Ch. 3

13K 364 8
                                    

Enjoy! I'll update the soonest :) I think simula sa next chapter ay magiging interesting na ang lahat :) Thanks for the continued support!

Florrence

"Ang tagal mo naman yata magbanyo?" Ang nakakunot-noong mukha agad ni Dianne ang bumungad sa akin pagkalabas na pagkalabas ko sa cubicle na pinasukan ko.

"Kanina ka pa?" Kinakabahan kong tanong sa kanya. Baka nakita niya ang nangyari sa akin kanina. Baka may alam siya sa lalaking nakaengkwentro ko kanina.

"Bago lang. May nangyari ba sa iyo? Para kang namumutla ah?" Puno ng pag-aalalang tanong niya sa akin. Nilapitan niya ako at agad na hinawakan ang aking mukha at iniangat iyon. "May sakit ka ba?"

"S-sakit? Wala. Wala. Nahilo lang yata ako sa byahe natin. Halos labing-apat na oras din ang naging paglalakbay natin." Pagdadahilan ko kay Dianne at agad na tinungo ang lababo at naghugas ng kamay. "May pupuntahan pa ba tayo pagkatapos natin dito? Pupunta na ba tayo ng Nealandra?" Sunod-sunod na tanong ko kay Dianne.

"Nope. Manananghalian muna raw tayo sabi ni Derek. May katagpo siya ngayon sa Auota, balak nila'y sa malapit lang kumain ngunit may mahalaga siguro silang pag-uusapan kaya sa Ugana muna tayo tutungo bago sa Nealandra." Parang balewalang sambit ni Dianne bago pumasok sa isang cubicle.

Ipinagpatuloy ko na lang ang paghuhugas ko ng aking kamay at hinintay si Dianne na matapos. Pilit kong iniwawaglit sa aking isipin ang nangyari kanina. Kung si Yra ay may kakayahang gawin iyon, paano pa kaya ang kasamahan niyang si Niel? Kinakabahan ako sa uri ng mga taong narito. Parang hindi sila normal.

Ilang sandali lang ay lumabas na rin si Dianne, naghugas ng kamay at lumabas na kami ng banyo. Naglalakad na kami patungo sa kinaroroonan ni Derek nang mapatingin ako ulit sa fire exit. Napailing na lang ako sa aking naisip, sa lugar na iyon ay muntik na akong bawian ng buhay.

"Dianne..." Tawag ko kay Dianne na abala sa pagtipa sa kanyang cellphone.

"Hmmm..."

"Ano ang ibig sabihin ng Alpha? Ano ang isang Reaper?" Ang tanong kong iyon ang naging dahilan ng biglaang paghinto ni Dianne sa paglalakad. Napatingin siya sa akin na para bang may pinagdedesisyunan sa utak niya. Hindi ako mapalagay sa uri ng tingin na binibigay niya sa akin.

"May nangyari ba sa iyo?" Tanong niya mayamaya. Ang mukha niya ay kakakitaan ng matinding pagkabahala at kaba. Lumapit siya sa akin at tiningnan ako na para bang isa akong bagay na page-eksperimentuhan.

"Wala. Naitanong ko lang dahil nabanggit iyon nina Derek at Niel kanina." Nakahinga ako ng maluwag nang maayos kong maipaliwag kay Dianne ang pagkukwestiyon ko. Napansin kong napatingin sa paligid si Dianne bago ginagap ang kamay ko at mas binilisan ang paglalakad namin patungo kay Derek.

"Tapos na-"

"I need to talk to you. We'll be staying here for a month, Derek. I think it'll be... important to let her know." Makahulugan ang tingin na ibinigay ni Dianne kay Derek bago napatingin sa akin ang dalawa. Nagsukatan ng tingin ang dalawana animo'y sa pamamagitan niyon ay magkakaroon sila ng konkretong desisyon.

"H-hey?" Tawag ko sa kanilang dalawa. Nakatingin lang sa akin si Dianne habang si Derek ay nakapameywang na nakatingin din sa gawi ko.

"I'll inform them first. Alam mo naman kung gaano kahigpit ang nakakataas tungkol diyan. You can start explaining things to her on the jet, huwag rito. Ako na ang bahala sa Konseho, pagdating natin ng Nealandra saka ko ipapakita sa kanya ang kailangan niyang makita." Saad ni Derek bago kami talikuran at naglakad palayo.

"Saan siya pupunta?" Tanong ko kay Dianne na ngayon ay hila-hila na ako sa kamay. Nakita kong may sinenyasan siyang lalake di-kalayuan at itinuro ang aming mga bagahe.

Tyrone: Dark Series Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon