nakakaloka ka, Aries! Kelan ka pa natutong gumawa ng gano'ng klaseng kalokohan, ha?"

Lahat ng mga zodiac dogs ko, nakapaligid sa amin ngayon. Now this is a first. I can see that they're getting restless or jittery. Sa tuwing may napapagalitan ako, ang madalas na napapaligiran nila ay si Pisces or si Scorpio or both. I guess they never would've expected to see Aries being reprimanded for misbehaving this time.

Once again, Aries whimpered like he wants to say "sorry" in doggy language. This was his first attempt to make me cuddle him like he didn't just besmirch a dead man's grave.

"No, hindi mo ako mauuto sa paganyan-ganyan mo."

When I showed no signs of giving in, dumapa siya at tinago ang kanyang ilong habang nakatingin sa taas ang kanyang mata. Eto ang second attempt ni Aries para patawarin ko siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wherever you will goWhere stories live. Discover now