Chapter 15

361 22 0
                                    

Zari's pov

Hiiiii kwekwentuhan ko kayo hshshs.

Sobrang pag aalala ang nangyayari samin nina Carrissa at Sheena hindi kami mapakali sa isang katayuan.

Hindi paring balita samin sina Zyde.

Nandito kami ngayon natira sa salas ang mga naiwan.

Tahimik ang mga lalaki samantalang nag aalala kaming tatlo.

Nakarinig kami ng busina sa labas kaya dali dali kaming lumabas upang makita kung anjan na sila.

Excited kaming lahat lumabas sa pinto habang naka ngiti.

Dahan dahan nawala ang mga ngiti ko.

Wala sina Althea sa kotse.

Bakas din sa mukha ni Zyde ang pagkalumo at ganon din ang mga kasama ko.

Unti unting pumatak ang mga luha ko.

Bakit nanaman nangyayare sa amin ito?

Habang naiyak ako ay nakaramdam ako na may yumakap sa akin.

"Z-zeph...." gulat at lungkot kong sabi.

Hindi siya umimik at patuloy parin akong niyayakap.

Ang bigat ng pakiramdam ko.

Umakyat kami nina Carrissa dahil kailangan na daw namin mag pahinga sabi nina Yuan.

Paakyat kami ng hagdan at wala parin ni isa sa amin ang umiimik.

Nang maka pasok kami sa kwarto ay nahiga na kami.

Naririnig ko parin ang iyak ng dalawa.

Alam kong kailangan nila ng oras para sa sarili nila at yon din ang kailangan ko.

Maya maya ay sinilip ko yung dalawa at natutulog na sila.

Tumayo ako at kinumutan ang dalawa.

"Pasensya na at wala akong magawa dahil ang hina ko..." bulong ko sa kanila.

Kinakabahan ako kung ano na ang nangyari sa dalawang yon at hinihiling ko na sana ay ayos lamang sila.

Hindi pa ako nakakaramdam ng antok kaya lumabas muna ako sa kwarto namin at bumaba ako.

Madilim na at mukang tulog na ang lahat.

Dumaan ako sa likod ng mansion para hindi masyadong maingay.

Naglakad lakad ako hanggang sa marating ko ay tabing dagat.

Tanging alon ng dagat lamang ang naririnig ko at ang mahinahon na hangin na dumadampo sa aking muka.

Ang sarap sa pakiramdam.

Pinag mamasdan ko ang bilog na buwan at ang madaming kislap ng mga bituin.

Umupo ako sa buhangin at niyakap ang aking mga tuhod.

Naka pikit ako at pinapakiramdaman ang mga alon.

"Sana ay ayos lamang sila" bulong ko habang naiyak.

"Huwag kang mag alala at mahahanap natin sila"

Agad akong lumingon kung sino ang umimik.

Umupo siya sa tabi ko at pina sandal ako sa balikat niya.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ni Zeph.

"Hindi pa ako inaantok at gusto ko pa mag isip" tanging nasabi ko.

"Ikaw ano ang ginagawa mo?" tanong ko muli.

"Papasok na sana ako sa kwarto ko ng makita kita na pababa, sinundan kita ng tingin at nakita kitang naka upo dito" ani ni Zeph.

Tumango na lamang ako at nanatiling luhaan.

Nagulat pa ako ng iharap niya ako sa kinaya at pinunasan ang mga luha ko.

"Hindi ko kayang makita kang umiiyak" sabi ni Zeph.

"Tss.. huwag mo akong bulahin at hindi ko nakakalimutan ay ating naging laban" sabi ko.

"hahahahahahahahahahahahaha lol nakakatawa hahahaha" parang baliw na sabi ni Zeph kaya natawa din ako.

"Psh para kang baliw" sabi ko.

~Flashback~

"Parang awa mo na kailangan ako ng mga kaibigan ko" sabi ko habang naiyak.

"Huwag kang umiyak hindi ko kayang makita kang umiiyak" sabi niya.

~End of Flashback~

"hahahaha hindi ko makakalimutan yung galit na galit ka kay Scarlet nung hinarang kayo hahahhaha" sabi ulit ni Zeph.

"Psh pano kasi eh nakaka irita siya ang laki laki ng daan tapos hahara" sabi ko.

"Christian Zeph Cruz" sabi niya at inabot ang kanyang kamay sa akin.

Ang pogi ng pangalan niya hihihihi.

"Z-zar-" naputol na sabi ko.

"Zari Mae Alvarez" dugtong niya sa sabi ko.

"I know you too well" ngising sabi niya at tumayo.

A-alam niya buong pangalan k-ko?

"H-hoy! intayin mo ko!" sigaw ko at tumakbo papalapit sa kaniya.

"P-pano mo n-nalaman buong p-pangalan ko?!" takang tanong ko.

"Secret hahahahahahahahahaha" tawa niya.

Ayan nanaman ang nakakalokong tawa tsk.

Pumasok na kami sa loob ng mansion nakita ko pang ni lock niya ang pintuan sa likod.

Sabay kaming umakyat sa hagdan.

Papunta na sana ako sa kanan ng bigla niyang hinigit ang aking braso.

Gulat akong napa tingin sa kaniya.

K-kiniss niya a-ako..... sa p-pisnge....

Oh my God...... Oh my God!

Mas nagulat ako sa kaniya at nakaramdam ng hiya tsk.

Batid kong sobrang pula ko ngayon.

F-first k-kiss ko....

"G-goodnight" sabi niya at tinalikuran na ako at pumasok sa kwarto niya.

Lutang ako habang palakad sa kwarto namin nina Carrissa.

Nahiga ako sa kama ko at nag tabon ng unan.

"Wahhhhhhhhhhh!" sigaw ko habang naka tabon ng unan.

"Wahhhhhhhhhh hindi pwedeeeeee!" sigaw ko pa.

Huhuhuhu anong gagawin ko bukas?!

Pano ko siya kakausapin?!

Nahihiya akoooo!

Pano kung tanungin ako nina Sheena?!

Hindi! hindi ko sasabihin sa kanila!

Secret ko lang toh!

K-kami na ba?

Inis akong umayos ng higa at natulog.

Squad Fight(Harvard University series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now