Chapter 24

239 14 0
                                    

Yuan's pov

Kataka taka ang inasal ni Zari sa akin kanina pero binalewala ko na lamang yon.

Pumasok ako sa kwarto ni Vince at dala dala ko parin si Azy.

"Oh ano naman ang ginagawa mo dito?" masungit niyang tanong.

"Napadaan lang ako tsss" sabi ko.

Nilapag ko si Azy sa may bandang paanan ng kama.

"Sa tingin mo mahilig si Sheena sa mga pusa?" tanong niya.

"Hindi siguro kasi bihira niya hawakan si Azy eh lagi na lang ang may hawak kay Azy ay si Zari" sabi ko.

"Hindi kapa nakaka move on?" tanong ko at natigilan siya.

"Ang sakit ng katotohanan na hindi niya ako magawang maalala, siya lang ang minahal ko Yuan at nagsisisi parin ako kung bakit ko siya hinayaan umalis ng gabing yon ang tanga tanga ko" malungkot na sabi niya.

"Hindi mo kasalanan Vince dahil nandon din kami nung gabing yon, may panahon din na babalik ang alaala ni Sheena at nasisiguro ko iyon" mag sasalita pa sana ako ng may kumatok.

Tumayo si Vince at binuksan yon.

"Oh anong ginagawa mo dito Yuan? nakakapanibago ka pre ang weird mo!" sigaw niya at napasimangot naman ako kasi totoo si Zeph dahil ngayon lang ako naka pasok sa kwarto ni Vince dahil palagi akong nasa kwarto ko.

"Manahimik ka nga ang ingay ingay mo" suway ni Vince sa kaniya.

"Tinatawag tayo ni Kuya may sasabihin ata" sabi ni Zeph.

Tumayo kami at sumunod sa kaniya papunta sa meeting room.

Nakita ko na magkasama na sila ni Hanz.

"Ano ang pag uusapan?" tanong ko.

"Pina uuwi na tayo ng principal, kung hindi natin mahahanap ang dalawa ay wala tayong magagawa kundi ang bumalik na lamang" sabi niya.

"Ang tinik ng dalawang magkapatid na iyon kung magtago lalong lalo na si Althea" sabi ni Vince.

"Kinabukasan ay kailangan na nating umuwi kasama ng tatlong babaeng yon" sabi ni Hanz.

"Yon lang?" tanong ni Zeph animoy nababagot.

"Oo yon lang at pwede na kayong umalis" sabi ni Zyde at natawa kaming bumalik sa sarili naming kwarto.

Humiga na ako at natulog na lamang.

Kinabukasan

Maaga aga akong nagising ngayon dahil hindi ko pa naayos ang mga gamit ko.

Bumangon na ako at dumiretso sa cr upang maghilamos at mag toothbrush.

Nang matapos ako ay bumaba na ako sa kusina at naabutan ko sila na naka upo.

"Gisingin mo na yung tatlo" sabi ni Zyde.

"Really dude? why the hell me?"

"Just do it andami mong angal" sabi niya at tumawa naman ang tatlo.

"Psh" sabi ko at umakyat muli para gisingin ang tatlo.

Kumatok na ako ng pangatlong beses ngunit hindi parin nila binubuksan.

Napag desisyunan kong buksan ang pinto at ganon na lang ang kunot ng aking noo nang mapagtanto ang linis at ayos ng mga kama.

Binuksan ko den ang cr at nakitang wala sila don.

Bumaba ako at tiningnan sila ng walang imikan at nakuha nila agad iyon.

Tumayo sila at sumunod sa akin upang tingnan din ang kwarto nung tatlo at nagulat nga din sila ng makita kung gaano kainis ang kwarto na iyon.

"Umalis na sila" sabi ni Hanz.

"Tara na kailangan na natin bumalik at alam kong nadon na sila" sabi ko.

"Pero pano nila nalaman na kailangan na nila umuwi? tanging ang mga leader lang ng grupo ang pede makaalam non" sabi ni Zeph.

"Pumunta dito si Althea ng hindi natin alam" sabi ni Vince.

"Tingnan natin ang cctv" sabi ko.

Pumasok kami sa meeting room at tiningnan ang kuha ng cctv.

Kitang kita kung paano inakyat ni Althea ang lugar papasok sa kwarto nang tatlo at kitang kita din kung paano sila bumabang lahat.

"Kaya pala may kakaiba kay Zari kagabi nung naka usap ko" sabi ko at tiningnan naman nila ako.

"Kinausap ko si Zari para kuhain si Azy ngunit nag taka ako dahil parang kinakabahan siya at balisa ang katawan at alam ko na pala kung bakit siya nagkaganon" sabi ko.

"Maghanda na kayo at aalis na tayo maya maya" sabi ni Zyde.

Bumalik kami sa kwarto namin at nag impake.

Matapos iyon ay nagkita kita kami sa salas at nagpaalam don sa mayordoma na siya na ang bahala sa mansion.

Sumakay kami sa kotse ni Zyde at nagmaneho na siya pauwi sa University.

Ilang oras din ang nag daan at hapon na nang makarating kami sa University.

Sabay sabay kaming pumasok sa dorm namin para maligo at mag bihis dahil kailangan naming pumunta sa office ng principal.

Nang matapos ay nag tatampo si Zeph dahil pagod na daw siya biyahe at gutom na siya pero kailangan talaga namin dumaan sa office dahil may sasabihin samin ang principal.

Lumabas kami ng dorm at naglakad papasok sa office.

Naabutan namin siyang nagkakape.

"Maupo kayo" awtoridad niyang utos.

Umupo kami at nakinig sa kaniya.

"Tambak na ang inyong case kaya kailangan ko kayong pauwiin, naka uwi na ang grupo ni Althea at kompleto sila" sabi ni principal.

"Inaasahan ko po iyon principal, mauuna na po kami" sabi niya at lumabas na kami.

"Kyaaaaa naka uwi na sila girlssssss!"

"I miss you Zyde huhuhuhu"

"Lalo kang pumogi Hanz!"

"Ang cute cute ni Zeph hihihi"

"Hi Vince na miss kita"

"I love you Yuan!" sigawan nang mga babae sa University.

"Eto nanaman ang buhay ng mga gwapo hahahaha" tawa ni Zeph.

Squad Fight(Harvard University series #1) COMPLETED Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt