Chapter 44

210 18 0
                                    

Zyde's pov

This is bullshit! naiwan kami dito sa University dahil kailangan naming maglarong lima samantalang yung limang babae ay naka sunod parin sa Blairs.

I don't have any clue that Blairs are one of our enemies.

Sa side na ito kaming Kingstern ang pinaka una at pinaka malakas samantalang pangalawa ang Gunner at pangatlo ang Blairs.

Plinano nila ang lahat lahat at naiinis ako dahil hindi ko manlang na halata ang mga iyon.

Pero wala akong ibang magagawa kundi mag focus sa larong ito para maka alis na kami at para masundan ang Blairs.

"Ano? kaya pa?" tanong ni Yuan sakin.

Malapit na matapos ang larong ito kaya naman medyo pawisan na ako.

"Kaya pa" sabi ko at tumakbo kung nasaan ang bola at nagwagi akong maagaw ang bola at tumakbo para mashoot.

Nang mashoot ko ang bola ay nakipag apir ako kay Yuan at binalik ko ang tingin ko sa naagawan ko ng bola na masamang nakatingin sa akin kaya nginisian ko na lamang siya kaya mas lalong nainis.

"Hindi ka parin pala nadadala ano?" tanong ko sa kaniya.

Nginisian niya ako at nagsalita.

"Hindi ako mapapagod na paulit ulit kang talunin Cruz" sabi niya.

"Sige bahala ka pero wag mo akong sisisihin kapag nangyari muli sayo ang hindi mo inaasahan boogsh" sabi ko at tinawanan siya saka tinalikuran.

Nagpito naman ang referee kaya lumapit na kami sa kaniya at pinasa naman niya sa akin ang bola kaya pumwesto ako papunta sa ilalalim ng ring at pinasa kay Vince ang bola.

Nasalo naman niya ito kaya tumakbo siya papunta sa kabila at pinasa kay Hanz.

Tumakbo naman ako para makalapit sa kanila at nakita kong hinaharangan si Hanz kaya pinasa niya ito kay Zeph.

Pupunta sana ako para makalapit sa ring ng harangan ako ni boogsh kaya hindi ako maka alis.

"Pano ba yan kung hindi kita magagantihan isa nalng sa inyo ang sisirain ko" sabi niya kaya nilipat ko ang tingin kay Zeph na pilit pinoprotektahan ang bola.

Masyadong matangkad ang humahara sa kaniya kaya hindi niya ito maipasa ng maayos.

Nakita ko namang ngumisi ang matangkad na iyon at tiningnan ko ang mga kamay niya kaya sumigaw ako.

"ZEPH ILAG!" sigaw ko pero huli na ang lahat at nasiko na nung matangkad si Zeph sa tagiliran kaya nabitawan niya ang bola sabay pagpito nung referee.

"Sa susunod Cruz" tawa niya sabay alis sa harapan ko.

Tumakbo naman ako papalapit kay Zeph na inaasikaso na ni Yuan.

"Malakas yung pagkaka siko nung lalaki sa kaniya kaya nawalan siya ng balanse at nagkaroon ng pasa" sabi ni Yuan kaya tiningnan ko ang tagiliran niya at nakita ko nga ang pasa na medyo na vavoilet na.

"Tara sa clinic para lagyan ng benda yan" sabi ni Yuan at tinayo si Zeph kaya tinulungan naman ni Vince si Yuan na akayin si Zeph.

"Coach foul yun" sabi ko sa referee habang nasa likod ko si Hanz.

"Wag kayo mag alala disqualified na sila kaya panalo na kayo" sabi nung referee kaya umalis nalang kami ni Hanz para sundan sina Yuan sa clinic.

"Kanina ko pa napapansin ang grupong iyon na nandadaya, kanina ay tinapilok ako nung isa" sabi ni Hanz.

"Hindi kapa na sanay sa grupo ni boogsh" sabi ko kaya natawa siya.

Nang nakapasok kami sa clinic ay naabutan naming maayos na nalagay ang benda kay Zeph.

"Ano ok kana? sasama kapa ba samin mamaya?" tanong ko sa kaniya.

"Syempre oo! hindi nanaman masyadong kumikirot" sabi niya kaya tinanguan ko lang siya.

"Saglit natawag si Althea sasagutin ko lang" sabi ko sa kanila kaya nagsi ayieehan ang mga baliw kaya lumabas na ako.

"Hello?" tanong ko.

"Pauwi na kami, naisahan kami ng Blairs at nagwagi na nakatakas sa amin" sabi niya.

"Sige, nandito kami sa clinic tapos na ang laro panalo kami" sabi ko.

"Congrats pero bakit kayo nasa clinic may nangyari ba?" tanong niya.

"Oo si Zeph nasiko nung kalaban at malaki yung pasa kaya namin dinala sa clinic" sabi ko.

"Ahhh ok sige na bye see you" sabi niya at pinatay ang tawag.

"Oh ano sabi?" tanong ni Hanz pagpapasok ko sa clinic.

"Pauwi na daw sila natakasan daw sila ng Blairs" sabi ko.

"Mukang nakaramdam ang Blairs tsk" sabi ni Yuan.

"Pero gago talaga yung Celesteng yun! ang lakas magpanggap kung hindi siya nakinig sa pinag uusapan natin edi sana wala silang alam sa plano natin" sabi ni Vince.

"Posibleng may plano na sila sa plano natin at mas lalo tayong mahihirapan sa paghahanap sa kanila kapag sinabi nila ito sa red side" sabi ko.

"Blairs palang ang nahuhuli natin at marami pang mga traydor dito na hindi pa natin nahuhuli kaya mag ingat tayo sa lugar na pinag uusapan natin dahil baka pumalpak nanaman tayo" sabi ni Zeph.

"Oo tama kayo pwede kayong pumalpak kapag hindi niyo iniingatan ang mga sinasabi niyo sa mga publikong lugar" biglang sulpot ng isang babae na naka uniporme ng pang nurse.

"Shit! anong ginagawa mo dito?!" sigaw ni Vince.

"Hindi mo ba nakikita? nurse ako dito" sabi niya.

"Pero bakit hindi ka namin nakita nung pumasok kami?" tanong ni Yuan.

"It's simple, nakaharang ang kurtinang ito at naandito ako natutulog at hindi mo naman chineck kung may tao ba dito at nagising ako sa pinag uusapan ninyo" sabi niya muli.

"Siguraduhin mong hindi ka kasama sa mga traydor dito sa University na ito kung hindi ay ako mismo ang papatay sayo" sabi ko sa kaniya pero nginitian niya ako kaya kumunot ang noo ko.

"Tara na!" sabi ko sa kanila kaya dali dali silang apat na tumayo at sumunod sa likod ko pero natigil kami  ng mag salita ulit siya.

"Ingat kayo hindi niyo alam kung kelan susulpot si kamatayan" sabi niya.

Squad Fight(Harvard University series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now