Agad kong cli-nick ang video at lumapit ako sa laptop screen, waiting in anticipation for the video to load.

"Hello guys, welcome back to my channel. I have a new original piece that I will sing just for you..." Halos hindi ko na marinig ang kasunod niyang sinabi dahil napatili ako habang nakatakip ang bibig.

"...Let me know what you guys think in the comments section, and of course, don't forget to like this video and smash that subscribe button— if you're new to my channel." The gorgeous fool said, winking seductively at his viewers. The nerve of him.

I think I just died and went straight to heaven after hearing him sing the first verse. I was just starting to tear up because of— oh my God, that mesmerizing voice, nang napatulala ako dahil parang pamilyar ang lyrics ng kinakanta niya.

That song. The song he's singing right now. That's the song that I wrote for him.

Back then, noong abot kamay ko pa siya. Binigay ko ang parte ng puso ko sa kanya sa pamamagitan ng pagsulat ng awitin.

"Vice, uy, andito ka pala." Natagpuan ko siya sa ilalim ng puno sa may kabundukan, may hawak na gitara at nakaupo sa malaking bato.

"Hey, Karylle." Bati niya.

"Sisipra ka?" Tumabi ako sa kanya.

"Magja-jam lang. Humuhugot ng inspiration from the humming of the trees." Tumingin siya sa malayo na parang meron siya roong tinatanaw.

"How poetic. Ay, tamang tama. May ibibigay ako sa'yo." Inabot ko sa kanya ang isang crumpled piece of paper.

"What's that?"

"Some— some kind of material. I-In case maubusan ka ng inspiration sa pagsusulat ng songs. You could use that."

"You know na malabong mangyari 'yan, Karylle. I will never run out of inspiration to create good music. Music flows and resides within my soul, mind, and body. But thank you, my friend. I will treasure this gift forever."




Kinabukasan, may lakas na ulit akong bumangon ng maaga at maglakad sa labas kasama ang mga adorable babies ko. Aries, Capri, Libra, Gemini—with the addition of Scorpio and Pisces, two of my oldest rescue dogs.

Nagpapasalamat ako na si Aries, Scorpio—na isang Siberian Husky at Pisces—na isang malaking askal, ay kayang maglakad sa tabi ko ng walang tali. Todo alalay naman ako sa tali nila Capri, Libra at Gemini dahil sila yung tipo ng mga aso na kumakaripas ng takbo kung saan-saan at madaling maligaw sa maraming tao.

Dumaan kami sa malapit na memorial park, kung saan nakalibing ang yumao kong mga magulang.

Sa harapan ng puntod nila, nanalangin muna ako bago sila kausapin. "Hi ma, hi pa! Graaabe. It's been two years since kinuha kayo ni Lord. Time's hands crawl forward a little too fast, don't you think?" Mula sa 'di kalayuan, natanaw ko ang malusog na Husky  na nagpagulong gulong sa damuhan.

"Do you remember nung na-rescue natin si Scorpio sa naabandunang bahay kasi namatay ang nag-iisang amo niya at ilang weeks siyang buto't balat at walang makain? Ngayon, hindi mo na siya makilala sa sobrang taba." Natawa ako at napatingin kay Pisces na tinatahulan ang mga ibon sa grassy field.

"At naalala mo nung may nag-offer sa'yo papa na ampunin ang isa sa mga na-rescue sa illegal dogfight? You didn't even think twice na ampunin ang may pinaka-maraming galos at bite marks sa kanila at pinangalanan mo s'yang— Pisces." Wala ng bakas ng sugat at pagkatuklap ng balat ang ngayong makinis na balat ni Pisces.

"I guess I just wanna to say thank you. Kasi kung hindi dahil sa inyo, hindi sana nakaranas ng masayang tirahan ang mga asong ito." Ilang segundo akong natahimik, pinag-isipan ang susunod kong sasabihin.

"Sorry kung hindi pa ako makasunod sa inyo. Kahit gustong-gusto ko na makasama kayo ulit. I couldn't just leave them alone. They need me. They could not survive without me, this I know for sure."

I choked back my tears, trying not to lose it in public. "I didn't stop loving them and caring for them even after you passed away, nadagdagan pa nga sila ng tatlo eh. And Aries is..."

Aries is—siya ang masasabi kong nakaranas ng pinakamatinding pagdurusa sa kanila.

Nakaupo ako sa bench ng memorial park habang pinagmamasdan ang nakahigang si Aries sa paanan ko.

Baby pa lang si Aries nung namatay si mama at papa. 3 months pa lang siya, nakakalbo na ang katawan niya sa galis, sugat at paso ng yosi mula sa sadista niyang amo. Nag-rerecover pa lang siya nung natagpuan ko siya sa dog pound. Ang sabi nila, nakatakas daw siya sa amo niya at dinala siya doon ng nakakita sa kanya. Halos ipagsiksikan niya ang sarili niya sa dulo ng kulungan, 'ni hindi manlang siya maka-iyak o makatingin sa akin.

Tumingala sa akin si Aries na para bang alam niyang inaalala ko ang nakaraaan. Minsan, naiisip ko na parang tao rin siya mag-isip. He's loyal and loving like most dogs, but he's caring to a fault. He knows when I'm sad and not eating. He's always the first one to cheerfully greet me in the morning especially after a breakdown.

Maybe this is why I love rescue dogs so much, ibang klase kasi sila magsukli ng pagmamahal.

Mula sa pagkakatingala, lumingon si Aries sa direction ng lalaki na naglalakad papalapit sa'min. It seems that he has also caught the stranger's attention, kasi napatingin din siya kay Aries. Pagkatapos, lumipat naman ang tingin niya sa akin. It lingered for a while at binagalan niya ang lakad niya habang nakangiti sa akin. Mukhang hihinto na sana siya sa akin para magpakilala nang tinahulan siya ni Aries like he's a stranger danger. Lumayo agad yung lalaki sa akin dahil napansin niyang hindi nakatali ang 24 inches and 75 pounds na Golden Retriever sa harapan niya.

"Sooo overprotective." Hinimas-himas ko ang tenga ni Aries. "Sayang, he was kinda cute." Bulong ko sa sarili.

Hinayaan ko lang silang gumala-gala while I read my 'How to be a graphics designer without losing your soul' book for inspiration.

I let myself get lost in the pages of the book until half-past three. It's getting late and I'm getting hungry. I called out their names and they hastily came back to me. All except for Aries, which is weird. Usually, he's the first one to come running when I holler. Tinawag ko lang siya ng tinawag pero 'ni tahol ay wala akong narinig sa kanya.

Feeling anxious, I started to frantically search for my boy. Naglakad-lakad ako habang sinisigaw ang pangalan niya. Nagmukha tuloy kaming search party para kay Aries dahil sa mga asong nakasunod at nakapaligid sa akin. Finally, I heard him bark as I reached the farthest corner of the park. It's oddly cold, dark, and quiet here. The moldy gravestones, untrimmed weeds, and discolored leaves don't look too inviting. Agad siyang tumakbo papalapit sa'kin noong nakita niya akong nakapamewang sa kanya.

"Aries! Saan ka na naman nagsusuot, ha?" Bumaba ang tenga niya habang nakatingala sa'kin. "At bakit punong-puno ka ng putik sa paa?" Hinanap ko kung saan nagmula ang trail ng putik na iniwan niya at—

Oh my god. Hinukay lang naman ng magaling kong aso ang isa sa mga libingan dito. I am rendered speechless at this, he has never behaved this unruly and impulsive before.

"Aries! You naughty dog! What have you done?!" Yumuko na si Aries at napa-whimper sa pagtaas ng boses ko. Dito ko na napansin yung kumikinang na bato na kagat-kagat niya sa kanyang bibig. "And what the heck is that?"

...

End of Chapter One

Wherever you will goOnde as histórias ganham vida. Descobre agora