00:07

78 2 0
                                    

SI LIGAYA...

Siya 'yung babae na sinasabi kong nakilala ko isang taon na ang nakalilipas. 

Siya si Ligaya San Jose.

Sabi nila, isa siyang bayarang babae. Na labas-pasok siya sa isang bar sa Altura, para magbenta ng kaluluwa.

Pero mali silang lahat. Hindi totoo ang iniisip nila tungkol sa kanya. Hindi siya ganoong klase ng babae. At kumpara sa lahat ng mga nanghuhusga sa kanya, 'di hamak na mas malinis at inosente siya.

Oo, totoong labas-pasok siya sa isang bar malapit sa Altura. Oo, totoong nagtatrabaho siya sa isang bar. Pero hindi bilang taga-bigay aliw, kundi isang waitress... na kung minsa'y kumakanta rin. Maganda siya. Kahit ang boses niya'y maganda rin at bagay na bagay sa mukha niya.

Mukha siyang masungit at may pagka-barumbado siya kausap. Pero hindi niya kasalanan kung nagkaroon na siya ng trust issues dahil sa dami ng naranasan niyang kalokohan mula sa mga nasa campus. Iyon lang siguro ang nakikita niyang paraan para protektahan ang sarili niya. Pero oras naman na maramdaman niyang mabuti ang intension mo sa kanya, saka mo makikita 'yung natatago niyang ganda.

Dahil bukod sa maganda niyang mukha, malambot din ang puso niya. Sobrang lambot ng puso niya, na para bang gugustuhin mong palagi siyang yakapin.

Hindi siya matigas, hindi siya bato, hindi siya manhid. Nakararamdam siya, at madalas pa nga'y nasasaktan siya. Sinusubukan niya lang maging matibay dahil wala siyang ibang tao na maaaring asahan. Kaya nasanay siyang nagpapakalakas para maprotektahan ang sarili sa dami nang nagtatangkang gawan siya ng masama.

Ang sabi niya, hindi siya marunong mag-sorry... Kung gusto mong marinig sa kanya ang salitang iyon, kakailanganin mo pang magpapalit ng pangalan. Pero alam niya kung kailan iyon sasabihin, sa paraan na hindi mo aakalain. Sa pagkakataon, kung saan hind mo alam kung anong unang mararamdaman at iisipin. Kung 'yung problema ba, o 'yung katotohanan na ginawa niya 'yung isang bagay na hindi niya talaga ginagawa nang dahil lang sa iyo.

Dahil sa kanya, gumulo ang kada araw ko sa campus. Hindi ko na nasususunod ang daily routines ko. Parang gusto ko na ngang maging commercial model ng Nescafe eh. Tapos tatanongin nila ako kung para kanino ako gumigising... Kung dati nila ako tatanongin, wala akong maisasagot sa ganoong klase ng tanong. Pero iba na ngayon. Hindi na lang basketball at barkada ang ipinapasok ko sa eskwela ngayon. May iba na akong rason sa pagpasok.

"What the hell?! Ba't ba galit na galit ka! Hindi naman namin sinabing ibigay mo siya sa amin, eh! Puwede naman natin siyang paghati-hatian-"

At kahit madalas akong mapa-trouble dahil sa kanya, I am more than willing to protect her. Masaya akong masaktan para sa kanya.

"Eh alam naman na ng buong campus ang tungkol sa inyong dalawa! Akala mo siguro, hindi namin alam na ikaw ang nag-report sa'min! Puwes, pasensyahan na lang kasi madali namin 'yun natakasan!"

"Ewan ko lang kung matatakasan din ng shota mo 'yun!"

"Ah siguro hindi mo pa alam... Pinagtulungan nung mga babae 'yung shota mo kanina, pero ang update sa akin... siya pa ang napapasama sa Guidance office ngayon."

Nung marinig ko iyon, nangako ako sa sarili ko na hinding-hindi ko hahayaan si Ligaya na solohin na lang ulit lahat ng sakit na mararamdaman niya. Ayoko nang iiyak na naman siya nang siya lang mag-isa. Nandito lang ako para sa kanya, at ipararamdam ko iyon sa kanya. Pero nasaan ba siya?

Nasaan ka ba, Ligaya?

Patakbo akong lumabas ng locker room at nagmadaling makarating sa Guidance Office. Bago ito, nakasalubong ko sina Vincent na kanina pa pala ako hinahanap para maibalita sa akin ang nangyari kay Ligaya.

Isang segundo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon