00:12

66 1 0
                                    

ARAW NG CHAMPIONSHIP AT FINALS. 

Itinuon ko lang ang buong atensyon ko sa laro. Hindi ko namalayan, umulan na lang ng confetti. Nanalo ang team namin. I was the MVP. I got the star medal. Matapos ang kung ano-ano pang mga seremonya, picture taking at batian, napagpasyahan ng grupo na magkaroon ng victory party.

"Oh Sosa, hindi ka ba talaga sasama?"

"Hindi po talaga coach. May kailangan pa po akong balikan sa school eh."

"Oh sige, mag-ingat ka at congrats!"

"Salamat ho, coach."

Lumapit ako kay Jerry para magpaalam, "Pre una na ako. Baka kanina pa naghihintay sa Lagoon si Ligaya. Ikain mo na lang ako ah."

"Sige tol, ingat ka! Congrats sa atin! Saka sa'yo, Mr. MVP!"

Pagdating ko sa campus, dumiretso agad ako sa lagoon. Tumakbo ako papunta sa flame tree. Dala ang star medal na nakasukbit sa leeg ko, luminga-linga ako para hanapin siya. Umakyat ako sa great wall, pero wala rin siya sa kahabaan nun.

Hindi kaya nauna akong pumunta sa kanya rito? Masyado kasi akong nagmadali, akala ko kasi naghihintay na siya dito...

Umupo ako sa edge ng lagoon, at naghintay sa ilalim ng flame tree. Pero bakit parang ang tagal naman yata niya? Pero naghintay pa rin ako. Kaya lang, ang tagal niya. Ang tagal-tagal niya. Nasaan na kaya siya? Limang oras na naghihintay doon, pero wala pa rin siya. Nasaan kaya siya?

SABI MINSAN NI JULIET MILLER, 'It's not the goodbye that hurts, but the flashbacks that follow.' Pinaka-masakit pa rin 'yung mga alaalang alam mong hindi na maibabalik pa...

Hinintay ko siya nung araw na yon, at nung sumunod na araw, at nung araw na sumunod pa roon. Pabalik-balik ako sa lagoon, sa bar, sa bahay nila. Pero wala siya kahit saan. Pabalik-balik ako sa mga lugar na iyon sa pag-asang nandoon lang siya...

Sa huling pagpunta ko sa bahay nila, ang sabi nang mga tao magdadalawang linggo na mula nung umalis sina Ligaya at ang Tita Jessy niya. Ayon sa mga taong nakausap ko, hindi sila nagsabi kung saan pupunta. Nangulit pa ako kung may mensahe man lang na iniwan para sa akin, pero wala daw talaga. Umalis na lang sila, at hindi nagsabi kung babalik pa. Parang bula, nawala na lang bigla... Si Ligaya, nawala nang ganoon na lang. Nabalitaan ko na lang na lumipat na siya ng iskwelahan. Ni hindi siya nag-take ng finals exam... Nasaan siya nung mga oras na iyon?

Sa pangatlong linggo na pagpapabalik-balik ko sa lugar na iyon, nasasaktan na ako...

Hindi na siguro. Hindi na siguro ako babalik. Hindi na ako aasa na babalik pa siya. 'Yung star medal na lagi kong dala, saka-sakaling magkita kami... wala na ding kuwenta para sa akin.

Gusto kong isipin na may nangyari lang kaya wala pa siya hanggang ngayon. Na mapapatagal lang nang kaunti bago siya bumalik... pero hindi eh. Alam ko sa sarili ko, na hindi iyon ang sitwasyon.

Sa gitna ng katawan ng puno, may butas... Sa loob nun ay pinatong ko ang medalya. Sakaling bumalik siya, makikita niya ito. Tutal palagi naman niyang iniiwan doon ang mga eroplanong papel na ginagawa niya... Aasa ako na darating ang panahon at makikita niya 'yung star medal sa butas na iyon.

Ligaya, para sa'yo ang medalyang iyon. Nasaan ka na ba?

Naghintay naman ako sa kanya. Minsan dinadaya ko pa ang sarili ko. Sinabi ko na hindi na ako babalik sa lugar na iyon, pero sa araw-araw na napapadaan ako dun, sariling mga paa ko ang nagdadala sa akin sa lugar na iyon... Sa gitna ng Lagoon, sa ilalim ng flame tree. Pero hindi ko siya nakita doon kailan man. Hindi ko na siya nakita kailan man.

Sobrang tagal bago ko maramdaman na magmahal. Labing walong taon ang dumaan sa buhay ko bago ko siya makilala. But for her to say, goodbye...

"Goodbye... Kurt."

It took a second. Isang segundo lang ba ang katapat ng lahat ng iyon?

Ang haba ng panahon na kinailangang dumaan bago kami nagkakilala nang mas malalim. Ang daming panahon ang nasayang sa akin, bago ko maranasang magmahal at mahalin rin. Naging mahaba ang proseso bago kami magkaintindihan, bago magkaroon nang koneksyon ang mga kaluluwa namin. Ang haba haba haba haba nang panahon na iyon... Pero sa kahabaan ng panahon na iyon, ito na ba talaga ang katapusan? Kailangan ko na ba siyang pakawalan?

Isang taon na ang lumipas, ilang buwan nang naglagas ang mga dahon nitong punong apoy. At hindi magtatagal tutubo na naman 'yan, mamumukadkad ang mga bulaklak, at malalagas na naman pagdating ng panahon.

Ang haba na nung panahon na lumipas, pero dito sa puso ko, ramdam ko pa rin 'yung sakit. Nandito pa rin 'yung pangungulila ko sa kanya. Ang sakit-sakit para sa akin na isiping hindi ko na maibabalik 'yung mga sandali na magkasama pa kami. Isang taon na ang dumaan pero nasasaktan pa rin ako. Hindi ako makapaniwalang, nagawa niya akong iwan, nagawa niyang magpaalam sa loob ng isang segundo lang. Dinaig niya pa ang isang kisap-mata. How come that it took a second? Isang segundo lang ba ang katapat ng lahat ng iyon?

Makaraan ang isang Segundo na iyon... Hindi ko na talaga siya nakita.

Isang taon na ang lumipas... Marami nang nagbago sa buhay ko, sa paligid ko, at sa mundo. Pati sa dating iskwelahan ko, marami na ang nabago.

Hindi na mabaho sa lagoon. Pero wala pa ring tubig ang fountain. Kumukunat na ulit ang hagdang kahoy sa great wall. Nasementohan na iyong cabinet sa CR ng lalaki na dumudugtong sa CR ng babae. Masungit pa rin ang librarian. Puro basura pa rin ang locker ko. Nandoon pa rin ang spaceship ng kapre. Bawal pa rin umupo sa mga itim na upuan sa Linear Park.

May mga nawala at dumating. Pero may isang nanatili, at hindi nawala kailan man sa akin. Isang bagay na hindi mag-iiba, at hindi mapapalitan...

Iyon ang alaala ko, kasama ang babaeng iyon.

Kahit pa naging maikli at mabilis ang mga panahon na pinagsamahan namin. Mananatili 'yon dito... Palagi, at kailan man.

Namumukadkad na naman ang flame tree sa gitna ng lagoon... At sa loob ng butas sa katawan ng punong iyon, nakatago pa rin ang medalyang bituin.

Pero hinding-hindi ko pa rin siya makakalimutan. Nung araw na una ko siyang nakita. Nung araw na nakita ko siyang naglalakad suot ang butas-butas niyang palda. Nung araw na mapatunayan kong hindi siya 'yung taong iniisip nang iba na siya... Nung araw na hinalikan ko siya. At nung hinalikan niya ako. At para akong batang kinilig sa unang halik... Nung araw na akala ko nawala na siya, pero ayun at binalikan niya ako... panandaliang binalikan niya ako. Pero ngayon, wala na talaga siya. Kahit pa naging maikli at mabilis ang mga panahon na pinagsamahan namin... Hinding hindi ko iyon malilimutan...

Ligaya, nasan ka man ngayon... 'Yung star medal, ayun, nasa flame tree. Aasa ako na isang araw, panonoorin nating mamukadkad ang flame tree sa gitna ng Lagoon. Isang segundo iyon. Isang segundong hindi ko malilimutan...

"Eh kung kunyare may isang segundo na lang na natitira sa buhay mo, anong gusto mong gawin sa loob ng isang segundo na iyon?"

Kung may isang segundo na lang akong natitira, para mabuhay. Gugustuhin ko'ng makita ka, Ligaya. Kahit isang segundo lang...

Isang segundo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon