chapter 8

2.2K 47 0
                                    

A/N: this chapter is dedicated to Joyssiii143 hi there! I hope you'll support my story until the end! Keep safe and love yah!

Follow me, yanna_juls is my username.


Aida's POV

Bandang 7pm na kami natapos sa pagtatrabaho. Ang mga ibang crew na Ang magseserve ng mga hapunan ng nga nakastay in sa hotel. Nag-inat inat muna ako bago tumayo.


"Una na ako guys, take care." Saad ko at isukbit ang shoulder bag ko.


"Take care, Aida." Si Alex.


"Ingat, bitch. See you tomorrow." Ani ni alexa. Nginitian ko Lang sila at saka napatingin Kay Sofia. Nakatulala lang siya at Tila ba malalim Ang iniisip. Mababakas mo din sa mukha Niya Ang inis. Anyare dito?


"Hayaan mo na si Sofia, kanina pa 'yan ganiyan No'ng makabalik siya galing sa opisina Ni Sir Alucard." Bulong sa'kin Ni Alexa. May nangyari Kaya?


"Sige na, Sofia, Mauna na ako." Kinalabit ko siya Kaya Naman napagitla siya at tumingin. Lumingon siya ng bahagya sa'kin at napatango.


"Ah, o-oo, oo m-mag-iingat ka." Saad niya Lang. Hmmm... Ano Kaya nangyari sakanila Ni Sir? I smell something fishy.



Lumisan ako agad matapos magpaalam at dumiretso sa parking lot. Pumasok ako agad at isinukbit Ang seatbelt ko.



~KRIIING KRIIIING KRIIIING~



Sino Naman Kaya 'to?



Kinuha ko Ang phone ko at tumatawag si mommy.


"Hello? Mommy? Napatawag po Kayo?" Bungad Kong tanong at nagsimulang magmaneho.



"H-hello? Anak?! A-anak, nandito kami n-ngayon sa Medal Chest Hospital."



Awtomatiko kung nahinto ang pagmamaneho dahil sa narinig. At dahil sa gulat ramdam ko Ang pagbunggo ng sasakyan ko sa kotseng nasa harap ko. Hindi man 'yon gano'n kalakas, Alam Kong mayuyupi Ang unahang bahagi ng sasakyan ko at likod na bahagi ng sasakyan sa harap ko.



"A-ano? Sinong dinala niyo diyan, m-mommy? Bakit Kayo nasa hospital?!" Sunod sunod Kong tanong. Hindi mawari Ang kabang nararamdaman ko.



Nakita ko Ang pagbukas ng pinto ng kotse sa harap ko at iniluwal no'n ang halos kaedad ko Lang na lalaki. Matangkad Ito at mukhang may masasabi Ang pamilya dahil Kung tititigan mo siya, 'di hamak na napakagwapo Niya at Ang linis linis tignan.



Nabalik ako sa pakikipag-usap kay mommy dahil napalakas na Ang pagtawag Niya sa pangalan ko.



"Hello, mommy? Sino pong nandiyan?" Ulit na tanong ko.



"Anak... Anak si Anatacia Ang nandito. Pumunta ka nadin dito ngayon na."



Halos mabitawan ko Ang phone ko ng marinig Ang pangalan ng anak ko. Jusko, anong nangyari?



"Miss? Miss lumabas ka diyan at mag-usap Tayo." Rinig kong Sabi ng lalaki at kinakatok Ang bintana ng kotse ko.


Kailangan ko ng umalis... Kailangan ako ng anak ko.



THAMUZ SERIES 1: He's back |COMPLETED|Where stories live. Discover now