Chapter 34

210 20 0
                                    

Zyde's pov

Nasa salas kami ngayon at uminom lang kami ng kape.

Hindi ko pa din alam kung bakit nandito si Althea ngayon.

"Iha bakit ka nasa kwarto ko kanina?" tanong ni Mommy.

"Naghahanap po ako ng impormasyon kung sino ang bumaril sa kapatid ko" sabi ni Althea.

"What?! is she ok now?" tanong muli ni Mommy.

"Yes Mom don't worry the operation is successful and si Yuan and a friend of mine ang umopera sa kaniya" sabi ko.

"Hindi ko na nakikita ang kapatid mo kamusta na siya?" tanong ni Dad sa akin.

"He's fine always crazy" sabi ko at tumawa naman si Mommy.

"Hindi namin maiiwasan na kami ang pagdudahan mo sa nangyari sa kapatid mo pero maniwala ka matagal na naming kinalimutan at binigay ang kalayaan niyo Iha... matagal na din kaming nag sisisi sa nangyare at alam kong hindi sapat ang paumanhin ko pero patawad Iha matagal na kong paulit ulit na humihingi ng tawad" sincere na sabi ni Dad at alam ko na lang ay umiiyak na si Althea.

"B-bakit niyo po n-nagawa yon? sobrang bait po ng mga magulang ko..... mahal na mahal ko po sila pero namatay po sila ng maaga tito... paulit ulit kong sinisisi ang sarili ko dahil sa buhay namin ni Cindy ngayon at hindi po nakakatagal ay may kumuha po samin ni Cindy at iyon ay si David.. tito tita hindi ko kaya kapag nawala din ang kapatid ko.. hindi ko masisigurado kung mananatili kaming ligtas araw araw... " sabi ni Althea at umiiyak pinapatahan naman sya ni Mom.

"Iha shhhh I'm very very sorry... don't worry kami ang bahala sa inyo papanatilihin namin kayong ligtas but for now sasama kami sa inyo pabalik sa University para mabisita din namin si Cindy" sabi ni Mommy.

"And Zyde take her to your room don siya matutulog" sabi ni Mommy.

"But Mom! meron tayong guest room" sabi ko.

"No buts! goodnight sweetie" sabi niya at hinila si Dad para maka akyat na naiwan tuloy kami dito dalawa.

Umakyat na kami sa taas at humarap siya sa akin.

"Don't worry sa guest room nalang ako" sabi niya at akmang tatalikod na sana pero hinila ko muli siya.

"No papagalitan ako ni Mom kapag hindi ko siya sinunod" sabi ko at pumasok na sa loob ng kwarto ko at narinig ko namang pumasok din siya sa loob at sinara ang pinto.

"I'll sleep on the sofa" sabi ko at kumuha ng isang unan at kumot sa cabinet ko saka humiga na.

Hindi naman siya umimik at humiga na din sa kama.

"Zyde..." sabi niya kaya lumingon ako sa kaniya pero nakatalikod siya sa akin.

"I'm sorry.... and thank you" sabi niya.

"For what?" tanong ko.

"For everything" sabi niya.

"It's always fine Althea and sorry kasi hindi kita na ligtas non" sabi ko.

"Mas malakas kasi ako sayo eh hahaha but ok lang atleast naka takas naman kami" sabi niya.

'Hingang malalim Zyde.... sasabihin ko na ba? aishhh kinakabahan ako slight ang torpe mo Zyde hu! ok na 1..2...3 go!'

"Althea can I court you?" sabi ko narinig kong napabalikwas siya sa higaan kaya natawa ako.

"H-huh? sigurado ka ba?" tanong niya.

"Yeah I'll court you no matter what hanggang mapunta ka muli sa akin and I promise hindi na kita papakawalan" sabi ko.

"S-sige p-payag akong l-ligawan mo ako..." sabi niya kaya napangiti ako ng lihim.

"Goodnight sweet dreams" sabi ko at unti unti na akong naka tulog.

~Kinabukasan~

"Aray!" nahulog ako dahil may humampas sa akin ng unan at sasamaan ko sana ng tingin kung sino iyon pero pinigilan ko ang sarili ko.

"What?! anong oras na Zyde Aiden! tanghali na gumising kana you sleepy head!" sabi ni Mommy at padabog na sinara ang pinto.

Tumayo na naman ako at naligo na at ng matapos ako ay ngayon ko lang napansin na wala pala si Althea sa kama kaya dali dali akong nagbihis ng short at t shirt saka bumaba sa hagdan.

"Mom asan si Althea?" tanong ko.

"Nasa garden" sabi niya.

Aalis na sana ako pero tinawag ako muli ni Mommy at pinalapit ako sa kaniya.

"Hoy Zyde Aiden kayo ba ulit ni Althea?" tanong niya at lumaki ang mata ko sa gulat.

"No! n-no hindi pa n-nililigawan ko palang po" sabi ko.

"Hey! ang bagal mo naman?! aishh go na shoo tawagin mo na si Althea at sabihing mag lulunch na!" sigaw niya sa akin kaya pumunta na ako sa garden at naabutan ko siyang naka upo don at naka tulala.

"Hey good morning" nahihiya kong sabi sa kaniya amputs!

"G-good morning den" sabi niya.

"Tara na kakain na daw" sabi ko at tumayo naman siya at sabay kaming pumunta sa kusina at nadon na din pala si Dad na nag babasa ng dyaryo.

"Good morning Dad" sabi ko sa kaniya at umupo na.

"Anong good morning tanghali na" sabi naman niya.

"Iha kain na ikaw gusto mo ba nitong adobo? masarap yan!" sabi ni Mom.

Tiningnan naman ako ng matalim ni Mommy at isenesenyas na bigyan ko si Althea nung adobo.

Kinuha ko yung adobo at pinag lagyan siya sa plato niya.

Kumuha din ako ng adobo tapos kumuha ako ng chicken at nilagyan din siya at sarili ko.

Nag simula na kaming kumain at maya maya ay nagtanong si Althea.

"Uhh kelan po tayo uuwi?" sabi ni Althea.

"Mamayang pahapon may tatapusin pa kasing meeting ang Tito mo" sabi ni Mom.



Squad Fight(Harvard University series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now