Chapter 36

218 21 0
                                    

Sheena's pov

Ang sakit ng tainga ko don ah! paano pinatay ko yung TV dahil wala ako makinig gawa ng sigaw ng sigaw ang mga lalaki at babae dito samantalang si Cindy ay tawa ng tawa.

Nung sumigaw si Carrissa ay nagtahimikan ang mga loko.

Nag kaakitan ang Kingstern na icheck ang mga lugar kung saan gaganapin ang College Intrams and paalala ko lang bukas na yon.

Ako ang nag lock ng dorm namin at sabay sabay kaming mag uli sa buong University.

Katabi ko ngayon si Carrissa at ang magkatabi namang maglakad ay si Cindy at Zari.

Nag kwentuhan lang sila ng anek anek at wala akong maintindihan kasi wala naman akong interest sa pinag uusapan nila oi! paalala lang hindi ako KJ ha! wala lang sa mood makipag usap ganon!

Buti dala ko yung earphones ko kaya nagpatugtog nalang ako habang pinagmamasdan yung mga tents para sa booth.

Nagugutom na koooo!!!

"Ah guys aalis muna ako may pupuntahan lang ako babalik din ako kaagad" sabi ko sa kanila.

"Sige tatawagan nalang kita kapag hindi ka namin mahanap" sabi ni Carrissa.

Tumango lang ako at tumalikod na sa kanila.

Dali dali ako pumunta sa canteen kasi agutom na me eh.

Nang makarating ako don bumili na ako ng hatdog sandwich at isang C2.

Nang paalis na ako minamalas nga naman ata ako.

"What's that? looks cheap" sabi nitong si gianna

A/N: kung hindi niyo siya natatandaan balik kayo sa Chapter 26.

"Ano tawag dito? bulag kaba edi syempre pagkain" sabi ko.

"You know umatras ka na lang hindi mo kami kaya right girls?" sabi nanaman nitong gianna na toh at tumawa naman ang mga alipores niya.

"Bat ako aatras kung kaya ko naman kayo?" sabi ko at ngumisi dahilan ng pag init ng ulo niya hahahaha.

"Kaya huh?" sabi niya at nagulat ako ng danggilin niya yung hotdog sandwich ko tapos kinuha niya yung C2 ko tapos binuhos niya sakin ng matapos yun ay nakarinig pa ako ng tawanan.

"Inaano ba kita?!" sigaw ko hindi na ako nakapag pigil ng galit ko.

"Inulit ko na diba? sabi ko sayo umatras kana dahil hindi mo kami kaya" sabi niya.

"Inulit ko din diba? sabi ko sayo hindi ako aatras dahil kaya ko naman kayo" panggagaya ko sa tono niya.

At ayon na nga po sinugod nako hehehehe goodluck sakin.

Hinawakan ako nung dalawang Blairs sa tigkabila kong braso at naka abot naman ako ng isang sampal kay Gianna.

'Infairness malakas din pala tong babaeng toh manampal lagot ka sakin mamaya'

Pilit kong tinatanggal yung hawak nila sa akin at nang maka alis ako ay kinuha ko na ang pagkakataon para masuntok yung isa sa humawak sakin.

May nagakalang susuntok sa akin pero nahagip ng kamay ko ang kamao niya at pinilipit hanggang umiyak siya sa sakit.

"You have the wrong move b*tch!" sigaw ni gianna at sumugod na nga sa akin.

May isa pang babae na sumugod sakin kaya sabay silang sumugod sakin pero ang una kong hinarap ay yung isa niyang alipores.

Agad ko siyang sinikmuran kaya napa luhod siya habang hawak niya yung tiyan niya at na aray.

Lilipat na sana ako ng tingin kay Gianna pero pag tingin ko ay may sumalubong na suntok sa muka ko.

'Nyeta ka Gianna!'

Naramdaman kong may sugat na ang labi ko at nadugo na din ang ilong ko.

Susugod muli sana siya pero may humarang sa kamay niya at tiningnan ko kung sino iyon.

'Vince...'

"Get your f*cking hands off" galit na sabi ni Vince kay Gianna.

"V-Vince... V-vince s-sinaktan niya a-ako..." sabi ni Gianna.

'Geh arte lang!'

Bahala silang dalawa jan! umalis na ako at naglakad na lang papunta sa tambayan ng Kingstern.

Umupo ako don at nag suot na lang ng earphones at nagpapatugtog, pinunasan ko din ang ilong ko dahil may tumutulong dugo.

Humiga ako sa ilalim ng puno at tinakpan ko na lang ng aking braso ang mga mata ko at pumikit na lang.

Pero may humigit sa aking kamay paupo at hinigit paalis ang aking earphones.

"Bakit ba?!" sigaw ko sa kaniya.

"May sugat ka oh! gagamutin ko!" sigaw ni Vince sa akin sabay turo turo sa mga sugat ko sa mukha.

"Ok lang naman ako! hindi masakit!" sigaw ko muli at tatayo na sana pero hinigit muli niya ako at diniinan ang pag lagay ng bulak sa aking sugat.

"Aray! nananadya ka noh?!" sigaw ko muli sa kaniya.

"Napapala mo!" sigaw din niya sa akin.

Habang ginagamot niya ako may biglang nag flashback sa isip ko.

~Flashback~

"Habulin moko!" sigaw ng isang batang babae habang na takbo.

"Huwag daw tayo lalayo! bumalik ka dito!" sigaw naman ng isang batang lalaki.

"Habulin-" hindi na natuloy ang sinasabi ng batang babae dahil nadapa na siya.

"Sheena!" sigaw ng batang lalaki at dali daling tumakbo papalapit sa batang babae at tinulungang tumayo.

"Ok lang ako habulan na ulit!" masiglang sabi ng batang babae.

"Nadugo yung sugat mo oh! umayos ka susumbong kita!" sigaw ng batang lalaki.

"Vince naman eh wag mo ko sumbong! lagot ako kay mama! Aray! sinasadya mo naman eh! " sigaw ng batang babae dahil diniinan ng batang lalaki yung bulak.

"Napapala mo yan!" sigaw ng batang lalaki.

~End of Flashback~

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit.

"Ang sakit..." bulong ko.

'Sino ba yung dalawang bata ano daw? Vince at Sheena? Ako?'

"Ayos ka lang?" tanong ni Vince sa akin.

"Mag.... mag kakilala ba tayo noon?"

Squad Fight(Harvard University series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now