00:10

70 2 0
                                    

MASAYA ako na nakilala ko siya, dahil sa unang pagkakataon nagkaroon ng isang tao sa campus na hindi ako nilalapitan para pagtawanan o pagtripan... o kaya naman ay pagtangkaan. Sa unang pagkakataon, may isang tao sa campus na nilapitan ako para tulungan.

"This is not how you treat other people... And that's not how you treat a scrape... Tutal ang galing-galing mong magmatapang, sana lang alam mo kung paano maglinis ng sugat mo."

Palagi niyang iniisip na una kaming nagkita sa Men's CR nung araw na iyon. Pero ang hindi niya alam, sa Linear Park talaga kami unang nagkita. Hindi niya na siguro natatandaan, pero ako 'yung babaeng tinulungan niya noon. Binalaan niya ako nung muntik na akong umupo sa mga itim na upuan doon. Hindi naman kasi ako katulad niya na marami nang alam sa University kahit bago pa lang kami pareho. Muntik ko na tuloy maupuan 'yung mga itim na upuan na iyon. Mabuti na lang at nandoon siya para pigilan ako.

"Miss 'wag kang uupo diyan kung ayaw mong ma-hazing" bulong niya sa akin nun. At nun ko lang napansin na pinagtitinginan na pala ako ng mga tao. Siguro inaabangan nila kung sakaling papasok ba ako sa gulo. Siguro nga, hindi niya na ako naaalala. Nakasalamin pa kasi ako nun at nakatakip ng buhok ang buo kong mukha.

Malay ko ba naman kasi na hindi pala puwedeng umupo doon kung hindi ka miyembro nung fraternity na may-ari nung mga iyon. Mabuti at tinulungan ako ni Kurt... Siya nga talaga si Kurt. Hindi pa man niya ako kilala noon, nilapitan niya na ako para tulungan.

Pagkatapos nung unang pagkikita namin, akala ko hindi na kami magkikita ulit. Sa laki ba naman ng iskwelahan namin at sa dami ng estudyanteng pumapasok araw-araw... Pero hindi nagtagal ay nakita ko rin siya ulit. Nakapasok siya sa varsity team ng campus at marami ang nakakakilala sa kanya. Pinaka-maingay na chismis ay tungkol sa pagiging bakla niya. Siya na lang kasi yata ang single sa team nila. Kaya nga ganoon na lang ang gulat ko nung magtagpo ang landas naming dalawa, sa ikalawang pagkakataon.

Sobrang kulit at cute niya nung araw na iyon.

"Na-nakita mo ba... 'Yu-yung ano... Did you see anything?"

Sa totoo lang, gusto kong tumawa nung tinanong niya ako ng ganoon. Pero kinailangan kong panindigan ang pagsusungit ko, dahil talaga namang mali na pumasok ako sa Men's CR. Naisip ko nun, kung ipinakita ko sa kanya ang kahinaan ko, baka ma-dean's office na naman ako, o kaya'y ma-guidance.

Sa sandaling panahon na nagkasama kami, naramdaman ko kung paano ang may kasama. Dahil sa kanya naramdaman kong hindi na ako nag-iisa. Ginagawa niya 'yung mga bagay na hindi niya ginagawa para lang mapatawa ako... Katulad na lang ng pagkanta.

Nung nagpaulan siguro ang langit ng tono, nagbabasketball siya sa court kaya wala siyang nakuha kahit isa. Gwapo naman talaga siya, huwag lang talaga siyang kakanta. Lalo at iisang kanta lang naman ang alam niyang kantahin, na palagi niya ring kinakanta sa akin.

"At asahang iibigin ka, sa tanghali, sa gabi at umaga
Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba
Lahat tayo'y mabubuhay na tahimik 'at buong ligaya"

Hindi ko makakalimutan nung araw na nag-away kami sa library. Nung magkasakitan kami gamit ang mga salita.

"Alam mo ikaw, hindi ka na nga marunong mag-sorry, hindi ka pa marunong mag-thank you! Saan mo ba nakuha 'yung ganyang ugali ha? Gusto mo, bilhan kita ng dictionary para maidagdag ko 'yung dalawang phrase na iyon sa bokabularyo mo? Bakit tuwing tutulungan kita, ako pa ang lumilitaw na masama at ikaw 'yung galit na magsusungit at magtataray! Hanggat may masisisi ka, isisisi mo sa iba ang mga nangyayari sa'yo! Pero sa tingin ko naman nangyayari lahat iyon dahil diyan sa masamang ugali mo! Bukod sa ugali mo, ano pa bang pangit sa'yo?"

Isang segundo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon