chapter 2

3.4K 73 1
                                    

Aida's POV

Bihis na bihis ako ngayon at abala sa paglalagay ng pulbo at lipstick. Papunta ako ngayon sa pag-aaplyan ko ng trabaho. Ready narin Ang resume ko. Pagkatapos magbihis ay bumaba na ako para mag-almusal. Dito ako sa dati Kong kwarto Kung saan pinabago ko na Ang disenyo. Magkasama kami ni anatacia since ayaw niyang magkahiwalay kami NG kwarto at Hindi daw siya sanay.

"Good morning Mommy, daddy and to you my beautiful daughter." Bungad ko ng mapunta ako sa hapagkainan. Hinalikan ko sa pisnge sila mommy at daddy gano'n narin si anatacia na gumanti Rin ng halik sa pisnge ko.

"Good morning anak/mommy." Sabay na wika nilang tatlo. Umupo na ako at nagsalin ng gatas sa Baso ko gano'n Rin Kay Anatacia. Nagsimula kaming kumain.

"Anak, sigurado ka ba na ayaw mo sa kompanya natin?" Tanong Ni daddy sa'kin. Agad Naman akong ngumiti at umiling.

"I'm fine, daddy. Besides kapag doon ako, hindi ko maeexplore ang ibang kompanya. Hindi Naman po sa ayaw ko sa kompanya natin pero gusto ko Lang po magtrabaho sa iba." I said then drink the glass of milk.

"Osiya, I can't stop you if gusto mo talaga sa iba. Basta if Wala Kang makuhang trabaho dito sa pinas, you're welcome to our company, okay?"

"Yes daddy. Iwan ko po muna sainyo si anatacia. Babalik din po ako agad kapag natapos ako mag-apply." Wika ko at tumayo na.

"Mommy, go home early, okay?" Malambing na wika Niya sa'kin. Hinaplos ko Naman Ang buhok Niya at kinurot Ang tungki ng ilong Niya.

"Yes, baby. Promise me na Hindi ka masiyadong magpapasaway, ha?" Kiniss ko siya sa cheek at niyakap.

"Promise po mommy." Ganti Niya. Hindi na ako nagtagal pa at umalis narin.

NANG makarating sa STARLIGHT HOTEL ay tinignan ko Mula sa labas Ang building. 72 floors ito at talagang napakaganda kahit sa labas palang. Nginitian ko Ang guard bago pumasok sa building. Dumiretso ako sa 33rd floor kung saan nando'n ang interview. Pagkarating ko doon ay marami Rami narin Ang nakapila na mga Tao.


"Miss, nagsimula na po ba sila mag-interview?" Tanong ko sa babaeng nasa unahan ko.

"Oo, kakasimula palang." Nakangiting wika Niya.

"Ahh, salamat. Ako nga pala si Aida Cassey Fernandez." Pagpapakilala ko at inabot Ang kamay ko sakaniya.

"I'm Sofia Clarisse Torres, nice meeting you." Nakangiti ring wika Niya at nakipagkamayan sa'kin. Naging mabilis Lang Ang interview at ngayon ay si Sofia na Ang sunod.

"Goodluck!" Wika ko sakaniya. Nakangiting tumango Naman siya at nagthumbs up sa'kin. Agad siyang pumasok sa room na pag-iinterview-an at ako Naman ay nanatiling nakaupo habang pumipila.

Hindi nagtagal ay lumabas narin siya. Tumigil siya sa harapan ko at parang nabunutan ng tinik na siya pero parang may galit o inis siya No'ng lumabas siya sa kwartong 'yon.


"Kamusta?" Tanong ko habang Hindi pa ako tinatawag para pumasok.


"Itetext nalang daw if makukuha o Hindi. Pesteng lalaki 'yon. Kung Hindi ko Lang kailangan ng trabaho, Hindi ako papasok dito Kung siya Ang magiging boss." Mahabang Saad niya. Kumunot Naman Ang noo ko.


"Kilala mo Ang boss?" Usisang tanong ko.


"Hindi, ah Basta! Isa Lang siyang demonyo! Osiya, hintayin Kita matapos sa interview tapos pasyal Tayo. Malay ko makuha tayong dalawa atlis, magkaibigan na Tayo." Ngumiti siya at tinapik Ang balikat ko.


THAMUZ SERIES 1: He's back |COMPLETED|Where stories live. Discover now