chapter 10

2.3K 35 0
                                    

               WARNING: SLIGHT SPG!!!

Aida's POV

"Anak, umuwi kana muna.." naalimpungatan ako ng maramdamang may tumatapik sa braso ko. Nakita ko si mommy at daddy na nakatayo sa gilid ko.

"Mommy..." Sambit ko Lang. Inalis ko sa pagkakahiga Ang ulo ko sa kama Ni Anatacia at tinignan ang gawi ng anak ko. Hanggang ngayon ay Wala parin siyang Malay. Kung sabagay, kaninang umaga Lang Naman siya nasalinan ng dugo.

Tumingin ako sa orasan nitong room na tinutuluyan ni Anatacia. 7:39Pm. Nakatulog pala ako matapos kong kumain ng meryenda kaninang mga alas tres. Tumayo ako at inayos Ang buhok at damit ko. Terizla...

Tumingin ako sa gawi nila mommy ulit at tumikhim.

"Mommy... Si t-terizla po?" Tanong ko rito. Bigla namang tumingin si mommy sa left side ko kaya sinundan ko Ang tinitingnan Niya.

Terizla...

Mahimbing itong natutulog sa couch. Nakaupo lamang Ito at Ang ulo ay nakasandal sa sandalan ng couch. Tumingin ako Kayla mommy ulit bago napagpasiyahan na lapitan si Terizla. Inasikaso naman nila mommy at daddy si Anatacia. Nang makalapit Kay Terizla ay umupo ako sa tabi Niya at pinatitigan Ang buong istura niya. Still handsome Terizla.

"Terizla..." Bahagya Kong tinapik Ang braso Niya ngunit Hindi parin Ito nagigising.

Lumapit ako ng bahagya sakaniya bago siya ulit sinimulang gisingin. Ngunit Hindi parin siya nagising. Pagod na pagod siguro siya. Alam kong busy siya dahil sa pagkakaalam ko ay may bago siyang palabas sa telebisyon. Muli Kong sinulyapan ang mukha Niya Mula Mata, ilong, at ang labi niya. Bahagya akong napalunok ng maalala Ang paghalik Niya sa'kin No'ng unang araw na magkita kami ulit. Doon sa hotel na pinagtatrabahuan ko. Shit! Hindi ako nakapagsabi na aabsent ako ngayong araw!

Kahapon Kasi nangyari Ang lahat at ngayon ay Hindi ako pumasok dahil gusto Kong nandito ako once na magising Ang anak ko. Iniwan ko muna saglit si Terizla at kinuha Ang bag ko. Kinuha ko Ang phone ko at tinawagan si Sofia.

(Hello?)

"Sofia, sorry napatawag ako." Saad ko

(Bakit Hindi ka pumasok kanina? May nangyari ba? Hindi ka man Lang nagpaalam na Hindi ka papasok.)


"Nako, iyon nga Ang itinawag ko. Mukha kasing pati bukas ay Hindi rin ako makakapasok..."

(Bakit?)


"Nasa hospital Kasi ako ngayon, nakaconfine Ang anak ko."

Tumingin ako Kay anatacia. Sunod ay tinignan ko Ang daddy Niya na tulog parin.

(Ano?! Anong nangyari Kay baby tacia?! Kamusta?!)

Nailayo ko ng bahagya ang phone ko sa tenga dahil sa pagsigaw Niya.

"Okay na siya, sasabihin ko nalang lahat kapag pumasok na ako ulit. Pasabi Naman Kay Sir na may emergency ako."

(Oo, sige. Saang hospital pala Kayo?)

"Medal Chest Hospital. Salamat sofia, ha? Ibababa ko na muna."

(Oo, sige. Ako na bahala. Bye.)

Bigla namang naputol Ang kabilang linya. Binalik ko ang phone ko sa bag ko at nilapitan si Terizla. Kahit kailan tulog mantika talaga 'to. Isa nalang naiisip Kong paraan para magising siya. Bahala na.

THAMUZ SERIES 1: He's back |COMPLETED|Where stories live. Discover now