Ch. 23

8.4K 229 13
                                    


This is so unedited hahahaha. masyado akong busy. As in over-over. Sabi ko hindi ko ito ipopost kung hindi pa ako nakagawa ng draft for atleast five chapters hahahaha. So chapter 23 na tayo, mga lobo! Hanggang 35 lamang po ito o kaya ay hanggang 40. I dunno! Basta iyon. See yah on Monday. Magbi-beach ako bukas at maghahanap ng inspiration. So every other day na ang update. Kaya pa ba? Kailangan ko ng magmadali. Naghihintay pa ang Book Two ng Alpha's Omega na sisimulan kong sulatin sa September 19 :)) Enjoy! 


Florrence

Tinitingnan ko si Adrienne sa pamamagitan ng rear view mirror ng sasakyan ni Tyrone. Kanina pa hindi mapakali ang batang babae sa pagtulog. Baling dito, baling doon. Minsan pa nga ay napapakunot ang noo nito.

"Why is she like that?" Wala sa sariling tanong ko kay Tyrone. Adrienne is too different when she's awake. Masigla ang bata. Parang hindi nawawalan ng enerhiya.

"What do you mean?" Balik-tanong ni Tyrone sa akin, ang konsentrasyon nito ay nasa pagmamaneho.

"Adrienne. She's too... I don't know. I can't put a word on it." Sagot ko kay Tyrone bago umayos ng upo.

"Ahhh..." May patango-tango pa itong nalalaman. "She's special." Tipid na sagot niya sa akin.

Special? What does that mean?

Kaysa putaktihin ng katanungan si Tyrone ay hinayaan ko na lang ang paksa na iyon at tahimik na umupo sa aking upuan.

"Are you...mad? Worried? Angry?" Maya-maya at tanong ni Tyrone sa akin.

"Why should I be?" Balik-tanong ko sa kanya.

"Sa nangyari kanina. Sa napag-usapan namin." Tukoy ni Tyrone sa mga kaganapan kanina sa Pack House.

"Those things...it's between you and your pack-"

"Our pack." Pagtatama ni Tyrone sa akin. "Your opinion matters here, Florrence."

Natahimik ako sandali sa sinabi niyang iyon. Marahang napatango pagkatapos. I'm really new at this. Of my inclusion to his pack.

"O...kay. Our pack." Pagtatama ko sa aking sinabi kanina. "I honestly don't know what to say. Masyadong OA ang Auota. These things happened after the incident of Yra. Ayaw nilang mabigla sa mga pangyayaring maaaring maganap o nagaganap sa mga bansa ng Avinia. But come on, they're crossing the lines. For what? To attain superiority? Justice? F*ck Justice! We all know that they want control. They're trying to be subtle about it, but we're not that dumb to believe them."

Hindi ko alam kung bakit ang ulo ko ang umiinit dahil sa mga bagay na pinaggagawa ng Auota sa mga bansa rito sa Avinia. They're some greedy wolves. They want total control. But f*ck them because I don't think those Alphas will allow them...especially this Alpha that's sitting beside me.

Napatingin ako sa gawi ni Tyrone dahilan para magtama an gaming mga mata. There's a slight glint of amusement in his eyes... and admiration?

"Your eyes, mister." Saway ko sa kanya. Wala pa akong planong paglamayan at ilibing sa ganitong edad. Marami pa akong pangarap sa buhay ko, actually.

"I'm quite familiar with the road, miss. I'm just enjoying the view on your side." Sabi nito na hindi pa rin inaalis ang paningin sa akin.

Hindi ko maiwasang hindi maapektuhan sa klase ng tinging ibinibigay niya sa akin. It feels like...it feels like he's seeing more than what meets his eyes. It's like I am baring my soul to him...and only to him.

" Tyrone." Mahina ang boses na saway ko sa kanya. Hindi ko alam kung saway pa iyong matatanag dahil sa panginginig na kalakip niyon.

"Why are you this beautiful, Florrence?" Paanas na tanong nito, ang mga mata'y nakatutok pa rin sa akin. Hindi ko namalayan na hawak na pala nito ang aking kanang kamay, dinala niya iyon sa kanyang mga labi at marahang hinagkan.

Tyrone: Dark Series Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon