Ch. 12

10.2K 323 17
                                    

Florrence

"Florrence." 

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang masuyong paghaplos ni Tyrone sa aking balikat. Humulma ang isang matamis na ngiti sa aking labi nang masilayan ko ang mabining ngiti na napaskil sa labi ni Tyrone.

"H-hi..." Nasabi ko sa kanya sa kawalan ng salitang maaaring mausal sa pagkakataong ito.

Patuloy ko lamang siyang tinititigan. Ang kanyang nangungusap na mga mata ay nakatingin lang din ng matiim sa akin. Para bang kinakabisa namin ang isa't-isa.

"You are beautiful..." Sambit ni Tyrone bago tinawid ang distansya sa pagitan namin. Walang pasabi niyang siniil ng halik ang aking mga labi, ang mga kamay niya ay nasa aking beywang na marahang humahaplos, kinakabisa ang bawat kurba ng aking katawan.

At parang tulad sa tuyong dahon na tigang na tigang ay biglang sumiklab ang kakaibang pakiramdam sa aking sarili. Sa bawat pagdama niya ay napupukaw ang aking kamalayan, sa bawat halik niya'y ipinapadama niya sa akin ang kaluwalhatian.

Kusa kong ikinawit ang dalawa kong braso sa kanyang leeg at mas nilaliman ang aking paghalik. Ang dating mapagbigay na halik ay naging mapusok, mapaghanap. Hindi ko maintindihan ang init na ginigising ni Tyrone sa pagkatao ko, isang klase ng init na alam kong siya lang ang tanging lunas.

Nagsimulang maglakbay ang aming mga kamay, kinakabisa ang bawat hulma, ang bawat kanto ng aming mga katawan. Mahina akong napaungol nang dumapo ang kaliwang kamay ni Tyrone malapit sa maselang bahagi ng aking dibdib.

"Let's stop baby..." Sabi niya sa nahihirapang boses. Dapat ay sumang-ayon ako sa kanya, pero naging taksil ang sarili kong katawan. Imbes na pakawalan si Tyrone ay mas lalo ko pang hinigpitan ang aking pagkakayakap sa kanya. Hindi ko maintindihan pero init na init ang pakiramdam ko, nakakabaliw.

"Fvck!" Mahinang mura ni Tyrone nang maramdaman niya ang kamay ko sa sensitibong bahagi sa ibabang bahagi ng katawan niya. Napabalikwas siya ng tayo bago ako panandalian pinakawalan, akala ko ay nagalit siya sa ginawa ko at iiwanan niya ako rito na mag-isa. Pero maling akala ko lang pala iyon.

Sa isang iglap lang ay buhat-buhat na ako ni Tyrone, walang kahirap-hirap niya akong pinasan patungo sa pinakagitnang bahagi ng kama. Ikinawit ko ang dalawa kong paa sa kanyang beywang, gusto ko siyang maramdaman. May mga pangangailangan ako na gusto kong mapunan niya. Siya, at siya lamang.

Hindi pa man kami tuluyang nakakahiga ay siniil na niya ako ng halik habang ako ay abalang dinadama ang kanyang katawan sa ilalim ng aking mga palad. Mula sa aking labi ay naglakbay patungo sa aking leeg ang kanyang mga halik, na para bang isang bubuyog na tumitikim sa masarap na katas ng isang bulaklak.

Malakas akong napaungol dahil sa ginawa niyang marahan na pagkagat sa sensitibong parte ng aking leeg kung saan niya ako kinagat kanina. Kakaiba ang naramdaman ko nang pinadaanan ng halik ng kanyang mga halik ang aking marka. Para bang mas dinadala ako sa aking sukdulan. Sa rurok ng kaligayahan na tanging si Tyrone lang ang makakapagpadama.

Maya-maya pa'y narinig ko ang pagkapunit ng isang damit—aking damit.

"Beautiful." Mahinang anas ni Tyrone bago inikot ang braso sa likuran ko. At para ding may sariling utak ang aking kamay, dahan-dahan kong itinaas sa kanyang ulo ang damit na suot niya. Napakagat-labi ako nang tumambad sa akin ang maskuladong katawan ni Tyrone. Alam kong dapat na akong kabahan sa bilis ng mga pangyayari ngunit wala akong makapang pag-aalinlangan sa aking sarili.

Hahalikan ko na sana siya nang mapansin kong biglang nagbago ang kulay ng kanyang mga mata. Mula sa pagiging itim ay naging kulay ginto iyon.

Napatda ako sa aking nasaksihan, napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang nakakamanghang kulay ng kanyang mga mata.

Tyrone: Dark Series Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon