00:08

65 2 0
                                    

KINABUKASAN, tanghali na ako nagising. Napuyat talaga ako, at hindi rin naman ako ginising ni Ligaya. Pagkagising ko nasa kusina siya at may pinipirito na kung ano.

"Hindi na kita ginising kasi hindi mo na naman ako papayagang gumastos kung gising ka. Sasabihin mo na naman, ako na, ako na bahala" sabi niya habang ginagaya pa ang pagkakasabi ko.

Tumango na lang ako at naglakad na papunta sa banyo. Nahihiya kasi akong magsalita. Nakaka-bading man pakinggan, pero nahihiya ako na nakita niya ang bagong-gising kong mukha. Naghilamos at sipilyo lang ako, saka dahan-dahanag lumabas ng banyo at ng kuwarto. Hindi naman napansin ni Ligaya dahil hindi pa siya tapos magluto.

Pumunta ako sa malapit na souvenir shop para bumili ng ilang pamalit na short at shirts. Kasi sa tingin ko, katulad ko'y hindi rin nakapagdala ng extra si Ligaya.

Pumunta rin ako sa convenience store para bumili ng underwear namin ni Ligaya. Wala naman kasing underwear na matino doon sa souvenir shop. Tsaka mas tiyak kong malinis 'yung binebenta sa 7/11. Nakakahiya, oo. Pero wala naman masama sa ginagawa ko, kaya bakit ako mahihiya? Kung ganoon naman pala, bakit ko tinatakpan ang mukha ko habang nagbabayad sa cashier?

"Saan mo nabili 'to?" Mula sa TV, tinuon ko ang tingin ko kay Ligaya na kalalabas lang galing sa banyo. "Oh! Parehas tayo ng design?" tanong niya habang pabalik-balik ang tingin sa t-shirt ko at sa t-shirt niya.

"Uh... Wala na kasing ibang design na hindi jejemon, eh. Ito na lang 'yung mayroon doon."

Sa totoo lang, madami pang design doon sa shop. Pero wala lang... Gusto ko lang magkaroon kami nung couple vibes. Leche, ang bading ko na naman.

Naiilang-ilang pa akong tumingin sa bandang pambaba niya. Mabuti na lang at pang-lalaki 'yung shorts na pinili ko para sa kanya, kaya medyo mahaba pa iyon. Kung pambabae kasi ang binili ko baka hindi ko na siya matingnan buong araw.

"Saan ba tayo pupunta?" nakangiti niyang tanong sa akin nung nasa labas na kami ng pad.

"Basta, magugustuhan mo doon" sabi ko sa kanya habang palinga-lingang nag-aabang ng dadaan na tricycle.

May gusto talaga kaming puntahan noon na hindi naming mapuntahan dahil gabi na kami nakarating sa Olivarez at sarado na iyon.

Naalala ko kasi nung sinabi ni Ligaya na mahilig siya matataas na lugar. Naisip kong may zip line sa Picnic Grove. Bukod sa magugustuhan niya iyon dahil mataas, mailalabas niya pa lahat ng nagpapabigat sa damdamin niya. Ito lang naman ang magagawa ko para sa kanya... ang mapagaan ang loob niya.

Pagdating naming sa Picnic Grove, naglakad-lakad muna kami. Hindi ko pa sinabi sa kanya 'yung idea ko. Sana lang talaga, magustuhan niya.

"Wooooo. Kabayo!!!" sabi niya saka tumakbo palapit doon sa mga kabayong nakatali lang.

Nung araw na iyon, nakita siyang maging sobrang saya. Sumakay kami ng kabayo. Kumain kami sa damuhan. Pinanood namin ang paglubog ng araw. Nag-zip line kami, kung saan siya sumigaw nang sumigaw.

Hindi ko maintindihan 'yung mga isinisigaw niya, pero marami siyang sinasabi. Pagbaba namin, iyak siya ng iyak. Niyakap ko siya pero pinapalo-palo niya ang dibdib ko. Nung una, tinatanong ko siya kung bakit. Pero hindi siya sumasagot. Inakay ko siya sa isang bench malapit doon, para hindi kami makaharang sa iba pang mga customer.

Nung pabalik na kami sa pad, may nadaanan kaming lawa. Pinatigil ni Ligaya 'yung tricycle at tumakbo papunta sa lawa. Agad ko naman siyang sinundan pagkatapos kong magbayad sa drayber, dahil nag-aalala ako na may kung anong kumagat kay Ligaya dahil mahalaman 'yung dinaanan niya.

Isang segundo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon