00:11

70 1 0
                                    

"Pre, tulala ka na naman. Ano na naman bang ginagawa mo dito sa Lagoon? Ang baho-baho dito eh..."

"Hindi pa rin siya nagpaparamdam sa akin, Jerry."

"Alam mo pre, bumalik ka na lang sa laro. Oras na manalo tayo sa championship sa isang araw, mawawala na rin siya sa isip mo. I-focus mo na lang 'yung isip mo sa laro natin, makakalimutan mo rin siya."

"Alam mo namang hindi 'yon ganun kadali, eh!" medyo naiinis kong sabi sa kanya.

"Alam kong nasasaktan ka na, at ayaw ko man na dagdagan pa 'yung sakit na nararamdaman mo... Pero magderetsahan na tayo dito... Sa tingin mo ba talaga, gusto ka nung babae na iyon?"

Oo, hindi niya sinabi iyon! Kahit kailan hindi niya sinabi sa akin kung anong nararamdaman niya para sa akin! PERO! Pero naramdaman ko iyon... Naramdaman ko na kahit papaano... mahalaga ako sa kanya.

"Hindi mo ba naiisip na baka ginamit ka lang niya? Kasi tinulungan mo siya. Hindi mo ba naiisip na baka ginagamit ka lang niya para matakasan 'yung mga pambubully sa kanya? Hindi siya dumidikit sa'yo dahil gusto ka niya... ginamit ka lang niya pre. Huwag ka ngang tanga!"

Hindi ganoon si Ligaya. Hindi niya iyon magagawa sa akin.

"Pre, ayoko 'tong isipin ah... Pero... Hindi kaya nakatanggap na siya ng pera galing sa daddy mo?"

"... Binigyan ko siya ng mga pagpipilian. Kung hindi na siya nagpapakita o nagpaparamdam sa'yo ngayon, desisyon niya iyon. Siya ang may gusto nun."

"Hindi niya 'yon magagawa sa akin. Hindi 'yon magagawa ni Ligaya..."

"Alam mo pare, ngayon ko napatunayan. Hindi talaga bulag ang pag-ibig. Sigurado akong nakakakita ang pag-ibig, pero nagbubulag-bulagan lang... Kung ako sa'yo, idilat mo na 'yang mga mata mo pare. Ito na kamo ang huling taon na makakapaglaro ka... Tapos sasabihin mong hindi ka maglalaro?! Itatapon mo na lang ba lahat-lahat dahil lang sa babae na iyon?!'

Naririnig ko 'yung mga sinasabi ni Jerry, pero tila lumulusot lang iyon sa tenga ko. Hindi umaabot sa isip ko. Hindi rumerehistro.

"Jerry! Sosa! Tawag kayo ni coach! Hali na kayo!"

"Hindi ko talaga kaya pare..."

"Tol-"

"Susunod ako, kapag nakapag-isip-isip na ako" sabi ko kay Jerry na napabuntong-hininga na lang. Iniwan niya na ako doon at pumunta na sa court para makapag-praktis.

"HEY!"

Napaangat ako ng ulo nang may marinig ako'ng pamilyar na boses. That voice. 'Yung maliit at malamig na boses na iyon.

"Totoo ba 'yung chismis na umalis ka na sa varsity team? Nakakalungkot naman. Hindi ko na pala makikitang nakasabit sa leeg mo 'yung kakaibang medal na iyon..."

Hinila ko siya at niyakap ng sobrang higpit. Iyon lang ang paraan para mapaniwala ko ang sarili ko na totoong nandito siya sa harapan ko. "Bakit ngayon ka lang? Saan ka ba nagpunta? Ano bang nangyari sa'yo? Namiss kita ng sobra-sobra, alam mo ba 'yon ha? Balak mo ba akong baliwin?" sunod-sunod kong tanong habang yakap ko pa rin siya. Halos maiyak ako sa sobrang tuwa.

"Oo, alam ko..." sagot niya sa akin.

"Puwede bang 'wag ka na ulit mawawala? Mangako ka na hindi ka na mawawala..." sabi ko habang nakahawak sa magkabilaan niyang pisngi at nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

Umupo siya sa tabi ko. "Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka nagte-training doon? Totoo bang nag-quit ka na?"

"Dapat" sagot ko habang hawak ang isang kamay niya. Pakiramdam ko pa rin kasi, hindi totoo na nasa tabi ko na ulit siya. "Pero ayaw akong payagan ni coach."

Isang segundo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon