chapter 22

1.5K 30 0
                                    

      ❗❗❗WARNING: SPG❗❗❗

Aida's POV

"Hi honey, how's your day?" Bungad sa'kin ni Terizla ng makababa siya sa kotse niya. Lumapit siya sa'kin at ginawaran ako ng isang mabilis na halik sa labi.


"It was great, how about you?" Balik kong tanong rito. Kinuha niya ang sling bag ko at nilagay sa loob ng kotse sabay pinagbuksan din ako ng pinto. Agad akong sumakay doon at umikot naman siya para sumakay sa kabila.


"Well, tomorrow we will be having an event here in Starlight Hotel. It's Dad's 50th birthday." Sagot niya at ini-start ang kotse. Maiiwan ang kotse ko sa parking lot at okay lang 'yon. Bukas siya rin naman ang maghahatid sa'kin panigurado.



"Ohh, oo nga 'no? I almost forgot tito's birthday." Sagot ko at umayos ng upo.


"And..."



"And what?" I asked and look at him.



"I'll tell everybody about you and our daughter tomorrow. Ipapakilala na Kita sa lahat at kay daddy. I know daddy knows you already pero hindi niya pa alam na nagkabalikan na tayo at may anak na. May mga media bukas, panigurado, kaya magandang ipakilala na kita para alam ng lahat ang tungkol sa'tin. Besides, we're getting married." Dahil sa sinabi niya bigla akong natahimik. Nakaramdam ako ng kaba dahil hindi ko alam kung magugustuhan kami ng lahat. Lalong lalo na ni Tito Theodore.



Hindi naman sa hindi gusto ni Tito Theodore ang relasyon namin noon pero hindi niya din pinakita na gusto niya. Basta hinayaan niya lang kami at hindi pinakelaman. Pero alam kong iba na ngayon dahil sikat na artista na si Terizla at itong tungkol sa'min ay pwedeng makasira sa reputasyon niya bilang isang actor.



"Sigurado ka na na diyan? I mean, hindi naman sa tutol ako sa gusto mong nangyari pero ngayon palang alam kong hindi matutuwa si tito sa malalaman niya. Lalo pa't sikat kana ngayon at iniidolo ng nakararami." Salaysay ko. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti kahit na nasa daan ang atensyon nito.


"I'm sure about this, honey. Don't worry, kahit ano pang maging reaksyon ni dad hinding hindi na magbabago ang desisyon ko. I don't care if it can destroy my reputation as an actor. The only thing that's important is you and Anatacia. Nothing more." He said. A tear escaped from my eyes pero agad kong pinunasan 'yon.


"I love you, honey." Tanging lumabas sa bibig ko.



"I love you more, baby." Sagot niya. Nagfocus ulit siya sa pagmamaneho at 'di kalaunan ay nakarating rin kami sa bahay.




Terizla's POV

Isang magandang ngiti ni Anatacia ang sumalubong sa'min ni Aida. Tumakbo ito sa'min at pareho kaming ginawaran ng yakap. Hinalikan ni Anatacia ang pisnge niya at ako naman ay hinalikan siya sa noo.


"Daddy! I miss you!" She said while hugging my waist. Yumuko naman ako at pinantayan siya.



"I miss you too, sweetie." Saad ko. Itinaas niya ang kamay niya at animong gustong magpabuhat sa'kin. Nginitian ko siya atsaka binuhat. Naunang pumasok si Aida at dumiretso sa taas para maligo.



"Daddy, help me with my assignment na po." Anatacia said.

"Sure, sweetie." Habang karga karga siya ay dumiretso kaming dalawa sa sala. Nando'n na sa round table ng sala ang gamit ni Anatacia at nakalabas narin ang mga lapis niya at papel. Meron din siyang coloring materials na nakalabas.


"What's your assignment, sweetie?" I asked bago siya ibinaba. Umupo naman siya agad sa carpet kaya tinabihan ko siya.


"Ahmm, math and arts po daddy. Teacher Kate give us this assignment po." Sabi niya at ipinakita sa'kin ang notebook niya. Addition and subtraction ang sa math at ang sa arts naman ay gumuhit daw ng bagay na magpapakita ng gusto mong trabaho kapag lumaki ka.


THAMUZ SERIES 1: He's back |COMPLETED|Where stories live. Discover now